Chapter 21

141 3 0
                                    

Chapter 21 (First Date)

"Hi Sir, Good Morning. Where are we going today? Should I bring some towel,  water, or some extra shirt?" Tanong ko habang papasok sa kotse nya, nakaupo na sya doon sa driver seat.

"Looks like I'm going to play basketball" saad nya at nag suot ng seatbelt.

Hehe, natutuwa ako dahil feel na feel ko ang first date namin ni Eros today. Kahit na hindi naman sya sumang-ayon kung date ba namin to o ano, basta isa akong maid nya ngayon na kasama nya mamasyal o gumala ngayong araw. Meaning, babantayan ko sya ngayon. Hehehe ganito pala feeling maging isang katulong. Feel ko nagbabantay ako ng 18 years old na may sasakyan, milyonaryo na sa ganitong edad, at may bahay at lupa.

Keri nyo yon?

Hays, napakaswerte talaga nitong si Eros. Kaya nyang bilhin kung ano man ang gusto nya. Iba talaga nagagawa nang mapera, hindi sya mahihirapan sa kahit ano mang expences sa buhay nya.

At bilang isang yaya nya today, ay mali! Yaya/Nililigawan nya. Yown! Hehehehe.

Babantayan ko sya, aalagaan, kung madapa man ay lilinisan, papakainin, papainumin, susuklayan, kung kinakailangan ihehele na rin! Charot!

Nagsimula na syang mag drive kaya magaan ang buntong hiningang pinakawalan ko habang nakatingin sa bintana ng kotse. Tama Seven, hindi dapat kinukulong ang sarili sa lungkot. Good vibes lang talaga tayo lagi, at think positive always. Masaya ako na, nagiging okay na ako ngayon.

Bahala na yang nakaraan nakaraan na yan! Basta, mag fofocus ako kung ano man ako ngayon.

"Hehehe"

Natutuwa talaga ako, kasi kasama ko si crush mamasyal. Linggo pa naman ngayon, sinuggest ko na punta muna kami simbahan bago gumala. Lumipas ang ilang minuto at nakapunta na agad kami. I put my hands down on holy water at nag sign of the cross. Napangiti naman ako nang ganon din ang ginawa niya. Tahimik kaming pumasok sa simbahan at naupo sa dulong bahagi sa may kaliwa.

"Eros, sumisimba ka ba?" I asked him, wala pa naman si Father kaya pwede pa akong makipag-usap.

He nodded his head before smiling, pero ang ngiti nya malungkot "Yes ngayon at tsaka dati, he always make sure na araw araw kaming sisimba."

Ohhh, sino naman kaya yung He? Baka daddy nya?

Umayos na ako nang upo nang mag sisimula na mag misa si Father. Natuwa naman ako kasi mukhang sanay na sanay si Eros sa simbahan, at minsan ay nahuhili ko pa syang sumasabay sa mga kanta. Dagdag points to sakin, hehehe church boy naman pala.

The mass ended properly, nag sign of the cross ulit ako at nag thank you kay Lord bago kami lumabas ng simbahan. Lulukso lukso akong sumabay sa paglalakad nya hanggang sa makapunta kami sa parking ng sasakyan nya.

"Sir, saan naman po tayo pupunta ngayon?" I smiled sweetly.

Tumawa naman sya sa paraan ng pagsasalita ko, dinaig ko pa kasi ang isang secretary na nagaasikaso sa boss nya "Stop with that maid talks, talk to me normally"

"Ehhh, ako nga ang yaya mo! Gumalang ka naman sakin" biro ko, muli syang tumawa.

"Okay yaya, you're the one to choose. San mo gusto pumunta?"

I clapped, may isang lugar talaga akong gustong gustong puntahan. Kaso hindi ko naman mapuntahan at wala akong pera, hehehe pagkakataon ko na.

"SA AMUSEMENT PARK!"

"Okay then" he smiled.

Yeheyy! It's time to heal my inner child. Isang beses lang ako nakapunta sa amusement park, siguro matagal na rin, kasama ko sina Dos non may pera pa rin ako nong time na yon ngayon wala na laman wallet ko nakakaiyak.

PASILYO (sunki au)Where stories live. Discover now