Chapter 19

129 4 0
                                    

Chapter 19 (Deja vu pt. 2)

"Gusto mo bang magkasakit? You should wait for me, ihahatid naman kita pauwi" he whispered, nasa byahe kami.

He drove me, home. Not on my condo, but on his home. Tinupad nya ang sinabi na dadalhin nya ko sa bahay nya para itour ako roon. Pero hindi naman house tour ang nangyari, binigyan nya ko ng damit dahil sobrang basang basa ako. Pati ang bag ko basa, tsaka mga notebook. He gave me oversized shirt, kaamoy nya iyon kaya medyo natuwa ako suotin. Naligo muna ako bago, pagkalabas ko sa banyo nakita ko sya sa kusina nagluluto.

"Nag timpla ako gatas.... If you want" sabi nya pero hindi lumilingon sakin.

I automatically glanced at the glass of milk on the dining table, kinuha ko yon at malumanay na naglakad sa veranda ng bahay nya. Since nasa 2nd floor naman ang kusina nya, malapit doon ang veranda. It's still raining, agad dumapo saakin ang malamig na hangin. I chuckled as I realized that, hindi pa humihinto ang ulan dahil mabigat pa rin ang pakiramdam ko.

Kinuha ko ang phone sa bulsa nang mag beep iyon, text messages from Moira at sa gc naming magkakaibigan. I closed my eyes tightly nang maalala si mama, she's suffering now. Hindi dapat ako umiiyak sa bagay na hindi ko maalala at tapos na, I should focus on how I will faced my future including my mama.

From Moira:

Gusto kang makausap ni Tita.

Nabigla ako sa nabasa, mabilis kong inayos ang sarili at nanalamin muna kung mugto pa ba ang mata ko. Medyo ayos na naman kaya huminga muna ako ng malalim bago pinindot ang call button. Mabilis din naman iyon sinagot ni Moi.

Bumungad sakin ang mukha ni mama, she doesn't know how to use phone lalo na't ito ay video call. Kunot ang noo nyang nakatitig sa screen, narinig kong tumawa si Moira. I smiled at her, at my mom. She losts weight..... maputla rin ang labi.

Nanubig ang mata ko "Ma, kumusta ka?"

Nang magsalita ako ay lumapad ang ngiti nya, probably humahanga dahil nakita ang anak nya sa screen. "Maayos lang ang mama, ikaw nga ang inaalala ko *ehem* *ehem* at noong isang araw lang ako gumising, miss na kita"

"Miss na miss na rin kita Ma, magpagaling ka dyan ah? I love you, di pa galing ang ubo nyo" My eyes teared.

"Oo, wag kang mag tatrabaho ha? Gagaling na rin naman ako, malapit na.  Wag mong pahirapan ang sarili mo!" Sermon nya, my forehead automatically creased.

"Eh kayo po? Papahirapan nyo sarili nyo?" Salubong na kilay na ani ko.

May narinig akong yabag ng paa kaya napalingon ako roon, I saw Eros approaching me. He smiled a little at naupo sa gilid, inaantay na matapos ako.

"Anak naman. Ayokong nahihirapan ka, masyado ka pang bata para don. Gusto kong mamuhay ka ng masaya at walang pagod" nag-aalalang sagot ni mama.

Lalo akong napabusangot "Ma, kaya ko po ang sarili ko. Hindi na ako bata."

Humaba pa ang pag-uusap namin dahil nakipag-gigilan pa ko. Lahat ng sermon ni mama ay may sermon din ako sa kanya, ayaw na ayaw daw nya na magtrabaho ako. Umiling ako ng matindi, hindi ko kaya Ma. Nahihirapan ako, pero alam kong nahihirapan din kayo. I'm sorry po pero buo na ang desisyon kong..... magtrabaho sa bahay ni Eros.

When the call ended, I glanced at Eros. "Si mama, kausap ko"

Hindi nawawala ang maliit na ngiti sa labi nya "Your mom is right, you don't need to work. Ano...." lumikot ang mata nya "I can give you money naman"

I rolled my eyes jokely "Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Kaya ko magtrabaho, hindi naman ako lumpo o ano. Please..."

He sighed at sinenyasan akong umupo sa tabi nya. Sinunod ko naman, nakaharap kami sa labas at yumayakap samin ang malamig na hangin.

PASILYO (sunki au)Where stories live. Discover now