Chapter 10

212 4 0
                                    

Chapter 10 (Coffee)

"SHOT!" sigaw ng isang grupo ng kalalakihan sa kabilang table. Nakakabingi ang music, dumagdag pa tong mga to.

"Nasan na ba si Austin? Naiinip na----oy ayan na sya!" Sambit ni Dos kaya napalingon kami sa entrance ng bar na to.

Napatayo kami para salubungin ng yakap si Austin, grabe sobrang namiss namin sya. Nakita ko pa ang namumuong luha sa mga mata nya nang makita nya kami.

"Grabe! Kumpleto na mga babies ko!" Masayang lintanya nya at napatalon talon pa.

Nagtama naman ang paningin namin at ayan na! ayan na! ang OA!

"Omygosh Seven! Hindi kita nakilala! Lalo kang gumwapo grabe" sigaw niya, gusto kong takpan ang bibig nya dahil agaw pansin talaga sa mga tao.

"Huwag ka ngang maingay!" ani ko, at marahan syang kinurot sa tagiliran.

Napaigtad namn sya habang tatawa tawa, may mga bitbit syang paper bags na ang laman ay puro chutchirya at dagdag na pulutan. Napakarami nito, grabe.

I poured my glass little bit of cocktail, hindi parin alintana ang pag nguso ko sa tuwing maaalala ang pag iignorang pinapakita sakin ni Eros. Ang huli naming pag uusap ay noong.....huh? Intrams yon diba? Nakakaiyak.

Napasapo ako sa ulo ko habang pilit na inaalala ang intrams day.

*Flashback

After namin mag celebrate sa room, 5pm na kami nakauwi pero bago yon, dumaan muna kami sa stage para mag thankyou din sa ibang participants pati na rin sa mga teachers and organizers na todo support samin. Inaayos na nila ang stage at nililinis na. Napako naman ang mata ko kay Eros na tumutulong din sa pag lilinis. He was mopping the floor.

Napangiti ako pero napalitan agad iyon ng ngiwi. I was about to call him pero naunahan ako ni Ales. She was smiling widely habang kinakausap ang lalaki. Now my gaze are on him, nakatingin lang sya kay Ales at nakikinig sa sinasabi nito. Nahalata ko na lang bigla sa mga tingin nya ang interes sa sinasabi ng babae.

Umurong ang hakbang ko at umiwas ng tingin. Bigla na lang sumulpot sa harapan ko si Jacob na may hawak hawak na banana milk.

"Binili ko sa korean store sa malapit, gusto mo?" Alok niya. Walang gana ko iyong tinanggap, binigyan nya rin sina Dos.

"Hoy Hakob, bakit ganito naman ang binili mo?" Napasimangot si Rey "Dapat beer na lang" dagdag nya pa, agad naman syang binatukan ni Dos.

Maka hoy hakob naman to, feeling close ah. Eh ngayon lang naman sila nagkita kita at nagkakilala. Minsan talaga gusto ko na lang ipatalsik to si Rey, pero kaibigan ko pa rin sya kahit nakakahiya pinag gagagawa niya.

Tumawa si Ques "Oo nga, samahan mo na rin ng pulutan" gatong nya na sinasang-ayunan ang kahihiyang sinabi ni Rey.

"Hahahahaha, Oo ga. Ngayon na lang tayo ulit nagkita e" sambit ulit ni Tuko kaya nangunot ang noo ko.

Napatahimik sila sa huling linya ni Rey. Ako naman ay nangungunot ang noo silang tinignan. Siniko ni Dos si Rey at napahawak naman sa bibig yung isa. Ano daw? Magkakilala na ba sila dati?

"Ehem" basag ni Jacob sa katahimikan at ngumiti saakin, "Congrats sayo. Masyado mong ginalingan haha" pag-iiba nya ng usapan at ginulo ang buhok ko.

Napanguso namn ako agad dahil ginugulo nya na naman ang buhok ko. Napakahilig nya talaga manggulo ng buhok!

"You did your best" aniya at binigyan ako ng matamis na ngiti, sinuklian ko na lamang din yon ng ngiti.

PASILYO (sunki au)Where stories live. Discover now