Chapter 32 (New beggining)
Umulit ako ng grade 12. Tulad nga nang sabi ni Moira sakin, masaya raw mag-aral dito sa probinsya. Probinsyanong probinsyano ang mga tao at walang maaarte. Totoo nga, na enjoy ko ang pag-aaral ko. Nag-aral pa ko ng mabuti at nagtapos ng highschool. Nang mag-enrollan in college, I took an entrance exam sa pinaka popular na university dito.
Culinary.
Kinuha kong kurso ang culinary. Gusto kong maging chef. Gusto kong magluto ng iba't-ibang putahe gamit ang kasanayan ko. Mahilig kasing magluto si mama, nakikita ko ang mga recipe nya. At tandang tanda ko kung gaano kasarap ang mga luto nya.
Nahirapan ako noong una pumasok at umulit muli, dahil new environment e. Pero nang tumagal, ay hindi naman ako nahirapan na mag adjust. Madami na rin akong naging kaibigan at nilala.
Hindi madaling kalimutan ang nakaraan. Sa araw araw na pagpasok ko, sa paglipas ng oras, minuto, segundo, araw, buwan at taon, ang Manila pa rin ang nasa isip ko. Kasi kahit anong gawin ko, hindi ko parin yon malilimutan. Dahil doon ako lumaki, doon ako tumira.
Lagi ko ring tinatawagan ang mga kaibigan ko. Shempre sina Dos, lagi silang may update sakin.
Si Dos mag chechef din, si Ques patuloy pa rin sa paglangoy nakakarating na sya sa ibang bansa para lumaban, si Rey naman nag patayo ng bar nya at kakapasa lang sa board exam nya isa na syang inhinyero, si Jacob pumasok sa army nag mimilitary, at si Austin isang ganap na nurse at kakapasok lang ng trabaho sa isang hospital sa Maynila.
Ang lalayo na ng narating nila. Years passed... 6 years passed. Ang layo na ng narating namin, at malayo pa ang mararating namin.
Thanks to my Tita Ninang sya ang nag-paaral sakin, Moira, Lola, Tito and Tita, sa mga pinsan ko rin na kinukumusta ako. Dahil sila ang naging sandalan ko para bumangon ulit. Sobrang tagal na rin simula nang mawala si mama, lagi ko rin syang binibisita dala dala ang mga niluluto ko. Kinakain ko yon habang nag kekwento sa kanya ng mga achievements ko.
Noong grumaduate ako ng highschool, si Tita Ninang ang nag sabit sakin ng medal at sya ang tumayong magulang ko doon. Todo support naman si Moira, sabay kaming gumaraduate. Kaso engineering ang kurso na kinuha nya. Nag celebrate pa kami nang makapasa sya sa board exam.
"WAAAAAAA!" Malakas kong sigaw.
Agad akong pinuntahan ni Tita Ninang at Moira "Bakit?!!" Halos sabay nilang tanong.
"Pasok ako sa isang mayamang restaurant sa Manila!" I screamed.
"OMYGOSH!!!" ani nila at nag tatalon din kagaya ko, yinakap nila ako ng mahigpit at pinalis ang luha sa mukha ko.
"Grabe, I'm proud of you our Chef" Tita Ninang cried.
Ayy! She's such a cry baby kaya napatawa ako. At lalo pang napahalakhak nang maiyak din si Moira. Hahaha, mag-ina nga sila.
Kinabukasan, nag punta muna ako sa trabaho ko. Oo, may trabaho ako, pumasok ako sa isang simpleng restaurant. Sinabi kong saglit lang ako dito dahil natanggap ako bigla sa Manila. Mabuti na lang at mabait ang boss namin dito. Si Ms. Crizzle. Single mom sya at may isang anak, na kasing tanda ko rin kaya medyo close kaming dalawa.
"Ang aga mo today ha?" Ms. Crizzle greeted me.
"Good Morning ate" I greeted back.
Ate ang pinatatawag nya sa kanya, para daw milenial. Lakas maka teenager ganon.
"Maaga po ako para maaga ring matapos, friday ngayon kaya alam na this" I chuckled at sinuot na ang white uniform, and shempre ang apron.
Napatawa rin sya "Oo nga, talagang kapag friday eh dagsaan ang mga costumers."
YOU ARE READING
PASILYO (sunki au)
FanfictionA filo sunki au wherein Seven (ksn) has a long time happy crush named Eros (nrk). When the valentine's event happened, he wore color pink shirt symbolized as "have a feelings on someone", but the world stopped when he saw his crush wearing red shirt...
