Chapter 35

126 1 0
                                    

Chapter 35 (Spark)

Nawala bigla ang katapangan ko kanina. Ngayon, hindi ko na alam ang ibubuka ng bibig ko. Nagtatama ang paningin namin, tas sabay mag iiwasan. Para lang kaming shunga dito.

Nakakailang, sigurado akong narinig nya ang huling usapan namin ni Mira. Teka ano bang sinabi ko doon?

"I don't know what to say" pambabasag nya sa katahimikan.

Nandito kami ngayon sa Brown Cafè, dito nya ko dinala matapos hilahin paalis ng restaurant. Kaloka! Yung trabaho ko jusko. First day na first day ko pa lang. Di na nga nakapag serve, napa chismis pa kay Mira na nauwi sa sagutan at takasan. Hindi ko magawang magpaalam dito kay Eros, dahil ano pa nga bang ipag papaalam ko eh tapos na ang trabaho ko, 5pm na. Sa totoo lang, wala naman akong balak na makipagkita sa kanya e.

Buti di ko suot uniform ko noong pumalit ako doon sa waiter namin. Kundi, naku, nakauniform siguro ako ng pang chef ngayon.

Hayy, naiistress ako sa mga nangyayari.

"Akala ko ba ay dito tayo magkikita? Bakit nasa restaurant kana?" Malumanay kong tanong habang nakayuko.

Naramdaman ko naman ang pag galaw nya sa kape na inorder nya for us, dahan dahan nyang itinulak ang isang kape saakin, signaling me to drink it. Hindi ako tumunghay, dahil sigurado akong namumula ang mukha ko sa hiya.

Sana lang ay hindi nya narinig ang sinabi ko. Mataas pa rin ang pride ko no! Galit pa rin ako sa kanya, kahit ganun ang sinabi ko.

"Sinadya kong pumunta sa restaurant, to pick you up. Then I saw you na may kasigawan, nakita kong si Mira yon."

Sarkastiko akong tumawa "Yeah, your greatest love is back"

"What? Seriously?" Parang tonong naiinis na sambit nya, kaya dun na ko napatunghay para tingnan sya.

Di nga ako nagkamali, naiinis na "Why? Hindi ba? You should be happy. Makakasama mo na sya sa tagal ng paglalakbay nya sa ibang bansa."

"Stop talking, some nonsense stuffs" aniya at humigop ng kape, napikon yata sakin.

Eh sya eh!

"Ano bang pag-uusapan natin ha? At may pag text ka pa kagabi! Feeling close" umirap ako.

"I know you're mad, I'm sorry. Yeah, that sorry is not enough for the things that I've done to you. I want you to know na kaya kong bumawi at babawi ako. I'll make things more clearer and better now." Malungkot nyang sabi.

Pero hindi ko pinansin yon dahil napatitig ako sa kabuuan nya. He's wearing black shirt at denim pants, he dyed his hair blonde. Hindi rin nakaligtas ang bulky ng katawan nya dahil nagmukang fit ang shirt nya. Grabe, nag gygym ba sya? Sana all.

Inferness, gumwapo sya lalo. Ganito ba kapag 6 years passed? Biglang gumoglow up.

Gosh, Seven! What do you think you're doing?

"Seven, are you with me?"

Ang bango nya pa rin, walang pinagbago ang amoy, katulad pa rin noon.

"Yeah, I understand If you're disagree with that.... I am here just to inform you"

Kahit kailan ang ganda ganda ng mga mata nya. Maraming nagsasabi na suplado raw tingnan. Pero para sakin iyon ang paborito kong tingnan sa araw araw na paggising ko.

Dati.

Dati. Okay? Dati yon.

"Seven?"

"Ay dati!" Gulat kong untag.

Napakunot naman ang noo nya "Huh?"

"Ahh wala! A-Ahh ano nga ulit yung sinasabi mo?"

"Ahh yeah about that, sabi ko babawi ako sayo." pag-uulit nya sa sinabi nya kanina na ikinalaki ng mata ko.

PASILYO (sunki au)Where stories live. Discover now