Chapter 31 (Pain)
Walang gana kong inilagay ang mga damit sa maleta. Nandito rin si Dos, Rey, at Austin para tulungan ako. Tinulungan din nila akong maglinis nitong bahay. Oo, bahay namin to ni mama. Dito ako lumaki, pero noong bumalik sya sa hometown nya which is sa probinsya, naiwan ako dito sa Manila para mag-aral. Ako na ang nangalaga nitong condo, pero ngayon... kailangan ko na syang lisanin.
Saksi ang bahay na to kung paano ako nasaktan, sumaya, lumungkot, at sumama ang loob sa mga bagay bagay sa buhay ko. Saksi rin sya sa masayang pagsasama namin ni mama at papa.
"Nakakalungkot naman to, pwede bang wag ka nalang umalis?" nagmamakaawang ani ni Rey.
I looked at him "Kukumustahin ko naman kayo, sa phone."
"Kahit na!" Parang batang sambit nya.
Sumingit si Dos sa usapan "Sigurado ka bang hindi ka na makikiusap na makagraduate ka?"
Tumango ako "Oo, para saan pa kung tinanggal nila ako sa list nang mga gagraduate dahil hindi lang nakapag present."
Oo, hindi nga ako makakagraduate. Tinanggal ako ng school sa list, bukod sa hindi naman ako ganon katalino kaya di mahihila non ang grades ko, ay hindi ko na rin kayang mag present nang ganito ang kalagayan ko.
Napagpasyahan ko nang umuwi sa probinsya. At hindi ko na alam kung babalik pa ko rito, dahil wala na namang dahilan pa bukod sa mga kaibigan ko.
Pagkalabas ko kahapon sa hospital ay dito ko na ipinagpatuloy ang iyak ko. Medyo hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip kay mama, dahil gustong gusto ko na umuwi ng probinsya.
"Sayang naman yun.." bulong nya pa
Tinapik ko ang likuran nya at nag pilit ng ngiti "Ayos lang Dos, hindi ko rin naman kayang mag present e"
"Sigurado ka na ba? Si Eros, mag pepresent daw e" napatigil ako sa paglalagay ng damit sa maleta nang may binanggit syang pangalan.
Naalala ko tuloy ang naging usapan namin kahapon sa hospital. Iniwan ko sya ron, at pagbalik ko ay wala na sya pero iniwan nya ang dala nyang prutas at bulaklak. Nilingon ko ang bulaklak na nasa dining table. Oo, dinala ko parin ang bulaklak. Dahil hindi ko kayang iwan yon doon.
Napansin siguro nila ang pananahimik ko kaya nagsalita si Austin "Okay ba kayo?"
I shook my head "Binitawan ko na sya"
Napabuga silang tatlo nang hangin.
"Bakit hindi mo pakinggan ang paliwanag nya? Ayusin nyo ang hindi pagkakaintindihan, Seven." Si Dos.
Pinagpatuloy ko na ang pag tutupi ng damit "Wala nang dapat ayusin pa. Tsaka para saan pa ang paliwanag? Di ko rin naman na sya mahal"
Suminghap sya "Ano?! Ganoon na lang yun? Tatapusin mo na lang basta ang pinagsamahan nyo?"
"Seven, please kausapin mo na sya." Ani Rey.
Bumuntong hininga ako "Hindi ba't ayaw nyong maging kami? Galit kayo sa kanya diba? Bakit ngayon, pinagtutulakan nyo na sya sakin?"
"Dahil, naniniwala kaming hindi magagawa ni Eros yun" Dos answered.
Agree naman sa kanya si Austin. Ganon din si Rey. Tinapos ko na ang pagtutupi at tumayo na.
"Alam ko, pero nakita sya ng dalawang mata ko." I dismissed.
Ilang minuto lang akong nag-ayos ng sarili at nagbihis na. Masakit man pero, kailangan kong umalis. Paglabas ko ng bahay ay nandoon na silang lima, nag hihintay sakin. I locked the doors, even the gate. Huling tingin ko sa bahay, bago umalis. Mamimiss ko to, nang sobra. When I looked back to my friends, isa isa silang napaiwas ng tingin sakin.
YOU ARE READING
PASILYO (sunki au)
FanfictionA filo sunki au wherein Seven (ksn) has a long time happy crush named Eros (nrk). When the valentine's event happened, he wore color pink shirt symbolized as "have a feelings on someone", but the world stopped when he saw his crush wearing red shirt...