Chapter 26 (We've been this before)
"We will start now.." nakangiting announce ni ma'am Viola.
Lahat kami'y nataranta sa kaba. Para akong naestatwa at tanging nagawa lamang ay ang panoorin kung paano bumunot ng pangalan si ma'am Viola.
"Sana ay dumating sya, malaking bawas to sa grades kapag walang napresent ngayon" Dos muttured in frustration.
Napabuga ako ng hangin "S-Siguro naman ay pwedeng i-excuse yon no?"
"Pwede naman pero hindi nga natin alam kung anong nangyari kay Eros, di sya macontact" stress na gatong naman ni Ques, nag didial na rin sa phone nya.
Tumingin sakin si Rey "Seven, baka pwedeng ikaw na lang mag present ngayon, kaya mo ba? Pwede naman yun. I-eexcuse natin na hindi dadating si Eros, kung hindi man sya dumating--"
"Dadating sya, Rey..." pagpuputol ko sa sinabi nya. "At tsaka, di ako mag pepresent mag-isa. Hihintayin ko sya" dagdag ko pa.
"Eh paano nga kung mabunot ang pangalan nyo--"
"The first one is... Gello Yvon and Benedicto Robert" biglang sigaw ni ma'am Viola.
Lahat ng estudyante ay napabuga ng malakas na buntong hininga. I saw Yvon and his partner, walking papuntang HE dala dala ang laptop nila. I can't imagine us being not there today, please sana ay dumating sya. Hihintayin ko sya. Promise.
"Sh¡t" bulong ni Rey.
"Ayaw talaga, nakapatay ang phone" sambit naman ni Ques.
Napahilamos ako sa mukha. Ano kaya nangyari kay Eros? Ayos lang ba sya? Sana naman ay wala syang sakit ngayon. Mas nag-aalala pa ako sa kanya kesa dito sa defense na to. Bahala nang hindi makapag present, basta ang mahalaga ay safe sya o okay sya. Alam kong dadating sya kapag maayos ang lagay nya, pero sa nangyayari ngayon ayokong isipin na hindi sya sisipot.
Pinagpraktisan namin to ng maigi, maayos, at malinis. Inaral naming dalawa ang research na ginawa namin. Naglaan kami ng oras para matapos, at ayusin yon. At malaking bawas talaga sa grades ang hindi pag present.
"Ayos lang kaya sya? Baka naman may sakit sya" nag-aalala ring ani ni Dos.
Napatingin kami nang biglang lumapit si Jacob saamin. Bakas din sa mukha nya ang pag-aalala saamin.
"Anong nangyari?" Tanong nya.
Si Ques na ang sumagot "Wala pa si Eros"
"Ha? Nasan daw?"
"Hindi sumasagot sa tawag, hindi rin nag rereply" sagot ni Rey.
I stood up "Dadating sya, hihintayin ko sya sa may gate."
Napatayo na rin sila "Sasamahan ka namin" presenta ni Ques.
Matindi akong umiling "Wag na, kaya ko na. Dito kayo at mag pepresent pa kayo"
"Paano ka?" Habol ni Dos.
"Wag mo kong intindihin---"
"Sasamahan na kita" mabilis na gatong ni Jacob at akmang lalapitan ako.
Lumayo ako ng kaunti "Jacob, intindihin mo yung partner mo. Hindi sya makakapag present kung sasamahan mo ko. Kaya ko na to, ha. Babalik naman ako"
I left them. Naririnig ko pa ang tawag nila sa pangalan ko. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng ibang estudyante. Nag-aalala ako kay Eros. Naupo muli ako sa bench malapit sa gate at malakas na buntong hininga ang pinakawalan. I grabbed my phone again, nagbabaka sakaling may reply sya. Pero wala.
YOU ARE READING
PASILYO (sunki au)
FanfictionA filo sunki au wherein Seven (ksn) has a long time happy crush named Eros (nrk). When the valentine's event happened, he wore color pink shirt symbolized as "have a feelings on someone", but the world stopped when he saw his crush wearing red shirt...