You can play Pasilyo by Sunkissed Lola
while reading this chapter :)Chapter 40 (Pasilyo)
As I stared myself on the mirror, I can see the nervousness behind my smile. Ilang beses akong ngumiti, pero halatang peke naman ito. I frowned at ilang beses na nag dabog sa hangin dahil hindi ko magawang ngumiti! What happened to me? Kahapon pa to! Kahapon pa ko nininerbyos.
"Seven, wag ka malikot hilong hilo na ko sayo. Mamaya itong blush on, kakapalan ko sa pisngi mo, tamo." Pagbabanta ni Dos na kanina pa nakangiwi at pinapanood ako.
Napa upo ulit tuloy ako sa upuan, at humarap muli sa salamin na nasa harapan ko. Dahan dahan nyang inayos ang kilay ko at nag lagay ng light make up. When I saw myself again, the light make up suits me so well.
"Hoy normal lang kabahan kapag ikakasal na." Sabi ni Dos at nilagyan ako ng kaunting foundation.
Lalo akong kinakabahan "Bakit sobra sobra naman tong kaba ko? Parang di na normal e."
Iimik na sana si Dos nang biglang kumalabog ang pinto nitong dressing room, dahil biglang pumasok si Austin. May dala syang isang malaking pouch, yakap yakap nya ito sa bisig nya at tumili pa nang makita ako.
"OMYGOSH Seven! Ang gwapo mo! Ang ganda mo! Ang gorgeous mo! Ang pretty, beautiful, handsome, unique, fabulous, powerful---"
"Tahimik! Kailangan ko ng kapayapaan at baka sumala ang pag lalagay ko ng make up dito, e kasalanan mo pa." Banta sa kanya ni Dos.
Ngumuso naman si Austin kaya napahalakhak ako ng tawa "Kahit kailan talaga napaka OA! Ano ba yang malaking pouch na dala dala mo?"
Austin smiled playfully at ipinatong ang malaking pouch sa lamesa sa harap ko, napanganga pa ko ng kaunti dahil malaki nga ito! Grabe, jumbo ba ang size ng pouch na to? Tindi sa laki ha!
Mas lalo pang lumaki ang nganga ko nang buksan nya ang pouch. A tons of perfume! Oo! Sa laki ng pouch, puro iba't-ibang perfume ang laman. May iba't-ibang flavor pa, at kulay! Hindi lang yon ha, mukhang mamahalin din at branded ang mga ito.
"Pili ka ng gusto mong perfume! Kailangan mabango ka sa kasal mo teh, I didn't like your perfume e, super manly ng dating ng amoy. So, I decided to brought all of my sweet perfume, so you can try it! Bagay to sayo, promise. Now, choose naaaa." Tuwang tuwang ani ni Austin.
Napakurap na lang ako ng ilang beses bago mamili ng perfume. Binasa ko pa ang mga flavor nito. Victoria Secret caught my attention. It's their limited edition of perfume! Grabe si Austin, mahal to ah? I spray it on my wrist tsaka inamoy. It smelled really good. So, yun na lang ang pinili ko.
After nila akong ayusan, dumiretso na kami sa van ni Ques. Pinapaypayan pa ako ni Dos habang papasok sa sasakyan, habang si Austin naman pinapayungan ako. Pagkapasok ko, nandoon si Ques sa driver seat na gwapong gwapo sa suit nya. Ganoon din si Rey na nasa likod ni Ques, he smiled at me when he saw me.
Napaigtad pa ko ng kaunti nang mapansin si Gia na nasa passenger seat, katabi ni Ques. She gave me a small smile when our eyes met, sinuklian ko naman agad ang ngiti nya.
"You look good today huh, this is my first time I saw you looking like that." Gia said.
"Love.." saway ni Ques sa kanya.
Gia pouted "What? I'm not insulting him! I said he looked good today."
"Thank you maldita. Sabi ko sayo e, bagay ka maging maid of honor ko." Biro ko sa kanya, tiningnan nya naman ako ng masama.
Yeah, Gia is my maid of honor while Ques is Eros bestman. Naka white simple gown ngayon si Gia na nagpa stand out talaga sa ganda nya.
"What did you call me? Maldita? Gosh! Ikakasal ka na nga't lahat, inaaway mo parin ako." Reklamo ni Gia sakin.

YOU ARE READING
PASILYO (sunki au)
Hayran KurguA filo sunki au wherein Seven (ksn) has a long time happy crush named Eros (nrk). When the valentine's event happened, he wore color pink shirt symbolized as "have a feelings on someone", but the world stopped when he saw his crush wearing red shirt...