Chapter 7

177 1 0
                                    

Chapter 7 (Province)

Dalawang araw na ang nakalipas, sunod sunod pa rin ang buntong hininga ko. Paano ba naman kasi, medyo di kami okay ni Eros noong intrams. At hindi na rin ako nakakatanggap ng messages sa kanya, ay! Ako nga pala ang nag fifirst move.

: (

Hindi naman sya mag chachat sakin kung hindi ko pangungunahan e. Sakit.

Bago ako umalis ng condo, I scrolled down sa feed ng twitter ko. I saw notification na nagpakunot ng noo ko.

@ales started following you.

I tapped her account at totoo nga, Ales followed me. Nandoon ang real name nya at mga tweets, nag scroll pa ako sa mga posts nya na dapat hindi ko na lang ginawa.

Alesandra Kaye Yamara
@ales

Our intrams gaves so much memories, love you guys. Thank you sa support! Mamimiss ko to <3

@iamluan

Sus intrams ba ang mamimiss? Or yung kapartner? Wahahaha! Bagay kayo so much. Team #Alros!

Replied to @iamluan

@Ales

Thank you Luan! Team #Alros forever!

Naknampucha ?!(!*@(!(! *÷&#÷*¥#€÷^#€÷€????????

Ano to Ales? Bakit nag reply sya ng ganoon?

Huminga ako ng malalim, biglang nag pop up sa notif ko ang chat ni Dos kaya inopen ko iyon.

From Dos:

Pusang gala Seben! Agang aga sa feed ko ang reply ni Ales kay Luan! Nakita mo ba???? Trending na sya. Akala ng campus, nag dadate sila ni Eros.

Binack ko ang conversation namin ni Dos, at bumalik ulit sa twitter.

@gill_ian

Akala ko ba si Seven ang bida here, bakit may kumontra bida ? Girl @Gia, may bago kang susugudin wahahaha

@Gia

The hell?! Omgosh Ales, I didn't know that you're so delulu. Do you think Eros liked you too? No way.

@eu_na

Excuse me, what is happening? I thought si Seven ang rumored na dinadate ni Eros? Who the hell is Ales? Omg, pahingeng tea.

@Gabrielleeee

Eww, naging partner lang sa intrams kinareer na. Parehas kayo ni Seven, parehas assuming.

@Rey_Ven

Huwag nyo ngang dinadamay si Seven dito, sampalin ko kayo isa isa e.

@ques_tion

Kung gusto nyo ng 1v1, huwag kayo mahiya. Ano ano ano, sumbian na oh. Dadamay nyo pa si Seven.

@dos_eee

Mga walang magawa sa buhay. Madapa sana kayong lahat, sana hindi masarap ulam nyo, at sana hindi kayo icrushback ng crush nyo. Daming dama lagi, hindi ba kayo mabubuhay nang hindi pinag chichismisan buhay ng iba. Mandadamay pa kayo ng inosente, bwiset.

Napailing na lamang ako habang nagbabasa ng sunod sunod na tweets. Mabigat pa rin sa pakiramdam. Lalo na't nakita ko si Eros nung isang araw, parehas kami ng pinasukan na convinience store. Nagtama ang paningin namin pero nasaktan ako nang hindi nya ako pinansin. Nilagpasan nya lamang ako na parang hangin.

Hindi ko alam ang dahilan. Pero ngayon, kailangan ko muna umalis at magliwaliw. Para naman mabawasan ang iniisip ko, at makaiwas muna sa mundo.

"Hello Ma? Andito na po ako sa terminal, sino po ba susundo sakin?" Sambit ko sa phone.

PASILYO (sunki au)Where stories live. Discover now