Chapter 13

142 3 0
                                    

Chapter 13 (Uwi na, magpahinga na)

Natatanga na siguro ako, ano? Sabi na nga ba e. Kung ano ano naiisip ko, siguro sanhi to ng pagiging delusional. Hays, babawasan ko na nga. Grabe pagiging delulu ko, umaabot sa "I will hire you as my boyfriend" ni Eros. Ay naku Seven! Tigil tigilan na kasi ang pagbabasa ng romance book!

Hay ewan. Oo, kailangan ko nga ng trabaho! Pero sana hindi ko inimagine na ihihire ako ni Eros as boyfriend nya. Uy uy uy lakas ng din ng amats netong utak ko e, kung ano ano na iniisip.

"Do you agree with me?"

Shuta.

Ang malalim nyang boses sa tanong na iyon ang nagpa gising sakin sa katotohanan. Hindi ako nananaginip o nag iimagine, totoo to. I was really speechless! Mas nauuna ang pag kabog ng dibdib ko kaysa sa pag iisip ng sasabihin.

"A-Alin ba ang i-aagree?" I tried to calm myself.

He confusely looked at me "You're spacing out, you didn't hear my last line don't you?"

Umubo ako bahagya at umuurong ng kaunti "O-Oo, ano ba yung sabi mo?"

"I like you Seven" he looked away "More than the universe witnessed."

Parang nag buhol buhol ang lalamunan ko at kahit ultimong laway ay ayaw malunok. He can't be serious! Bwiset. Bakit ba ganito ang nangyayari? Nananaginip ba ako?

"I changed our book that was written before, I tried to forget everything. But I can't, I really can't. Now, we're in a new book, but same main characters. And this is my second time, confession." dahan dahang litanya nya.

My forehead creased "What do you mean?"

He smiled "Gusto kita Seven, sa pangalawang pagkakataon."

Pangalawa? I don't understand. Para ba akong nahipnotized sa sinabi nya, nawala sa isip ko ang pag coconfess nya kaya nanumbalik ang kaba sa dibdib ko. Umiwas ako ng tingin nang maramdaman ang pisngeng umiinit.

"Are you joking? Hindi kasi nakakatuwa... Eros" sabi ko na nagpakunot noo nya.

Totoo! Kinakabahan talaga ako. Kung nag jojoke man sya, masasaktan lang ako. Kasi ako yung umaasa e.

Hindi ko maintindihan ang takbo ng mga sandali, manhid kasi ako. And that is my worst behavior, ang pagiging manhid. Pakiramdam ko kasi sobrang bilis at hindi ko namalayan na gusto nya rin ako? Bakit? Paano? Saan? At Kailan?

"I'm falling inlove again...with you." Nakita ko ang pag lunok niya kasabay non ang pag-pungay ng mga mata habang nakatitig sa mata ko "I love how you talk, how you laugh, how you smile, and how you react when Rey always teasing you. I love when you're talking to me full of excitement, I love how your eyes glistened whenever you look at me, I love how you say my name, I love...... I love everything about you Seven."

I suddenly felt the butterflies.

Parang nag-flash back sakin ang mga sandaling nakakausap ko sya o nakakasama. Yung pagyaya nya saking ihahatid nya ko, inanyayahang mag-lunch, kinuha ang number ko, hinigit ako at iniligtas doon sa mga bastos sa bar, nag coffee date, at inilibre pa ako ng lunch minsan. Gusto kong maiyak.

That was the side of him that I wasn't seen! Ngayon ko lang narealize na ang mga galaw nya ay may kahulugan pala. Nalulunod pa rin ako sa pagkagusto ko sa kanya na ang naiisip ko lang ay ang sarili ko at mahalaga lang saakin na gusto ko sya. Yon lang, hanggang doon lang. Pero hindi ko man lang na-obserbahan ang words at actions nya.

I don't know what to react! Nag-halo halo ang reaksyon ko, nahihiya, masaya, gulat, at kaba.

"I-I'm sorry"

PASILYO (sunki au)Where stories live. Discover now