CHAPTER 15

1 0 0
                                    

Umagang-umaga sinalubong kaagad ako ng stress. Paano ba naman nag-brown out tapos laptop at cellphone ay puro shutdown. Nag-aalala ako na baka may client akong tatawag o mag-text.

"Pumunta ka na lang do'n kay kuya mo," maya-mayang sabi ni daddy. Doon na lang siguro ko mag-charge dahil for sure may kuryente ro'n.

"Dad, pwede mo ba akong ihatid do'n?" nagbabakasakaling tanong ko at gladly tumango naman siya. "Thank you, dad. Tika lang po, kukunin ko lang iyong gamit ko."

"Sige," aniya at nagpatuloy sa pagbabasa ng diyaryo.

Kaagad akong pumanhik rito sa kwarto ko at kinuha ang phone at saka laptop. "Tara na po?" anyaya ko kay daddy at kaagad naman siyang tumayo.

Mabuti na lang at nandito si daddy. Makatitipid ako ngayon kasi hindi ko magastos ang pera ko pang pamasahi. It's Saturday kasi at day off ni daddy ngayon sa opisina. Si mommy naman ay nandoon sa botique nag-aasikaso.

"Nanliligaw ba iyong Aljun sa iyo?" biglang tanong sa akin ni daddy sa kalagitnaan ng pagbyahe.

"O-Opo," mautal na sagot ko. "K-Kahapon pa po niya sinabi sa 'kin." Aaminin ko, kinakabahan ako sa tanong ni daddy. Minsan na kasi niya akong pinagalitan noong naghiwalay kami ni Jayken at nalaman niya ang dahilan.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong niya sa akin ngunit hindi ako sumagot dahil hindi ko rin alam ang isasagot. "Baka mahulog iyang loob mo sa kanya kaagad kahit hindi mo pa siya gaanong nakilala? Don't be rush, Ysabella. If he's genuine to you, he will wait you and tell everything about him. Including his background," dagdag pa ni daddy at tumango na lang din ako. "Even he's your kuya's friend, I can't give him the 100% trust. Maybe your kuya knows him too well but as your father, I want to secure everything before I let you to go on a date with him."

"Opo," sabi ko na lang.

"Ayoko lang mangyari sa iyo ulit iyong ginawa ni Jayken sa iyo." Sinulyapan pa ako ni daddy.

Hanggang sa makarating kami nitong tapat ng condominium ay wala pa ring tigil si daddy sa pagpapaalala sa akin. He's always saying na I have to make things clear bago ako pumasok ulit sa isang relasyon. I find it right naman kasi hindi iyon biro ang pinagdaanan ko kay Jayken.

Pumayag akong magpaligaw kay Aljun kasi may nakikita akong potensyal sa kanya. Though, I admit na may nararamdaman pa rin ako kay Jayken pero alam kong nasa ibang level na. Hindi na tulad ng dati. Ayoko ring isipin na gagawin kong panakip-butas ang kung sino man ang manliligaw sa akin kasi hindi naman iyon ganoon. Pumayag ako kasi ramdam ko naman na karapat-dapat silang payagan.

Sa pag-iisip ko ay ngayon ko lang napagtanto na tinatahak ko na pala ang daan papunta sa unit ni kuya. Eksaktong pagliko ko ay nakita ko si kuya na papaalis kaya hinintay ko na lang na makalapit dito.

"Sa'n lakad mo kuya?" kaagad na tanong ko. "Bakit ganyan ka naman ka porma? Parang may date yata 'to eh!"

"Tsk!" Sabay umiling pa siya. "Ano nga pala ginagawa mo rito?"

"Brownout sa 'tin kaya nakapagpasiya ako na pupunta rito para maki-charge." Pinakita ko pa sa kanya ang dala kong laptop at phone. "May naiwan bang tao ro'n sa unit mo?"

Umiling naman siya. "Wala kasi kasama ko sila AJ at Aljun. Tapos si Miguel naman, umuwi pa sa kanila."

Tsk! Seryoso ba talaga si Aljun kahapon? Bakit parang walang nangyaring ligawan?

Tumango na lang din ako. "Buti naman walang isturbo."

"Ayaw mo ba sumama sa amin? Nando'n naman si Aljun," aniya at kita ko sa mga mata niya ang panunukso.

Bloom After The DarkWhere stories live. Discover now