Chapter 1 (Transferee)
I suddenly felt like I'm the queen here in our campus. Laman kasi ng chismis sa paligid ay ako, eh. Mahusay! Nakapost na rin sa school bulletin ang picture namin ni Eros sa wedding booth. Shempre di rin mawawala ang fb posts at tweets, may nakita pa akong caption na Kilig na kilig si seven oh, pinag tripan lang naman kayo sa wedding booth, pero akin parin si bby Eros ko hmp!
Yak.
I didn't deny that kilig word, bukod sa kitang kita na sa picture that I'm blushing, kinikilig naman talaga ako non. How? Sinong di kikiligin eh, si Eros na yan e.
"May intrams next week" sambit ni Dos habang nagbabasa ng libro.
We're here over a mango tree, sa field ng school. Kakadating ko lang dito, and then malalaman ko na wala pala ang teacher namin sa first sub? Gosh! Sana wala din mga teacher namin sa ibang subjects.
Wala namang ginawang gawain kaya tanaw na tanaw ko rin ang mga kaklase naming naglalaro ng badminton sa di kalayuan. Napailing ako kay Dos.
"Intrams? Bakit parang ang bilis naman ata, kaka start lang ng school year ah"
Ibinaba nya ang libro at tumingin saakin "Yep, fourth year na tayo Seven. Huwag ka nang magreklamo dyan, wala nang ganito sa college!" aniya
Napanguso naman ako sa narinig. Yan kasi ang naririnig ko dito sa university, wala na talagang mga programs kapag nag college ka, which made me sad and wishing for long school year ngayong fourth year na kami. Last na to, I can't believe na college na kami after months.
I sighed in disbelief, knowing na hindi ko parin talaga alam ang kukuhanin kong kurso. At baka....
Malayo ako kay Eros.
"Sasali ako sa volleyball, ikaw?" Masayang sabi ni Dos, at muling itinutok ang mata sa libro.
"Kung saang sports sasali si Eros, dun ako"
"Patay na patay ka talaga sa kanya, ano? Sige, siguraduhin mo lang na hindi ka masasaktan sa kanya" He chuckled.
I can't blame Dos, kasi feel ko di naman din ako gusto ni Eros eh. Alam na, masasaktan lang ako sa lalaki.
"Yow guys, long time no see"
Napalingon kami sa nagsalita. It was Rey, umirap ako sa kanya kita kong ganon din ang ginawa ni Dos.
"Grabe, puro irap lang ba isasagot nyo sa'kin?"
"Anong long time no see, kakapasok ko pa nga lang sa gate, mukha mo agad ang sumalubong saakin!" bulyaw ni Dos, tumawa ako.
"Long time no see daw, eh sawang sawa na nga kami sa mukha mo" I uttured, tumawa ng malakas si Rey.
"Sus, parang di kinilig noong wedding booth" ani nito at umaasta pang kinikilig. Napasinghap ako sa biglang pang-aasar niya.
"Kasalanan mo lahat ng to, kung di mo ginawa iyon, edi walang chismisan na nagaganap ngayon sa campus"
He smiled "Atleast sikat kana ngayon, ayaw mo non pinasikat kita"
Hinampas ko na lang sya dahil talo na naman ako sa pang-aasar niya, umiling iling na lang si Dos sa kakulitan namin at nagbalik na ulit sa pagbabasa ng libro. Medyo nahihiya ako sa pinag sasasabi ni Rey, kasi sobrang guilty ako. Kairita, lahat ng pang-aasar tumatama sakin!
Dalawang araw na ang nakalipas simula nung valentine's day. Since friday naman iyon, ay parang first time sumaya ng weekends ko dahil sa mga nangyari. Hindi ko pa nakikita si Eros ngayong umaga, kamusta kaya sya?
"Si Ques?" pag iiba ni Rey ng usapan, matapos mapagod sa kakaasar saakin.
Lima kaming magkakaibigan, ako, si Dos, si Rey, Ques, at ang huli ay si Austin na nasa ibang planeta namn. Minsan lamang namin sya nakakasama dahil malayo ang school niya, mayaman kasi yon. Naka private ang school, hays. Actually mommy nya ang nagpasok sa kanya doon, kaya napahiwalay na sya saamin.
YOU ARE READING
PASILYO (sunki au)
FanfictionA filo sunki au wherein Seven (ksn) has a long time happy crush named Eros (nrk). When the valentine's event happened, he wore color pink shirt symbolized as "have a feelings on someone", but the world stopped when he saw his crush wearing red shirt...