Chapter 15

144 4 0
                                    

Chapter 15 (15K)

"Bakit hindi mo sinabi saamin?! Seven naman eh!" maagang bunganga ni Rey ang pumakatak sa condo ni Dos.

When I glanced at the mirror, napanguso ako sa pugto kong mga mata. Kapansin pansin din ang pamamayat ko ng biglaan.

"S-Sasabihin ko naman" sambit ko. Ang tinutukoy nya kasi ay ang pagkawalan ko ng pera. Sinabi ko sa kanila ang lahat, unang nakaalam ay si Dos dahil ikinuwento ko iyon kagabi.

Both of us are crying at napuyat kami roon, panay din ang pag sosorry nya dahil sa biglaang nagalit sya sakin at ang hindi nya pagpansin sakin sa loob ng isang linggo. While Ques, he's on his lola's house. Doon sya nag iistay ngayon, kaya pala he's calm these days at may kalungkutan ang boses ay nagkaroon sila ng pagtatalo ng kanyang ama.

Habang si Rey naman eto, kaya pala hindi nangangamusta ay busy sa bagong nililigawan. Nakahanap na naman ng babae sa ibang university, nag sorry muna sya saamin lalo na saakin dahil hindi nya na kami nakakasama.

"Grabe, nawala lang ako ng ilang days nasalisihan na agad ako. Ni hindi man lang kayo nag sasabi kung anong problema! May niligawan lang ako, pero kaibigan nyo pa rin naman ako. Tingnan mo Dos! Hindi mo man lang nabanggit sakin na hindi mo pala pinapansin tong si Seven isang linggo" stress na reklamo ni Rey at ngayon ay si Dos naman ang binalingan niya.

Ibinaba ni Dos ang kubyertos at tiningnan ng masama ang nagsalita "Nagtatampo kasi ako! Hinihintay kong manuyo yang si Seven pero hindi ginawa, yun pala may pinag dadaanan nang problema. Yan ang awayin mo." Ininguso nya ako "Hindi nag sasabi e."

Nasa dining area kami ngayon at pareparehas nakaupo, nagtimpla si Dos ng kape at tinapay para saamin.

I let out a sigh nang bumaling na naman sakin si Rey "Seven... kung sinabi mong wala ka nang pera, at kailangan mo ng trabaho, tutulungan ka namin mag hanap. Hindi yung hindi ka nag sasabi!"

Yumuko ako "A-Akala ko kasi ay kaya ko mag-isa"

Rey sighed "Tutulong ako."

"Ako rin" Ngumiti sakin si Dos.

It comforts me so much. Sa ganon ay nawala ang agam agam ko, kumalma na rin ako. Absent muna ako sa klase ngayon dahil aasikasuhin ko si mama. Rey and Dos helped me, pinahiram muna nila ako ng pera para maipadala ko kay mama. Ngayon lang naman, kapag nakahanap ako ng trabaho ay tsaka pa siguro ako makakauwi sa probinsya. Isa pa, hindi ko pwedeng pabayaan ang pag-aaral ko, lalo na't graduating at college na next year.

Sa condo ako ni Dos nakatulog kagabi kaya nandito pa rin ako sa condo nya, parehas din naman kaming absent. Nagpunta ako sandali sa veranda para kausapin si Moira.

"Hello Moira?"

"Seven" sagot niya.

"Natanggap mo ang pera na pinadala ko? Yan na muna ah, pambili gamot ni mama tsaka pandagdag sa bill sa hospital" I looked down at isinandal ang sarili sa railings.

Napabuntong hininga siya "Sa katunayan ay hindi naman ito kailangan, we can pay Tita's bills. Mas kakailanganin mo ito dyaan sa pang araw-araw mo."

"Ayos lang ako Moi, kumusta pala si mama?"

"Wala paring malay e, pero sabi naman na ni Doc ay malapit na rin si Tita magising. Don't worry too much ha? We will take care of Tita." Mahinahong sabi niya.

"Thank you Moira" I smiled sadly.

"Hmmm, ikaw. Kamusta ka dyan? Lagi kitang i-uupdate tungkol dito. Baka naman hindi kana kumakain? Do you have money? Kung wala ay papadalhan kita dyan." sunod sunod na sambit niya.

PASILYO (sunki au)Where stories live. Discover now