Pagkarating ko rito sa ospital ay diretso kong tinahak ang daan papuntang ICU. Ngunit awtomatikong napatigil ako nang marinig ko ang boses ni madam Kriss na may kausap sa phone.
"Don't worry, hija. I know Miguel will like you to be his wife... Yes! I know my son very well... For your engagement party? You don't have to worry, ako na bahala sa lahat."
Hindi ko sinasadyang marinig ang lahat ngunit may kung ano sa akin na gustong makinig pa. Siguro ang kausap ni madam Kriss ay iyong babaeng mapapangasawa ni Miguel at nasasaktan ako.
"Tatawagan ko si Miguel na makipagkita siya sa iyo ngayon to discuss your wedding... Yes, hija... No, no, wala kang dapat ipag-alala sa girlfriend niya dahil wala rin naman siyang magagawa kundi ang bitiwan na lang ang anak ko... Of course, hija... Nasa kanyang condo unit si Miguel ngayon and I think it's better kung pupuntahan mo siya ngayon."
Hindi ko na kaya pang makinig sa pinag-uusapan nila ni madam Kriss at sa magiging fiancée ni Miguel. Hangga't maaari ay pipigilan ko itong emosyong nananalaytay sa buong katawan ko lalo na't nandito sila kuya at si AJ.
Huminga pa ako ng malalim para maibsan kahit kaunti ang bigat sa loob. "K-Kanina pa ba kayo rito, kuya?" Tinatraydor ako ng sarili kong boses. Pumipiyok ito at halatang nanginginig.
"Mga tatlong oras na rin kaming nandito," sagot niya at kita ko pa ang pagkunot ng kanyang noo habang nakatingin sa akin. Pati si AJ ay parang inu-obserbahan rin ang mukha ko. "Ba't ganyan iyang mata mo?"
"Kulang ako sa t-tulog." Para makaiwas ako sa titig niya ay lumapit na lang ako rito sa bintana kung saan matatanaw ko si tito George sa loob.
"Bell, nakausap mo ba si Lely? Kanina pa siya hindi sumasagot sa text at tawag ko."
Lumingon naman ako kay kuya. "Busy raw sabi ng driver niya," sagot ko at nakita ko naman siyang bumuntong-hininga.
"Puntahan mo na lang kaya sa office niya, bro?" suhestiyon naman ni AJ.
"Baka busy nga talaga. Ayokong isturbuhin iyon."
Hindi na lang ako dumugtong pa sa sinasabi ni kuya kaya nangingibabaw ang katahimikan sa buong lugar. Tanging tunog ng machine na lang ang naririnig namin. Nang lumipas ang ilang minuto ay naisipan kong aalis na lang dito. Gusto ko nang linawin ang lahat.
"AJ, pwede mo ba akong samahan?" tanong ko kay AJ na kasalukuyang busy'ng-busy kakapindut sa phone sa niya.
"Saan?" aniya ngunit nasa phone pa rin ang paningin.
"Basta malalaman mo rin mamaya." Nakita ko naman ang pagtataka sa uri ng pagtingin sa akin ni kuya at pati na rin si AJ. "Saglit lang naman."
"Ako na lang maghahatid sa iyo. Hihiramin ko na lang iyong kotse ni AJ," pagpresenta pa ni kuya ngunit umiling ako bilang sagot.
"Ngayon na ba?" wika ni AJ saka tumayo at inilagay sa bulsa niya ang phone.
"Tika sa'n ba talaga kayo pupunta?" kunot-noong pagpigil sa amin ni kuya.
"Aba ewan ko rito sa kapatid mo."
"M-Malapit lang. May pupuntahan lang ako saglit kuya," sagot ko ngunit halatang hindi kumbinsido si kuya. "Sige aalis na kami."
Tanging tango na lang din ang isinagot sa akin ni kuya dahil tila wala na siyang magagawa pa para pigilan ako. Hindi na rin kami dumaan pa sa hallway kung saan si madam Kriss. Sa halip ay rito kami sa kabila dumaan. Habang nasa byahe kami ay pansin ko ang panay lingon sa akin ni AJ.
YOU ARE READING
Bloom After The Dark
RandomCOMPLETED Ysabella Hazel Castro. A.K.A The Love Explorer. Nabigo, umasa, umibig muli. Hoping for an endless love. She's a woman who always choose to be strong. Madaming beses siyang nadapa, binigo, pero still wants to stand again and fight the battl...
