Chapter 20

139 4 0
                                    

Chapter 20 (Loyalty)

"Seven! I'll bring you to hospital!" Rinig kong tarantang sabi ni Eros, pagmulat ko ng mata nasa reyalidad na ulit ako ng buhay.

Hindi nya alam ang gagawin, bakas ang pag-aalala sa mukha nya. I hold his hand "I'm okay". Huminto sya sa pagkataranta at agad agaran akong niyakap. Nasa dining parin kami, kinuwento nya kung ano nangyari. Nawalan daw ako ng malay bigla. I just nodded my head at sinabing ayos lang ako at "Kulang lang siguro sa pahinga" I added.

Pumungay ang mga mata nya "Alright, after eating your meal you can sleep"

Mabilis kong inubos ang pagkain, inihatid pa ako ni Eros sa taas sa guest room na tinulugan ko. "Hinatid pa talaga, e"

"To make sure that your really okay now, don't you really want to go to hospital and do some check ups?" Aniya, habang binubuksan ang pinto ng kwarto. I just smiled at him.

"Hindi na, okay na nga ako. Magpapahinga lang kaunti, back na uli sa trabaho. Sorry ah" yumuko ako.

Hindi ko kasi sya mapag sisilbihan dahil dito sa dahilan ko. Pag-alis ni Eros, umupo ako sa kama at humalukipkip.

Ano na naman bang nangyayari sakin? At ano yung memoryang yon? Paniguradong parte yon ng nakaraan ko. Sinabi ko na ngang titigilan ko na ang pag buklat sa past, pero sadyang sya ang lumalapit saakin. Sadya palang ang sarili ko mismo ang makapag-paalala kung ano nga ba talaga ang nakaraan ko. Just no need to make an effort.

Pero ang hindi ko lang maintindihan ay ang pagsakit ng ulo ko sa tuwing may nakikita akong bagay na pamilyar sakin. Kumbaga, deja vu. Noong sa coffee shop, pamilyar sakin ang pag-inom namin ng kape ni Eros doon sa shop na yon. Hindi pa gaano ang pagsakit ng ulo ko at symptoms, pero ngayon medyo lumala ata, kasi nawalan ako ng malay ilang minuto at ang naiisip ko lang habang wala akong malay kanina, ay ang nakaraan ko.

Ang malala pa don, naalala ko yung sinabi ng mga kaibigan ko na... broken hearted daw ako bago mangyari ang aksidente. Hell, may boyfriend ako non. What the heck. I don't want to think kung sino man yon, I just want to erased it on my mind kasi may pinang-hihinalaan na ako.

No please, how can he break my heart? Hell no.

Napahilamos ako ng mukha, I don't know what to do. Should I do check ups? Matagal na ang aksidente sa ulo ko, pero ngayon lang ito nanunumbalik. Kailangan ko lang siguro ng pahinga.

Humiga ako sa kama at sinara ang mga mata ko. Too much thoughts for this day, I should get my self up dahil ayoko nang mag-isip.

Hindi ko alam kung ilang hours ako natulog pero nagising na lang ako nang  4am. Mahaba haba ang naitulog ko, at hindi na rin ako nakapag dinner.

*kru* *kru*

Ano ba yan! Madaling araw na, intayin na lang natin mag breakfast please?

*kru* *kru*

Aish!

Dahan dahan akong lumabas sa guest room at bumaba ng hagdan, nagulat ako nang makita si Eros na nakahiga sa sofa, mahimbing ang tulog. Muli akong lumakad ng dahan dahan papuntang kusina. Sana may pagkain dito, kahit left over lang. I scanned the kitchen and my gaze shifted on plate on the table. Nakataklob iyon kaya binuklat ko, pancit canton at sa tabi non ay may boiled egg. Tumunog ulit ang tiyan ko kaya kumuha na ako ng tinidor para kainin iyon.

Hala, sorry Eros. Gutom na gutom na kasi ako huhuhu. Kalahati lang, please.

I started eating it, at mangiyak ngiyak akong hinugasan yung pinagkainan kasi naubos ko pala. Shuta.

Bibili na lang kaya ako? Tapos bibilisan ko na lang sa pagluluto para di mahalata ni Eros na kinain ko ang pagkain nya, mukhang mahimbing pa naman ang tulog eh.

PASILYO (sunki au)Where stories live. Discover now