"Nana!"
Napatalon ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang dumagundong boses ni Kuya Antonio. Nanginig ang katawan ko- nakikita ko na ang pwedeng mangyari. Mapapahiya ako at mapagbubuhatan ng kamay.
"Ana Lucia!" tawag niya ulit sa pangalan ko.
Napasinghap ako nang makitang hindi lang siya kundi kasama ang apat pa naming mga kapatid- si Kuya Luther, Kuya Aidan, Kuya Angelo at Lucas- ang dumating. Palinga-linga silang lima habang hinahanap ako sa kumpol ng mga taong kanina lang ay nagkakasiyahan ngunit nang pumasok sila sa bakuran ay nagsitahimik na.
"Nana! Tara na!"
Nagising ako sa iniisip ko nang malakas akong tapikin ni Dorothy sa balikat. Nakadalawang hakbang na ako nang muli akong tawagin ni Kuya Antonio.
"Ana Lucia Alzate!"
"Shit, Nana. Patay ka!" natataranta na salita ni Dorothy sa tabi ko habang naglalakad na ang limang kuya ko papunta sa amin.
Tuluyan na akong napako sa kinatatayuan ko. Nawala na ang malakas na tugtog sa loob ng bahay. Lahat ng mata nakatutok na sa amin- walang kahit isa ang nagtangka na bawalan ang mga Kuya o pigilan sa paglapit sa akin.
Kilala ang pamilya namin sa Gensan, matalik na kaibigan ng Gobernador ang aking Papa at may malakawak kaming palaisdaan- ang pamilya rin namin ang isa sa pinakamalaking tiga-angkat ng tuna sa buong bansa.
"Nana, gusto mo ba talagang bigyan ng sakit sa puso si Papa?" walang pasinong pangaral ni Kuya Antonio.
Napanguso ako sabay yuko. Nakakahiya! Kung sa bahay nila sa akin gagawin ito ay maayos lang. Kaya kong sikmurain ang insulto pero itong nakikinig ang mga kakilala ko mula sa eskwelahan ay gusto ko nalang lumubog sa kinatatayuan ko.
Kilala ako sa St. Mary's dahil sa pamilya ko, kilala rin nila na istrikto ang mga kuya kaya nga kahit ang lumapit ang mga lalaki sa akin ay hindi nangyayari. Mapapahiya lang din sila, at ang malala ay baka tambangan sila ng mga kuya.
"Hindi naman ako umiinom, kuya," dahilan ko. Sinamaan ko ng tingin si Lucas- sampung taon ang tanda niya sa akin at paniguradong natutuwa siya na napapagalitan ako. Sa lahat ng kuya ay siya lang ang kaya kong sagot-sagutin, kahit naman nakakainis ang pagiging pakialamero niya ay hindi niya ako sinusumbong kay Papa.
"Kesyo umiinom o hindi dapat hindi ka nagpunta! Tumakas ka pa. Gawain ba iyan ng marangal na babae?"
"Kuya hindi naman-
"Isang kang Alzate, umakto kang Alzate!"
"Kuya, tama na 'yan," awat ni Kuya Luther bago pa ako masampal ni Kuya Antonio sa harap ng maraming tao. "Lakad na Nana. Pumanhik na tayo. Ikaw rin Dorothy, idadaan ka na namin."
Padarag akong hinila ni Kuya Antonio palabas ng bahay. Kulang nalang itapon niya ako papasok ng sasakyan. Pagpasok ni Dorothy ay binagsak niyang isinara ang pinto sabay ikot papasok sa driver's seat.
"Mag-uusap tayo sa bahay, Nana," may banta sa mga bigkas niya.
Buong byahe akong nanginginig sa upuan ko. Nasa maynila si Kuya Antonio para ayusin ang kontrata sa ilang kliente na gustong bumili ng tuna sa amin, hindi ko inasahan na ganito siya kaagang uuwi. Kung ang ibang Kuya ay strikto rin naman pagdating sa akin, si Kuya Antonio ay higit pa roon. Kaya niya akong saktan at ipahiya.
"Nana, ayos ka lang ba? Gusto mo bang samahan kita?"
Inilingan ko lang si Dorothy. Nasa tapat na kami ng casa nila pero hindi pa rin siya bumababa. Ramdam ko ang konsensya niya na hindi naman na dapat- ako ang nag-aya sa kanya na pumunta sa birthday ni Cassidy dahil buong batch namin ay pupunta, alam kong mapapagalitan din siya sa kanila at kasalanan ko iyon.
"Bumaba ka na Dorothy," puno ng awtoridad na bigkas ni Kuya. "Baka gusto mong ibalibag pa kita palabas?"
