PROLOGUE

14 1 0
                                        

DISCLAIMER

This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imaginations or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.

Copyright ©2023 by Chencheniah

All rights reserved. No part of this book may be reproduced or used in any manner without written permission of the copyright owner except for the use of quotations in a book review.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

PROLOGUE

"Bell, can we talk?" tanong niya pero tiningnan ko lang siya ng blangko saka maglalakad na sana pero hinarangan niya ako. "Please? Just 10 minutes."

"Wala akong oras," malamig na sabi ko saka hahakbang na rin sana pero hinarangan na naman niya ako.

"Please?" pangungulit pa niya.

Inis akong bumuntong-hininga saka nag-angat ng tingin sa kanya. Ngayon ko lang ulit siya natitigan ng ganito kalapit. Pero wala na. Wala na akong nararamdaman pa. "Nagmamadali ako at wala akong inilaan na oras para sa iyo."

"Kahit sandali lang?"

I rolled my eyes saka tumingin sa malayo. "Ano bang kailangan mo?" walang ganang tanong ko saka nag-angat muli ng tingin sa kanya.

"May gusto lang akong sabihin sa iyo."

"Ano?" Itinaas ko pa ang kilay ko hudyat na hinihintay ko ang sagot niya. Nakita ko pa siyang bumuntong-hininga at parang ayaw niyang buksan ang kanyang bibig. "Tsk!" Nilagpasan ko siya at iniwan pero nakailang hakbang pa man ako ay hinawakan niya ang kaliwang pulso ko para pigilan.

"Ang dami kong gustong sabihin sa iyo, Bell," aniya habang nakahawak pa rin sa pulso ko.

"Mas importante ang pupuntahan ko kaysa sa iyo."

Nagtatapang-tapangan ba ako? Wala na ba talaga? Sigurado na ba talaga akong wala na? Wala na ba kahit kaunti?

Bloom After The DarkWhere stories live. Discover now