Chapter 6

178 2 0
                                    

Chapter 6 (Intrams)

From Eros:

I mean, soon. Soon, susundin mo rin ako.

I don't know If his last reply make sense. Wtf Eros, umasa ako ha.

"Aayusan kita" ani ni Dos, agang aga sa condo ko. 4am nanggising na at aayusan daw ako.

Days passed, at ngayon na ang intrams namin. Kinakabahan ako kahit hindi naman dapat. I wear white polo at maayos ko iyon itinuck-in sa pants ko, I wore a flower crown too, nilagyan ako ni Dos ng light make up. I saw how beautiful I was, shems sino ka dyan.

Pagpunta namin ng school, they were all busy sa pag preprepare. Yung iba nag papractice rin for sports, yung iba naman ay nag aasikaso sa stage at may mga inaayusan na contestant. Huminga ako nang malalim bago pumasok sa room namin.

Nagtaka ako bigla nang pumasok ako ay bigla silang natahimik. Ano nangyari?

"Omygosh Seven, ang gwapo mo!" Thea shouted sa tenga ko pa talaga.

Napalayo ako at tumawa sa kanila, sinagad nila ako ng compliments na hindi naman ako naniniwala. Nakikipag biruan na lamang ako para ma lessen ang kaba sa dibdib ko.

"I'm sure, ikaw na naman ang panalo sa laban na to" Yue stated.

"Manalo o matalo, tatanggapin natin. Ang mahalaga ay nag eenjoy tayo ngayon, at nakipag participate tayo. Okay?" Sambit ni Yvon kaya naghiyawan sila.

"True!"

"Omsim!"

"Tama, tama"

Ang mga salita nila ay nakapagpawala ng kaba, they comforted me hanggang sa mag simula na ang intrams. Pinapapunta na ang candidates sa backstage, I saw Jacob there nakikipag usap sa ibang candidates. Lumapit ako at kinalabit sya.

"Hoy, hindi ka man lang kinakabahan?" I asked, tumawa na naman sya.

"Hindi, ikaw nga tong kabang kaba e. Halata sa mukha mo, oh" he shrugged.

Napasimangot ako "Eh kasi isa rin sa candidates si Eros, manonood sya!"

Nawala ang ngiti sa mukha nya at napalitan iyon ng seryosong expresyon.

"Gusto mo si Eros?"

"Oo"

"Bakit?" Kunot noong tanong niya.

Ngumiwi ako "Huwag mo nang itanong, baka mamaya ay tapos na ang intrams hindi pa ko tapos sa pag sasalita kung bakit sya ang gusto ko"

Ngumiti sya nang pilit saakin at inayos ang flower crown ko sa ulo na malapit na pala mahulog.

"Sige, the show will start na. Good luck satin" he said at iniwan ako doon.

Napabuntong hininga na lamang ako. Bahala na.

------

I cleared my throat nang pumasok si Eros sa backstage, agad na nagsalubong ang tingin namin pero umiwas ako agad. Nasa likod niya si Ales na kumikinang sa ganda. Lahat kami ay pinuri siya, she just smiled at us. Pasimple akong tumingin kay Eros, nakatingin siya ng seryoso sa di kalayuan. Sinundan ko ang mga tingin nya at napako iyon kay Jacob. Yan na naman sila.

Mabuti at hindi yon kita ni Jacob, nakatingin kasi sya saakin. Huh? Nakatingin si Jacob sakin?

Muli akong lumingon, at oo nga! Nakatingin nga ito, he smiled nang magtama ang mata namin. Nag sign language rin sya na kaya mo yan. I chuckled. Ibabalik ko na sana ang paningin kay Eros, nang mabigla akong nasa harapan ko na siya.

PASILYO (sunki au)Where stories live. Discover now