W/N: Hellooo! Eto na po ang hinaharap. Hahaha wala na po tayo sa past ni Seven. Enjoy reading!!
Chapter 30 (Back to Present)
Present 2023
Ayoko nang imulat ang mata ko. Ano mang oras ay tutulo na naman ang mga luha ko.
Naaalala ko na... naaalala ko na lahat.
Parang tinutusok ng mga karayom ang puso ko sa tuwing maaalala ang pangyayaring yon. It's a trauma for me. Ayoko nang maalala pa. Mas gugustuhin ko na lang magka amnesia habang buhay para hindi ko na maalala yon. Ngayong naaalala ko na lahat, parang ang hirap hirap tanggapin.
Kasi hanggang ngayon.... nandito pa rin yung sakit.
Bumangon ako sa kama at napabuntong hininga. Kakagising ko lang at parang isang bangungot yon. Dahil pagkagising ko, bumalik na ang ala-ala ko. I looked at the couch nang makita si Ques at Rey nakaupo don, natutulog. Biglang may lumabas ng cr kaya napalingon ako doon, si Dos.
Ngumiti sya "Gising kana pala, nagugutom ka? May pagkain dito, dala ni Jacob--"
Agad ko syang pinutol "Nasaan si Jacob????" Tanong ko.
Ngayon ko lang yan natanong. Nakakatawa diba? Kasi nang magising ako matapos ang aksidente ay hindi ko sya naaalala non. Kaya hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Sa halip na tanungin ko kung okay lang ba sya, naging makasarili ako non at mas inalala ang kondisyon ko kasi wala akong alam....
"Bumibili ng lunch natin" he smiled a little.
Napahinga naman ako ng maluwag don at umayos ng upo sa kama. Hindi pa rin mag proseso sa utak ko ang mga nangyayari. Parang hindi ko kayang mag stay dito at umupo lang nang kampante.
I looked at the wall clock, 1pm na pala. Pagod na pagod siguro sila sa pagbabantay sakin kaya nakatulog na ang dalawa.
"Kailan ako makakalabas?" Tanong ko kay Dos na kumukuha ng ubas sa fruit basket, nilagay nya iyon sa mangkok at binigay sakin.
Pagkaabot ko ay sumagot sya "Pwede na raw mamayang hapon"
Tumango na lang ako at inilapag ang mangkok sa side table, agad naman syang nagtaka.
"Hindi ka kakain?"
"Wala akong gana" I mumbled.
Napabuntong hininga sya "Kanin at ulam, gusto mo?"
"Ayoko Dos, okay lang ako. Gusto ko nang umuwi"
Naupo sya sa kama at hinawakan ang kamay ko "Seven... tell me, everything"
Agad namuo ang luha sa mata ko. I held his hand too at napayuko.
Sinabi ko sa kanya na all this time, naiintindihan ko na ang lahat. Alam ko na ang lahat. Naaalala ko na ang lahat. Alam ko na kung bakit sinabi ni Dos sakin dati na bago mangyari ang aksidente ay broken hearted ako. Kilala ko na kung sino ang unang minahal ko. Kilala ko na kung sino ang nagpasaya sakin. Naaalala ko na kung sino ang sumira ng buhay ko. At higit sa lahat, naaalala ko na kung sino sino ang nandyan para protektahan ako at iligtas ako.
Si Dos, Ques, Rey, Austin, Jacob, Eros, Moira, Tita Ninang, at si M-Mama....
Sila ang bumuo ng nakaraan ko.
At masasabi ko ngayon na, finally... alam ko na rin ang nakaraan kong hindi ako pinatahimik. Pero, dahil din sa nakaraan na yon. Sobra akong nasaktan. Ngayong naaalala ko na, masasabi kong nandito pa rin pala ang sakit.
"Masaya akong naging matatag ka Seven" nakangiting sabi ni Dos, I hugged him.
"Oy oy oy, ano yan. Bakit di kami kasali sa yakapan na yan" pupungas pungas na saad ni Ques at inaantok pang lumakad papalapit samin at sumali sa yakap. Ganun din si Rey na pinapanood pala kami kanina pa.

YOU ARE READING
PASILYO (sunki au)
FanfictionA filo sunki au wherein Seven (ksn) has a long time happy crush named Eros (nrk). When the valentine's event happened, he wore color pink shirt symbolized as "have a feelings on someone", but the world stopped when he saw his crush wearing red shirt...