Chapter 22

141 0 0
                                    

Chapter 22 (Fault?)

He's my boyfriend, gotta problem with that?

He's my boyfriend, gotta problem with that?

He's my boyfriend, gotta problem with that?

///><///

^_^

Pabalik balik yan sa isip ko, parang sirang plaka. Sigurado akong pulang pula ng mukha ko habang hila hila ako ni Eros palabas ng ferris wheel. Nabadtrip yata sya kaya mainit ang timpla ngayon. Umalis sya saglit para bumili ng ice cream para saaming dalawa. I sat on the bench while slurping the fresh air. Sobrang nakakagaan sa pakiramdam kapag ganito ang surroundings.

I grabbed my phone sa bag ko, started taking pics randomly. Hanggang sa mahagip ng camera ko ang naglalakad na crush ko habang hawak hawak ang dalawang ice cream tig-isa nyang kamay. Agad kong clinick ang camera, at kitang kita sa picture kung paano sumabay ang malambot nyang buhok sa hangin.

I smiled widely nang hagip sa pic ang pagtingin nya sakin. Nakabusangot naman syang lumapit.

"You're taking pictures?" Tanong niya pagkalapit at ini-abot sakin ang isang ice cream.

"Oo, ang peaceful lang kasi" I licked the top of the ice cream.

"Is this peaceful to you? Ang ingay" he mumbled, napatawa naman ako.

Isesend ko to kay mama, update na rin. Nag-aalala pa yun sakin kesa sa kalagayan nya kaya papanatilihin ko talagang ayos lang ako dito. Para di na nya ako sermunan.

"Bakit ba parang badtrip kana?"

"Nothing, I just got... uh please don't talk to someone that you don't know." He shrugged.

Bigla na namang nagwala ang dibdib ko nang kinuha nya ang panyo nya sa bulsa, tinupi nya yon at dahan dahan iyong nilagay sa apa ng ice cream ko. Para akong naestatwa, hindi makagalaw.

"Tumutulo yung ice cream" he said, explaining a little.

Umiwas ako ng tingin "S-Sige, salamat"

Silence embraced us kaya umubo ako ng bahagya at nag salita "Ah, ano sinagot mo don sa babae kanina?"

He looked at me "I said No, simple as that"

"Eh bakit parang gulat na gulat sya? Kita ko e, nabigla yata" saad ko dahil parang nabigla nga si ate girl.

He now chuckled "I said, I want to spend my day with my pochi."

Uminit na naman ang pisngi ko, hinuhuli nya naman ang tingin ko pero pilit ko iyong iniiwas.

"Nakakainis ka"

Lalo pa syang napatawa "Why?"

"Wala, dyan kana nga!" I said, walking out. Parang kamatis na talaga ang mukha ko, nakakahiya.

Hawak hawak ko ang ice cream habang dirediretso ang lakad. May nabubunggo naman akong mga tao, pero hindi ko sila pinapansin. I even heard Eros, calling my name. Hanggang sa may nakita akong bilihan ng cotton candy, tumakbo ako paparon.

"Ate, pabili po dalawang cotton candy" sambit ko kay ateng tindera.

"Sige"

I looked around at nakitang kunot noong lumalapit ang crush ko sakin. Tumingin na lang ako kay ateng tindera dahil hindi ko sya matingnan sa mata, nakakahiya pa rin!

"The hell, what's happening to you" hinihingal niyang saad.

"Ate akina na, dali!" Mabilis kong sabi kay ate at binayaran ng maayos yung binili ko, sabay kuha at takbo.

PASILYO (sunki au)Where stories live. Discover now