Chapter 12

156 5 1
                                    

Chapter 12 (Apply)

@ales

Ay, hindi ko sya kapartner : (

@iam_luan

Okay lang yan girl, may pinaplano pa yata ang tadhana na mas maganda pa kesa riyan para sa inyong dalawa! Tsaka mas deserving ka naman kesa sa partner nya.

Shuta, anong pinaplano ng tadhana? Sapakan muna.

Yan ang bungad sa twitter ko pagka-open na pagka-open ko pa lang. Suddenly I felt I'm the queen again, laman kasi ng chismis sa twitter ay ako na naman! Walang katapusang panlalait sakin.

@gill_ian

Seven again?! The hell, masyado nang nagmamaganda yan ah. Pangalawa na to!

@eu_nice

____Replying to @gill_ian : Girl, maganda naman talaga sya at gwapo pa.

@gill_ian

Manahimik ka nga Eunice.

Napairap ako bago isuksok ang phone sa bulsa, wala akong plano makipag bardagulan ngayon. Lalo na nang matanaw kung sino ang galit na babaeng sumusugod sakin ngayon. Huminga ako ng malalim at pinag patuloy ang pag lalakad sa hallway ng quadrangle. Ngayong nagkasalubong kami sa daan, taas noo ko syang hinarap. Syempre kasama nya ang dalawang alipores nya.

"Huh! Good morning Seven" sarkastikang bati nya.

I cleard my throat at ginaya ang tono nya "Good morning din Gia".

Gusto ko sanang lampasan sya pero occupied nilang tatlo ang daan! Shuta naman. Ayaw ko ng gulo!

"I heard ikaw daw ang partner ni Eros sa research, ha." she crossed her arms "How pathetic, baka naman si Eros pa ang gagawa ng research nyo? Tapos ambag mo ay pancit canton lang?" tumawa sila.

Umarko ang kilay ko "Hindi naman ako kagaya mo"

"What?!"

"Excuse me, may klase pa ko" sambit ko at sinubukang dumaan pero hinawakan nya ang braso ko.

"Not so fast Seven, I just want to warn you. Warning number 1, don't even do something horrible to Eros. Warning number 2, don't flirt him! Warning number 3, wag mong i-aasa lang sa kanya ang research. Warning number 4---"

"Oo na! Oo na, okay? May klase pa ako." Pagpuputol ko sa sinasabi nya.

Ngumuso naman sya "Basta, take care of him! Don't you dare to--"

Daming dama e, feeling sya ang girlfriend.

Nilagpasan ko na sya at narinig ko naman ang pagtawag nya sa pangalan ko. Dire-diretso ako sa room namin, as expected, panay ang daldalan at maaga pa naman. Napako naman ang tingin ko kay Jacob na nakangisi saakin, naka upo sya sa desk ng upuan nya.

"Good morning, angas nang pagharap mo kay Gia ah. Tanaw na tanaw ko mula sa tungkod ko"

Napailing naman ako at inilapag ang bag "Ano ka, si imaw?"

I looked at him "Teka, kilala mo si Gia?"

Unti unting nawala ang ngisi nya at nagkibit balikat. "Oo naman, diba sikat sya sa school?"

"Yup, pero alam mo ba" umupo rin ako sa desk ng upuan ko, nanatili naman syang nakinig sakin "Si Gia ang ex-girlfriend ni Ques!"

Tumawa sya "Oo alam ko, matagal na".

Nangunot bigla ang noo ko, natigilan naman sya at umiwas ng tingin. Ha! Hindi ka makakatakas sakin.

"Pano mo nalaman?"

PASILYO (sunki au)Where stories live. Discover now