Chapter 25

125 3 0
                                    

Chapter 25 (Ex-boyfriend)

The way he looked at me on the first time I saw him, that was really full of love, sadness, and pain. Hindi nga ako nagkakamali, kaya pala ganon na lamang ang pagrereact ng puso ko nang makita sya matapos ang aksidente. Nag simula muli ako nang hindi sya kilala, nang hindi sya naaalala.

I loved him, and I love him.

Kanina pa akong pagulong gulong sa kama, bukas ay araw na ng defense namin. Sa halip na matulog ng maaga, eto ako ngayon, naiiyak dahil di makatulog. Paulit-ulit kong iniisip kung paano ko naging ex boyfriend si Eros. Ganun ba ko kalandi dati? Grabe naman. Pero kung sya naman yun, ay oks na oks. Shempre yes na yes for u.

"Seryoso ba? Or baka joki joki lang talaga ang lahat? Hayyy bwisiet! Nakakaloka" I mumbled.

Umupo ako sa kama at huminga ng malalim. Kinuha ko rin ang tubig sa side table at sunod sunod na lumagok don bago tingnan ang cellphone ko dahil bigla itong tumunog.

I muttured a curse nang makita ang pangalan ni Eros sa notification ko.

From Eros:

Do you received the money?

Huh?

To Eros:

Alin?

From Eros:

Can I call?

Nanlaki ang mata ko sa nabasa, lalo pa itong namilog nang mabasa pa ang sunod nyang message.

From Eros:

Videocall please

Sunod sunod ang pagmumura ko sa utak nang makita ang caller name nya, huu dali dali kong dinampot ang suklay at mabilis na sinuklay ang buhok. Nag pabango rin ako kahit na hindi nya naman maaamoy. Kimi kimi lang yun!

[Hello] he said, smiling.

Pinigilan ko ang pag-ngiti "Hello rin"

[Why are you still up? It's late]

Napatitig ako sa kabuuan nya, naka black shirt sya at pajama. Ininom nya ang isang basong gatas habang nakatingin sakin. Hayy ang gwapo gwapo.

"Hindi ako makatulog e"

Ibinaba nya ang baso sa side table [Are you nervous for tomorrow? Don't worry, kasama mo naman ako]

I smiled "Hindi yun"

[Then what?]

"Iniisip ko kung paano..."

[Paano?]

"Paano kita naging boyfriend dati, pwede mo bang ikwento?"

Mukhang natigilan sya sa sinambit ko, babawiin ko na sana nang magsalita na sya.

[You should sleep, It's getting late. May pasok pa bukas, pwede naman natin yang pag-usapan sa mga susunod na araw] aniya.

Ngumuso na lang ako at tumango, nag good night pa sya sakin bago patayin ang maikling tawag. Kusang napahiga ang katawan ko sa kama, kasunod non ay ang isang buntong hininga. Hanggang kailan ko ba hindi matutuklasan ang sikreto ng nakaraan?

Kinabukasan, dumaan ako sa condo ni Dos at sabay kami papasok. Pero dumaan muna kami sa isang convinience store.

"Kinakabahan ako Dos, parang lalabas ang puso ko sa kaba" I uttured, tumingin sya sakin at tumawa bago ibaling muli ang tingin sa mga softdrinks.

"Nukaba, gayahin mo ko pachill chill lang!"

Bumusangot ako "Sobrang talino naman kasi nyang partner mo, parang sya na yata lahat gumawa ng research nyo e"

PASILYO (sunki au)Where stories live. Discover now