Chapter 36

154 3 2
                                    

Chapter 36 (Truth)

TW: mention of suicide.

Every moment captured memories.

Ilang araw na ang nakalipas, and today is November 1. So many ganap ngayong araw na to. Kaya pinili kong gumising ng maaga to prepare food para kay mama. Yes, bibisitahin ko sya ngayon at di ako papayag nang wala akong dala dala. I cooked pansit, her favorite. Nag bake na rin ako ng cookies at cupcakes. Nilagay ko ang mga niluto sa paper bag. Nagdala na rin ako ng backpack at ang laman lang non ay cellphone, wallet, at damit.

Damit para sa halloween party kineme ng mga kaibigan ko! Nagpaalam muna ako sa kanilang lahat na dadalaw ako kay mama, sa probinsya pa kasi yun kaya di muna ako sasama sa kanila na mag prepare para sa party. Gabi pa naman yun kaya, keribels ko pa pumunta ng probinsya.

Yun nga lang, may isang sobrang kulit at gustong sumama.

"Seven?" He called mula sa labas ng bahay.

There he is.

Sino pa nga ba? Edi si Eros.

Napabuntong hininga na lang ako sa lakas ng trip ng lalaking to ngayon.

Pagkabukas ko ng pinto, bumungad ang amoy ng pabango nya. Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. Naka baggy pants sya at white shirt, nakasuot ng shades, at kagaya ng lagi nyang ginagawa, may dala na naman syang bouquet of flowers.

"Good morning" he smiled sweetly.

Iniwas ko ang mukha ko nang maramdamang umiinit ito.

Iniabot nya sakin ang bouquet, at ngingiti na sana ako nang makitang ang hawak kong bulaklak ay---

"Siraulo, bulaklak to para sa patay e!" Gulat kong sambit.

He looked at me innocently "Yeah, why?"

Napahinga ako ng malalim "Ano ba Eros, mukha ba kong patay na?"

Tumitig muna sya sakin at nang marealize ay halos humalakhak na sya ng tawa. Nabadtrip na ko kaya iniwan ko sya doon. Padabog akong pumunta sa dining area para kuhanin ang bag ko na nakapatong sa lamesa. Inilapag ko muna ang bouquet doon habang sinasakbit ang bag.

Lumapit sya sakin nangingiti "I will carry your bags"

"Wag na! Kainis ka" singhal ko sa kanya.

Lalo lang syang tumawa, pagkatapos ko isakbit ang bag ay tsaka ko kinuha ang bouquet. Sya naman ay kinuha ang paper bag na may lamang pagkain. Habang palabas kami ng bahay, naririnig ko pa rin ang bungisngis nya. Hinawakan nya ang backpack ko sa likod at iniangat iyon para di ako mabigatan.

Tsk, di nya ko makukuha sa mga ganyan nya.

Pagkadating namin sa kotse, nilagay ko ang mga gamit sa backseat at doon na rin ako naupo. Ayaw ko syang katabi, manigas sya!

"Hey, bakit nandyan ka?" Nagtataka nyang tanong nang maupo sya sa driver seat. Tiningnan nya ko sa salamin sa taas, at nung di ako sumagot ay talaga nilingon na nya ako.

"Come here" he gestured me to sit beside him.

Umiling lang ako at tumingin sa bintana.

"Hey, sit beside me." Aniya pa nya at kinukulbit na ko.

Sinamaan ko sya ng tingin "Ayaw ko, bakit ba?"

"You're my passenger princess, seat here."

I avoided his gaze at nag act na parang wala akong naririnig. Tumingin ulit ako sa bintana.

"Tsk, seat here, or else I will make you sit on my lap?" Saad nya kaya padabog na akong umupo sa passenger seat.

"Kainis" singhal ko.

PASILYO (sunki au)Where stories live. Discover now