CHAPTER 25

1 0 0
                                    

Naghihintay ako ng client na pupunta rito at magmi-message sa 'kin pero sadly wala akong natanggap. Buong araw ay walang nagpaparamdam. Mas nakalulungkot nga kasi iyong ibang branches ay isasara na rin. Kung mamalasin nga naman. Hindi talaga magsasabi ang malas kung kailan siya darating. Ayan tuloy, mabibigla ka na lang. Hindi talaga makapag-prepared para man lang makailag sa malas. Tsk!

"Where's mom and dad?"

Napalingon ako sa pintuan at si kuya pala ang dumating. "Nando'n sa kabilang branch. Pinapasara na nila," sabi ko saka bumuntong-hininga.

"May pera pa 'ko sa bank account ko. Pwede nating gamitin iyon para hindi 'to masara." Inilibot pa niya ang kanyang paningin sa buong silid. "Okay lang na maisara iyong mga branches basta ito hindi. Ang daming memories natin dito eh," aniya at hindi pa nakontento dahil tumayo talaga siya saka hinawakan ang mga mesa, salamin at iba pang gamit. "Ibibinta ko na lang din iyong condo unit ko. Willing naman bumili si AJ."

"No, kuya," pagpigil ko sa kanya at taka naman siyang lumingon sa akin. "Kuya, pinaghirapan mo iyon. Hindi ako papayag na ibinta mo iyon, okay? Hahanap tayo ng ibang paraan basta 'wag lang iyon."

Sabay naman kaming napalingon sa pintuan nang dumating sila mommy't daddy. Kitang-kita ko sa mga mukha nila ang nananalaytay na lungkot.

"Jensie, nandito ka pala?" ani mommy at lumapit naman si kuya sa kanila para bumeso.

"I think kailangan nating mag-usap, mom, dad. Gagawan natin ng paraan 'to," wika ni kuya.

Umupo pa muna si mommy at si daddy sa couch. Bali kaming apat na lang kasi ang taong nandito kasi nga pinahinto na namin iyong mga workers. Wala na kaming pangsweldo at wala na rin namang trabaho.

"May inaalok si Miguel sa akin na trabaho bilang isang secretary niya--"

"May secretary naman na si Miguel," pagputol sa akin ni kuya.

"O-Oo pero sabi niya minsan daw kasi sa unit siya magtatrabaho ng mga paperworks. Kailangan niya raw ng tulong," sabi ko at parang nagdududa naman silang tumingin sa akin. "Since kailangan ko na talagang makahanap ng trabaho ay tatanggapin ko na lang siguro iyon. May sahod naman iyon panigurado."

"Anak, baka iba na iyan? Siguraduhin mo lang na trabaho talaga iyan? Baka katawan mo ang kailangan niya kapalit ang pera?" seryosong sabi ni mommy at napaangat naman ang dalawang kilay ko na napatingin sa kanya.

"Bell, alalahanin mo iyong mga sinabi ko. Kahit may tiwala na ako sa boyfriend mo ay hindi ibig sabihin na hindi pa iyon masisira. Sigiraduhin mo lang talaga," dagdag naman ni daddy at wala na akong ibang nagawa kundi ang magkamot-noo na lang.

"Kung talagang seryoso iyong inalok ni Miguel. Sige susuportahan kita. May tiwala naman ako sa batang iyon," bawi naman ni mommy kaya napangiti ako.

Matapos naming mag-usap nila mommy ay talagang nagdesisyon akong tanngapin ang alok ni Miguel. Wala na akong ibang iniisip pa kung hindi ang kapakanan ng boutique namin.

MAAGA akong pumunta rito sa unit ni Miguel at ilang oras ang lumipas ay halos naliligo na ako sa pawis. Naka-aircon naman pero nakapapagod rin pa lang maglinis. Pati laundry niya ay ginagawa ko na rin. Alam kong hindi ito kasali sa sinasabi niya pero ayoko rin namang tumunganga rito at maghintay na bibigyan ng sahod. Kahit pa boyfriend ko siya ay ayokong tumanggap ng malaking halaga ng pera galing sa kanya nang hindi ko pinaghihirapan at pinagtatrabahuan.

Maya-maya lang ay biglang tumunog ang phone ko na nasa couch. Nagpunas muna ako ng kamay saka pa lang ito pinuntahan at nalaman ko namang si Lely ang tumawag. "Lely?" sagot ko sa linya.

Bloom After The DarkWhere stories live. Discover now