Sa pagkakaalala ko ay nag-set ako ng alarm para magising ako sa tamang oras. Ngunit pakiramdam ko ay parang ang taas-taas na ng araw pero hindi pa rin ito tumunog. Syempre ngayon nagtataka na ako gayunpaman parang gusto ko pa rin namang matulog.
"Good morning, sweetie."
Tila pumigil ang paghinga ko at parang naging bato ang aking buong katawan. Marahan kong iminulat ang mga mata ko at diretsong sa dibdib dumapo ang aking piningin. Sobrang nanlaki ang mga mata habang dahan-dahang nag-angat sa kanyang mukha. Nginitian pa niya ako pero tanging pagkurap-kurap lang ang aking naigante. Hanggang sa napagtanto ko na nakayakap pala ako sa kanya kaya kaagad kong inialis ang kamay ko mula sa kanya at bahagyang lumayo.
"Miguel, anong ginagawa mo rito?" pabulong na tanong ko sa kanya.
Ngumiti na naman siya saka lumapit sa akin at yumakap. "You forgot? 'Di ba sinabi ko sa iyong sasama akong imi-meet ang client mo this day?"
"Syempre hindi ko iyon nakakalimutan pero bakit ka nga pumasok dito sa kwarto ko?" nai-stress na sabi ko.
Kumunot naman ang kanyang noo at tinukod ang siko sa kama habang ang kanyang sintido naman ay nakapatong sa kanyang kamao. "Bakit? Hindi ba pwede?"
"Hindi kasi nahihiya ako. Ang pangit-pangit ko. Nakakainis ka naman." Babangon na sana ako kaso hinila niya ako kaya napabalik ako ng higa at sa mismong braso na niya ako nakaunan. "Miguel, ano ba? Huwag mo nga akong titigan baka may muta pa 'ko o 'di kaya'y may panis na laway sa mukha ko."
Tumawa naman siya nang mahina. "You're always beautiful, babe. Don't worry," aniya ma sinabayan pa niya ng kindat.
"Huwag mo nga 'kong bolahin. Ang aga-aga pa," sabi ko saka bumangon at diretsong kinuha ang towel. "Maliligo na 'ko. Anong oras na ba?"
"It's 9:29 am na," sagot niya at bumangon na rin. "Hindi pa 'ko naliligo," aniya dahilan para mapataas ang kilay ko. "Can I join?" parang may halong panunuksong sabi niya.
"Hindi pwede, Miguel. Mag-behave ka nga riyan," birong saway ko sa kanya at natawa naman siya. "Hindi mo na kailangang maligo dahil mabango ka na. Okay? So, go, upo ka na ro'n."
Natatawang umiiling naman ako saka iniwan siya ro'n sa gilid ng kama. Sinilip ko pa siya bago ko isinara itong pinto ng banyo. Sa totoo lang, hindi ko naramdaman ang ganitong feeling noong si Jayken pa ang boyfriend ko. Miguel is really different. He's like an icing that makes my life became sweeter. He's like a shield that make me feel safer.
After a couple of time, tapos na rin ako sa lahat. Ready na rin lahat ng gamit na kailangan kong dalhin. Ibinilin ko na rin kay yaya itong bahay at saka kami umalis ni Miguel. May 25 minutes pa akong natitira at sana naman walang traffic para hindi ako mali-late. Nakakahiya sa client ko kung ako pa ang mahuhuli ng dating.
"Gusto mo bang pumuntang L.A?" biglang tanong niya sa akin na siyang dahilan para manlaki ang aking mga matang tumingin sa kanya.
"L.A? Tinatanong mo 'ko kung gusto ko bang pumunta ro'n?" taas-kilay na tanong ko.
"Oo. Alam ko kasing super fan ka ng BTS and I saw on the internet na may concert sila sa L.A this coming next year yata."
Namilog ang bibig ko at the same time nasusurprisa sa kanyang sinabi. Talagang inalam nga niya kahit maliit na information tungkol sa akin. "Sobrang gustong-gusto ko. Kaso hindi pa sapat iyong ipon ko," sabi ko.
"Buksan mo iyang glove compartment," aniya at napakurap-kurap naman akong tumingin sa kanya saka pa lang bumaling doon sa glove compartment. "Sige na," nakangiting aniya.
YOU ARE READING
Bloom After The Dark
RandomCOMPLETED Ysabella Hazel Castro. A.K.A The Love Explorer. Nabigo, umasa, umibig muli. Hoping for an endless love. She's a woman who always choose to be strong. Madaming beses siyang nadapa, binigo, pero still wants to stand again and fight the battl...