Nanginig na binuksan ni Dorothy ang pinto sabay labas na. Malungkot niya akong nginitian habang sinasara ang pinto. Kumaway lang ako sa kanya.
Lalong bumigat ang hangin sa loob ng sasakyan nang kami nalang ni Kuya Antonio ang naiwan. Naiyak ako nang simulan niya akong murahin na parang walang dangal.
"Matigas ang ulo mo. Ilang taon ka lang tapos sumasama ka sa mga tao doon? Gusto mong maging malandi?"
"Hindi naman po ako nanlalandi, kuya. Pumunta lang-
"Tumigil ka, Ana Lucia!"
Tinakpan ko ang bibig ko nang palad para hindi na kumawala ang hikbi ko. Pakiramdam ko ay nakakulong ako sa casa sa ginagawa nila sa akin.
Naiintindihan ko, nag-iisang babaeng Alzate lang ako- wala na rin naman si Mama dahil namatay sa panganganak sa akin pero dapat ba nila akong ganitohin?
"Dapat bago ang takip silim nasa bahay ka na, hindi iyong alas otso na ng gabi nasa pamamahay ka pa ng iba. At talagang doon pa sa bahay ng mga Bustamante? Alam mo ba na puta ang nanay ng kaibigan mo na iyon?"
Nanay niya naman iyon. Bakit ako nadamay? Bakit damay si Cassidy? Wala namang masama sa kasiyahan sa bahay nila. Kwentohan lang naman at kainan, kung may nag-iinom ay iyong mga kapatid at pinsan lang naman ni Cassidy na nasa tamang edad na.
"Hindi namatay si Mama sa panganganak sa 'yo para lumaki kang pariwara, Ana Lucia."
Lalong nanikip ang dibdib ko, hindi kailangang derektang sabihin ni kuya pero alam ko na sinisisi niya ako sa pagkamatay ni Mama Athisa. Silang lahat kasama ni Papa ako ang sinisisi. Gusto nila akong ikulong sa casa para parusahan sa bagay na hindi ko naman hininging mangyari.
Mama Athisa got pregnant with me when she was already on her 50s- I am unplanned, a menopausal baby. Ang sabi ni Yaya Lottie ay sinabi ng doctor sa Mama na mas makakabuti na hindi na ituloy ang pagbubuntis sa akin pero hindi ito nakinig kaya namatay siya sa panganganak.
Isang malakas na sampal ang salubong sa akin ni Papa Lazaro. Nagpaalam ako sa kanya kahapon, naglalaro siya ng golf sa likod bahay kasama ang mga amigo niya- pinayagan niya ako at walang sinabing oras na dapat pag-uwi ko. Pero ngayon para akong tumakas at gumawa ng karumal-dumal na krimen.
"Deputa!"
Masakit na salita na palagi kong naririnig sa kanya. Matindi ang hinanakit niya sa akin, maagang nawala ang asawa niya dahil nabuhay pa ako. Kung siguro siya ang nagdesisyon, pinili na niyang mamatay na ako.
"Gustong-gusto mo talagang dumikit sa mga Bustamante?!" Isang malakas na sampal na naman ang ginawad niya sa mukha ko.
"Gusto mong maging puta kagaya ng pamilya nila?!"
Hindi kagaya naming mga Alzate ang mga Bustamante ay pangkaraniwang mga tao lang sa Gensan. Malaki ang bahay nina Cassidy dahil sa ang nanay nito ay nasa Japan, kahit noong nandito pa ito sa Gensan ay kilala na itong sumasabit sa mga politiko at mga kagaya ni Papa na may malawak na fish farm. Hindi magandang tignan na ang kagaya ko ay lumalapit sa kagaya ni Cassidy- iyon ang palaging naririnig ko mula kay Papa.
"Wala kang natutuhan sa mga taong iyon kundi walang kwenta, Nana!"
Napahikbi ako nang tamaan ng tungkod niya ang braso ko. Mahina siyang humakbang palapit lalo sa akin. Marahas niyang hinawakan ang pisngi ko, tila gusto akong pigain gamit ang isang kamay.
"Huwag kang maging salot sa akin, Nana."
Bumagsak ako sa lapag ng itulak niya ako. Sinikap ko na hindi umiyak kahit pa kulang nalang ay duraan niya ako. Napakababa ko kapag sila ang kaharap. Kahit sa mga kaibigan ni Papa ay hindi niya ako maayos na naipapakilala hindi kagaya ng mga kuya.
"Tapos naman na ang pasokan niyo ay sa Davao ka muna. Doon ka mananatili sa Fuerteventura. Uuwi ang anak ni Luis, landiin mo tutal ay iyan naman ang gusto mong mangyari."

BINABASA MO ANG
Valley of Devotion (Damsel Series #1)
RomanceA friendship that begins one summer- and a love story blooms after.