A/N: Here's the ud guys! Sorry If hindi maganda, super drained lang. Good night.
Chapter 11 (Partners)
"Kasama mo ba si Ales, kanina?"
That was the last question that I uttured bago kami mag hiwalay ni Eros kagabi. I've gotten a lots of missed calls from Dos, Ques, Austin, and also Rey. Ipinagdasal ko na lamang ang buhay ko sa kamay nila, naway hindi ako masermunan. Lalo na ni Dos. Pero nasermunan pa rin ako, tho. Natapos ang conversation namin ni Eros, noong sinagot niya ang tanong ko.
"Yeah" he looked at me innocently "I'm on my way to grab some coffee, then she suddenly joined me when I was walking. I avoided her....."
Parang sirang plaka iyon sa tenga ko at paulit ulit na tumutugtog. Hindi na mawala wala sa isip, lalo na nung dinugtungan nya pa ang sinabi.
"Let's....." huminga sya ng malalim "Let's make things clear Seven"
Ano daw?
Hindi ba maliwanag sa kanya ang nangyayari? Magkatapat kami, nasa coffee shop, humihigop ng kape, nasa may bintana, nanonood sa ulan na patuloy ang patak, mga sasakyan na ambibilis ng pagdaan. Hindi ba malinaw sa kanya yun?
Napanguso naman ako.
After that, I heard some familiar voices that was calling my name. Kinabahan naman agad ako dahil lagot talaga! Nakalimutan ko bigla na kasama ko nga pala ang mga kaibigan ko.
At noong sandaling iyon, pinagdasal ko na sana hindi ako sermunan. Pero ayon nga, sinermunan ako. Actually, hanggang ngayon.
"Hanap kami ng hanap sayo! Huwag ka nang mawawala nang ganon ha?" Dos exclaimed.
Napabuntong hininga ako at umupo sa duyan, we're here sa condo ni Austin. Dito kami tumuloy since malapit lang pala ang place nya. Lumingon ako sa pinto ng cr nang umingit iyon, sign na may nag bukas. It's Rey. Kinukuskos nya ng puting tuwalya ang buhok nya, done showering. Si Austin naman ay nag luluto ng breakfast namin, si Ques maaga raw umalis dahil may training ang mga swimmers ngayon. At si Dos naman ay namamlantsa ng uniform nya.
12nn pa ang klase ko kaya I didn't bother to go to school today nang maaga.
"Iingay nyo!" Reklamo ni Rey bago ako tapunan ng tingin, napairap naman ako.
"Hoy Seben. Kung lalandi ka magsabi ka naman! Uso ang chat oh, hindi yung pinag-alala mo kami. Akala ko nilamon kana ng inodoro, sayang." Madramang aniya at parang nanghihinayang pa.
Handa na akong mang hagilap ng ipang babato sa kanya, pero agad itong nag tatakbo sa kwarto ni Austin at doon nag tago.
Days went so smooth, parang pag pikit ko lamang ng sabado ay lunes na pag mulat ko. Ganoon ang naging takbo ng bawat oras. Nagkakaroon na ako ng paghihirap sa bawat sandali. Lalo na noong nakita ko ang laman ng bank account ko. Hindi na iyon kaya pambayad ng tuition ko ngayong buwan, parang gusto kong maiyak. Wala nang pinapadalang pera si mama.
I started to get worried about her, ni hindi man lang sya nag tetext saakin o tumatawag para kamustahin ang anak nya. Parang nawala ang emosyon ko sa laman ng bank account ko, at napalitan iyon ng pag-aalala kay mama.
"Research, again." anunsyo ni ma'am Viola. Agad kong narinig ang reklamo ng mga kaklase ko. Samot-sari ang mga pinag sasasabi.
"Come on class! Hindi na dapat inirereklamo pa ang research, grade 12 na kayo. Señior High Schoolers! Kapag nag college kayo, doble doble pa ang thesis nyo."
These past few weeks, will gave us the real hell. Lalo na saakin, wala akong tiwala sa mga kaklase ko interms of research, grabe. Ayoko na mangyari muli ang pancit canton na ambagan, shuta sana naman iba na maging kapartner ko.
YOU ARE READING
PASILYO (sunki au)
FanfictionA filo sunki au wherein Seven (ksn) has a long time happy crush named Eros (nrk). When the valentine's event happened, he wore color pink shirt symbolized as "have a feelings on someone", but the world stopped when he saw his crush wearing red shirt...