Chapter 16

141 2 0
                                    

Chapter 16 (Followed you)

"May sahod din ba ang pagiging boyfriend mo?" I chuckled.

Hindi nya ko sinagot at nangingiti ngiti pa ring kumain ng chicken. Nag kwentuhan lang kami tungkol kay mama at sa lagay nya, sabi nya ay tutulong siya. Malaking tulong na rin yun kaya di na ako tumanggi. That day ay gumaan ang pakiramdam ko. After naming kumain ay kinuha nya ang laptop nya sa kotse, sinimulan na namin ang chapter 1 at 2 sa research.

Sa ganon ay may nagawa naman kami nang araw na yon kahit na absent kami pareho. Kinabukasan, maaga akong gumising dahil balik pasok na ulit ako. Sasabay ako ngayon kina Dos papasok, kaya chinat ko si Eros na huwag na akong ihatid.

Naka received naman ako ng chat mula kay Moira, she updated me. Hindi pa rin daw nagigising si mama, pero baka daw mamaya ay gumising na ito. Maya't maya rin daw ang aksyon ng doctor para icheck si mama.

"Dapat pala hiniram ko kotse ni kuya, nakapit sa uniform ang usok dito ay!" Reklamo ni Rey.

Nasa bus stop kaming tatlo ngayon at nag hihintay ng bus. Napaubo naman ako dahil nasinghot ko na naman ang usok! Grabe pasok na naman sa baga ko.

Ilang minuto lang ang lumipas ay may nasakyan naman kami. Inihatid ako ni Rey at Dos sa room, pahabol pa ay sabay sabay daw kaming mag lulunch kasama si Ques mamaya. I nodded my head bago ako pumasok, unang bumungad sakin ay ang mukha ni Jacob na nagbubura ng blackboard. Nang mapansin nya ko ay ngumiti sya ng malapad.

"Boss Seven!" Bati nya, inismiran ko naman sya.

"Aga mo ah" balik kong bati.

Sinundan nya ko sa upuan ko "Nag tanong tanong ako sa mga tropa ko, mga bigtime kasi ang mga yon. Meron sila business, nag tanong ako kung hiring sila for part time job. Sabi oo raw, ano g ka?"

It flutter my heart, doon ko lang narealize na marami pala akong kakampi. Na hindi lang ako nag-iisa, at hindi ko kayang mag-isa lang. Nariyan sila para tulungan ako kahit na hindi naman ako nag sasabi.

Pero sa sitwasyon ko ngayon, hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Gayong, may nag mamay-ari na ng puso ko.

"Salamat Jacob" I smiled at him.

Lumawak ang ngiti nya "Yernn, okay kana?"

I nodded my head kahit na hindi pa ako okay, I considered Jacob as my friend. Nothing less, nothing more. Isa sya sa mga ayaw kong mag-alala at ayaw kong idagdag pa ang problema ko sa isipin niya.

"Salamat uli! Libre mo ko" I joked.

Umupo sya sa upuan nya at tinaasan ako ng kilay "Eme ka, diba dapat ikaw ang nanlilibre"

Tumawa ako "Wala pa ngang budget nuga"

Babanat pa sana sya nang biglang pumasok sa room si Ma'am Viola. Napaaga ata sya ngayon? Alas sais pa lang kasi, mga ganitong oras ay naglilinis pa lang kami, nag chichismisan or gumagala sa buong campus. Lahat kami ay naupo kanya kanyang upuan at nanahimik.

"Good Morning class, buong araw na to ay sisimulan nyo na ang research nyo. Kaya maaga ko itong ina-nounce, para masimulan nyo ng maaga. Lahat kayo ay makikicommunicate sa partner nyo, kahit saan pwede gumawa. Wag lang lalabas ng school, maliwanag ba?"

Nag tantrums na namn ang mga kaklase ko, nakita ko naman ang pagnguso ng katabi ko.

"Bakit?" I whispered.

"Boring" I mentally laughed at him, matapos nyang sabihin yon.

"Meron ba kayong dalang laptop?" Tanong ni ma'am.

"Wala po"

"Tablet?"

"Wala po"

"Ipad?"

PASILYO (sunki au)Where stories live. Discover now