Chapter 34 (The girl, who ruined us)
"Kainis!"
Bumangon ako at umupo sa kama, nilingon ko rin ang salamin na nasa tabi lang. Bumungad sakin ang buhok kong gulo gulo. Napasabunot ulit ako sa buhok at nagpagulong gulong ulit sa kama na isang oras ko na ginagawa.
Pinulot ko ang phone ko na nabitawan ko bigla dahil sa isang text message ng ewan.
From Eros:
Can I talk to you tomorrow? Meet me in Brown Cafè 5pm please.
Napairap ako, at nakailang subok ng irereply sa kanya. Bura ako ng bura sa mga sinasabi ko. Kaya hinayaan ko na lang, bahala sya. Hindi ko na lang sya rereplyan! Ano akala nya? Okay na kami? Aba'y hindi!
"May pa Love pa sya kanina. Kayamot ha!" bulong ko sa sarili at tumitig na lang sa kisame.
Speaking of kanina, bwisit! Kakabalik ko pa lang dito sa Manila jusko.
Writer, bakit naman nagpakita na agad sya kung kailan first day ko pa lang? Wala bang one week passed muna? Like pakipot ganon! Grabe ha, nakakatakot na tuloy lumabas ng bahay ngayon kasi feel ko nasa tabi tabi lang sya at palagi kong makakasalubong.
Alam ko naman kasing magkikita't magkikita kami. Hindi naman maiiwasan yan eh. Lalo na't nasa Manila kami pareho. Pero sana man lang ay may palugit na ilang araw bago kami ulit magtagpo ng landas.
"Si writer kasi eh!" Mangiyak ngiyak kong bulong ulit at nagpagulong gulong muli sa kama.
Eros Danielle. Alam mo bang nakakainis ka ha? Nakalimutan na kita e! Bakit nagpapaalala ka na naman?
"May pa yeah I'm really crazy, and I might be always crazy because I saw you again my love ka pa! Akala mo nakakakilig? Hindi! Nakakainis."
Napalingon ako sa phone ko ulit nang mag vibrate iyon.
From Eros:
I know you're mad, talk to me please.
"Mama mo talk to me!" Sigaw ko sa phone kahit na alam ko namang di nya yon maririnig.
Hirap kasi makipag usap sa chat e, hindi ko tuloy matarayan!
Hindi ko ulit sya nireplyan, isang message nya pa tamo, block to sakin.
Pero ilang minuto na ang nakalipas ay hindi na ulit nag text ang mokong. Bakit di na sya nag text? Baduy nya talaga kahit kailan. Edi wag, di sana masarap ulam nya araw araw at sana madapa sya every morning.
Kinabukasan bangag akong pumasok sa Green Table. Ngayon ang first day ko sa trabaho. Pero lumilipad ang utak ko sa walang katuturang bagay. Although, maaga naman akong pumasok pero ang mga sinasabi ng mga nasa paligid ko pasok sa tainga, labas sa kabilang tainga.
"Seven? Nakikinig ka ba?"
Natauhan ako bigla at marahang kinurot ang sarili. Focus Seven! Focus!
"Ano ulit yon?" Nahihiya kong tanong sa katrabaho kong si Leila.
Sya ang partner ko sa pagluluto, asisstant kumbaga. Kaso lang daldal sya ng daldal ay hindi naman nakikinig ang nasa harapan nya. Which is, ako.
"Anteh, san na ba napadpad isip mo?" Natatawang biro nya.
Napabuntong hininga na lang ako at nag-gayat ng carrots "Bangag ako ngayon, pasensya na"
"Uminom ka kagabi?" She asked.
"Konti pero di naman nalasing, late lang talaga akong natulog at maraming bumabagabag sa isip ko" I answered.
"Ay taray, baka hindi ka makapag luto ng maayos? Marami tayo costumer today"
YOU ARE READING
PASILYO (sunki au)
FanfictionA filo sunki au wherein Seven (ksn) has a long time happy crush named Eros (nrk). When the valentine's event happened, he wore color pink shirt symbolized as "have a feelings on someone", but the world stopped when he saw his crush wearing red shirt...