Chapter 9 (Ignored)
Feel ko talagang manampal today. Tapos Rey ang pangalan nya. Nararamdaman nyo rin ba? Grabe ang galit ko. Umuusok pa yata ang ilong ko sa inis nang makapasok sa room. Halos pang gigilan ko na ang wet wipes na ibinili saakin ni Ques bago kami pumasok sa gate ng school.
Eh pano, sinalubong ako sa may kanto. Halos mawalan na ko ng hininga sa tindi ng yakap ni tuko, malapit pa naman kami sa kanal. Ayun, na out of balance. Parehas kaming nahulog sa kanal.
Shunga
"What happened?" Bungad ng kakadating na Jacob.
"Nahulog sa kanal" tipid na sambit ko, mahina syang napatawa.
"Welcome back guys! Namiss ko kayo!" Sigaw ni Yvon na kakapasok lang ng room.
Nakipag beso sya saamin at masayang naupo sa upuan niya. Nilingon ko rin ang iba kong kaklase, napaka energetic nila. Sana all.
Ako? Eto, tulala lang.
Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Dos kahapon. Wala man lang akong natatandaan na ganon na kami katagal magkakilala at magkakaibigan.
Napahawak ako sa ulo ko at ginulo ang buhok.
Ganoon ba kalala ang aksidente na yun? Halos hanggang ngayon, wala pa rin akong maalala. Ayoko na. Pati ang insidenteng iyon, hindi ko pa rin naaalala.
"May problema ba?" Napalingon ako sa katabi ko nang magtanong sya.
He looked at me with worried look "Kanina ka pa tulala dyan."
"Ah, wala naman. Nagugutom lang ako" sambit ko at ngumiwi.
Napakamot naman sya sa ulo nya bago tumayo sa kinauupuan "Tara, cafeteria tayo"
Huminga muna ako ng malalim bago sumunod sa kanya. Habang nag lalakad kami ay para akong nalulutang. Madaming mga tanong sa isip ko na hindi ko rin masagot sagot. Sarili kong buhay hindi ko alam. Paano kapag may magagandang memories pala dati pero hindi ko na sya naaalala ngayon.
Siguro nga.
Siguro nga kailangan ko na lang tanggapin ang sitwasyon ko, aalalahanin ko na lang ang bawat sandali ngayon. At mag fofocus sa hinaharap.
Shish ang drama
"Ano gusto mo?" Tanong ni Jacob. Late ko na nalaman na nasa cafeteria na pala kami at nakapila na para umorder ng kakainin.
"Gusto ko ng sundae"
Bumusangot sya "Aga aga ice cream ah"
I chuckled nang bumili nga sya ng sundae, tig-isa kami. Libre nya ulit, at natuwa naman ako ng sobra. Yes, kaya na ng ice cream icomfort ako today.
"Anong ginawa mo sa loob ng 3 days vacation natin after intrams? I didn't saw you, pati noong nakasalubong ko sina Dos papuntang mall. Nagtaka pa ko kung bakit di mo sila kasama" Aniya at pinagbuksan ako ng pintuan ng cafeteria.
Lumabas na kami ron at naglakad na pabalik sa room, madami pa ring mga estudyante ang nagkalat sa labas.
Sumandok muna ako mula sa kutsarita ng ice cream at sinubo iyon.
"Nasa probinsya ako, inalagaan ko si mama." Sagot ko, gulat nya akong nilingon.
"M-May sakit si tita?"
Nangunot naman agad ang noo ko, grabe maka tita to, feeling close yarn?
"Oo, lagnat lang trangkaso. Masyadong nagpapagod"
Tumango naman sya at bumuntong hininga. Hindi ko naman maiwasang magtaka sa kanya, at sa reaksyon na iginawad nya. Kilala nya ba si mama? At bakit nagulat sya nang imention ko si mama? Tama ba ang narinig ko at nakita ko? O sadyang nalulutang lang ako at binibigyan ko ng meaning ang aksyon nya?

YOU ARE READING
PASILYO (sunki au)
Fiksi PenggemarA filo sunki au wherein Seven (ksn) has a long time happy crush named Eros (nrk). When the valentine's event happened, he wore color pink shirt symbolized as "have a feelings on someone", but the world stopped when he saw his crush wearing red shirt...