Chapter 8 (missed)
Edi wow. Magsama sila ni Ales. Pagbalik ko talaga dyaan, humanda ka Eros. Ewan ko na lang kung may mamiss ka pa.
"Ehem! Excuse meee, am I an air now?"
"Ay sorry, nakita ko kasi tweet ni Eros e" saad ko at kumagat sa burger.
She looked at me, shocked. "Ha? E-Eros? Are you guys talking to each other now?"
I laughed "Oo gaga, dati crush ko lang sya ngayon nakakausap ko na."
"W-What on earth! You have a crush on him? Since when?!" Gulat na tanong niya.
Luh?
"Eh bakit ba gulat na gulat ka ha, crush ko sya noong grade 10 pa kami. Saklap nga e, hanggang eye contact lang kami. Inintay pa atang maging grade 12 bago pa ako kausapin at pansinin" pag kwento ko.
Nabitawan nya ang fries na hawak at buti na lamang ay nahulog iyon sa plato, kundi tutuktukan ko na to. Parang ano oh, gulat na gulat. Ngayon lang ba nya nadiscover na crush ko si Eros? Alam nya naman na kilala ko na si Eros since kinder, sya pa nga nagkwento sakin about kay Eros e noong naaksidente ako at nawalan ng memory.
Nakalimutan ko si Eros noon, pero kinuwento saakin ni Moira. Kinuwento nya ito para daw magbalik ang ala ala ko sa mga bagay bagay, weird nga nya e parang may gusto pa syang sabihin saakin tungkol kay Eros pero di nya masabi. Pinipilit nya akong kausapin ito, pero dahil nakalimot ako noon, ay para akong batang kakasilang lang at mahiyain sa mga tao.
"Hindi ka man lang nya kinakausap? Or pinapansin?!"
"Oo nga! Ulit ulit! Huwag mo na banggitin, nasasaktan ako. Di nya ko pinapansin noon, sayang mga love letters ko" I pouted.
She sighed in dissapointment, at tumingin sya sa malayo na animo'y nag-iisip.
"I thought..." kinalma nya muna ang sarili "You guys are back together"
Ha?
"Anong back together? Mag shota lang ang peg? Di nga ako crinushback e!" .
Tumingin sya sakin ng seryoso "How about now, ano ginagawa nya sayo?"
Lumagok muna ako ng coke bago sya sagutin, "Wala, he's talking to me naa! Nagsimula yon noong valentine's day. Tapos I met Jacob, bagong salta sa school. Interested sya about kay Jacob, kaya humihingi sya saakin ng info about don"
"What?!" sa gulat ko ay nasamid ako.
"A-Ano ba! Nakakagulat ka naman, huwag ka ngang sumigaw. Ang OA mo!"
"Jacob? You mean Treveour?!!"
"Oo"
"Oh my gosh, this is insane" bulong niya at napahawak sa bridge ng kanyang ilong at pumikit.
Tiningnan ko sya ng masama dahil wala akong nagets sa inaasta niya "Ikaw ang insane! Ano bang nangyayari sayo? Kilala mo ba si Jacob? Bakit alam mo ang surname nya?"
She looked at me directly to my eyes "It's been 2 years, how can you don't know anything yet? Wala ka na bang natatandaan?"
"Saan?"
"Uhh! Nothing. Forget about this our conversation. Eat na, aalis na tayo maya maya" aniya at kumain.
Minsan napaka wierd netong pinsan ko, natatakot na ako sa kanya. Baka mamaya biglang pukpukin ako ng french fries dahil hindi ko magets ang sinasabi niya. Nakakatakot.
Pagkatapos namin kumain ay malalim pa rin ang iniisip nya. Minsan tumitingin sya sakin, pero hindi ko na iyon pinansin.
"Bumili ka ba ng yelo, gusto ko mag buko juice ngayon. Gagawa ako." Masaya kong sambit, nakasakay na kami ngayon sa tricycle.
YOU ARE READING
PASILYO (sunki au)
FanfikceA filo sunki au wherein Seven (ksn) has a long time happy crush named Eros (nrk). When the valentine's event happened, he wore color pink shirt symbolized as "have a feelings on someone", but the world stopped when he saw his crush wearing red shirt...