CHAPTER 10

3 0 0
                                        

Lakad lang ako nang lakad at walang ni-isa sa amin ang umimik. Sunod lang din siya nang sunod sa akin. Iyong tipong parang buntot ko lang siya. Kung saan ako ay doon na rin siya. Ilang kalsada na ang tinawid ko pero patuloy pa rin siyang nakasunod sa akin. Hanggang sa makarating kami sa tapat nitong pet shop. Magpapatuloy na sana ako nang makita ko si Jayken kasama si Amanda.

Aaminin ko na parang may kaunting kirot pa rin akong nararamdaman ngayon habang nakatingin sa kanila na magkayakap. Karga ni Jayken ang kanilang puting pomeranian dog. Kung titingnan ay parang isang pamilya silang nagyayakapan.

"Hindi ba siya yung umaway sa iyo kanina?" tukoy niya kay Amanda. Tumango naman ako habang nakatingin pa rin sa dalawa. "Iyan ba iyong boyfriend niya?" tanong na naman niya at tumango na lang din ako sa pangalawang pagkakataon. "Iyan ba ang pinag-aagawan ninyo? Hindi naman iyan gwapo," dugtong niya para mapalingon ako sa kanya.

"Tumahimik ka nga," saway ko sa kanya.

Maglalakad na sana ako pabalik dahil ayokong makita nila ako pero nakadalawang hakbang pa man ay narinig kong tinawag ako ni Amanda.

"Ysabella!" tawag niya sa akin sa pangalawang pagkakataon.

Inis naman akong napabuntong-hininga saka pa lang humarap sa kanila with matching ngiti pa pero plastic lang. Yes?

Namemeke pa siya ng tawa. "Ipakilala mo naman sa amin iyang boyfriend mo."

"Ah—" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang biglang lumapit sa kanila si Miguel. Nananadya talaga ang p*ta!

"I'm Miguel Ivan De Leon." Nakipagkamay pa siya sa kanila. "Actually--"

Kaagad kong hinawakan ang kamay ni Miguel dahilan para mapahinto siya sa pagsasalita. "H-Hindi siya mahilig sa aso. May alergy siya sa aso. Hinila ko pa siya papalapit sa akin. We have to go."

"Bell," tawag sa akin ni Jayken para mapahinto ko.

Iyong paraan ng pagtawag niya sa pangalan ko ay nagbibigay sa akin ng ibang epekto. Bigla-bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko at kasabay iyon ay ang pamumuo ng aking mga luha. Palihim akong humugot ng hininga saka ngumiti ng pilit na lumingon sa kanya.

"Yes?"

"M-Mag-ingat kayo," wika niya.

Klinaro ko pa ang lalamunan ko saka muling tumingin sa kanya. "Salamat."

Pagkatapos ay diretso akong tumalikod sa kanila at tinahak ang daan palayo. Nang makaliko na kami at ramdam kong hindi na nila kami makikita ay saka pa lang ako huminto. Palihim kong pinunasan ang mga luha ko at ngayon ko lang napagtanto na magkahawak pa rin pala ang mga kamay namin ni Miguel.

"I'm sorry," mahinang sabi ko saka siya binitiwan.

"It's okay. You can still hold it for you to make better," sabi niya na siyang dahilan para mapaangat ako ng tingin sa kanya.

"Sira," natatawang sabi ko.

"Tara snack tayo." Bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko at marahang hinila.

Patakbo niya akong hinila kaya napatakbo na lang din ako. Habol ko ang aking hininga nang makarating kami sa tapat nitong shop. Napahawak pa nga ako sa tuhod ko dahil sa hingal.

"Pinatakbo mo pa talaga ako no?" reklamo ko at natawa naman siya. 'Ano bang gagawin natin diyan? Busog pa ko."

"Magkakape lang naman.'

'Libre mo ba?"

Nakangiting tumango naman siya kaya sumunod ako sa kanyang pumasok at siya na rin ang um-order. Habang nakaupo ako ay hindi pa rin mawawala sa isip ko ang mukha ni Jayken kanina. Aaminin ko, nami-miss ko siya. Aaminin ko na nasasaktan pa rin ako.

"Bell?" sambit niya habang nakasilip sa mukha ko. "Kanina pa ako nagsasalita rito pero hindi ka naman nakikinig."

Napakurap-kurap naman ako. "S-Sorry. Ano ba iyon?"

"Tinatanong kita kung sino ba iyong lalaki? Bat selos na selos iyong babae sa iyo?" seryosong tanong niya sa akin. "Ex mo ba siya?"

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Ayoko kasing ipakita sa kanya ang emosyong gusto na namang kumawala sa mga mata ko. "Oo," mahinang sagot ko habang hinahalo ang kape.

Natahimik naman siya saglit. "Mahal mo pa ba siya?" tanong na naman niya and I slightly nooded. "So bakit ganoon? Ano bang nangyari sa inyo?"

Humugot pa ako ng isang napakalalim na hininga. "We broke up. Niloko niya ako. Pinaniwala niyang ako lang pero habang kami pa ay palihim din pala siyang nakikipagkita sa ex niya at iyon ay si Amanda." Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita kong nakikinig lang siya sa akin. Iyong tipong interesado siya sa ikukwento ko.

"Mahal mo pa siya."

Ramdam ko na parang kinuyumos ang puso ko at nagsisimula na namang namuo ang aking mga luha. "H-Hindi naman mawawala kaagad iyon."

"Bakit hindi mo siya tanungin? The way he looked at you kasi kanina ay parang may feelings pa rin siya sa iyo."

Ngumiti na lang ako ng pilit. Iyong ngiti na may halong sakit. "Para saan pa? Ano naman ang itatanong ko sa kanya? Na mahal pa ba niya ako? Tsk!" Umiiling-iling pa ako at hindi na rin ako makaangat ng tingin sa kanya dahil alam kong kaunti na lang ay papatak na ang aking mga luha. "P-Paano kung sasagutin niya ako ng hindi na? Ang sakit di ba?" Palihim ko pang pinunasan ang hindi nakapagpigil na luha ko. "K-Kung mahal pa kasi niya ako, hindi sana siya maghahanap ng iba." Ngumiti na lang ako habang hinalo-halo ang kape.

Hinihintay kong magsalita siya ngunit parang wala siyang balak. Ramdam ko rin na nakatitig lang siya sa akin pero hindi pa rin ako makaangat ng tingin sa kanya. Nahihiya kasi akong makita niyang umiiyak ako. Hanggang sa narinig ko siyang bumuntong-hininga at maya-maya lang ay inabutan niya ako ng panyo.

Napatingin ako sa kanya at seninyasan pa niya akong kunin ito. "A-Anong gagawin ko sa panyo mo? Hindi naman ako umiiyak," pagsisinungaling ko.

"Liar," natatawang sabi niya. "Sige na. Kunin mo na."

Kinuha ko naman ito at natatawa na lang din. "Thank you."

"Feel better?" aniya at napakunot-noo naman akong tumingin sa kanya. "Nababawasan kasi ang mga hinanakit diyan sa dibdib kapag isi-share mo ito sa iba."

"Hindi naman masiyado," sabi ko sabay ngiwi.

"Sinungaling talaga tong babaeng to."

"Oo na! Parang gumagaan na talaga ang pakiramdam ko. Pero! Pero hindi pa rin ako magti-thank you sa iyo kasi hindi pa tayo bati."

Tinawanan na naman niya ako. "Nag-sorry na nga ako. Pero sige sabi mo eh."

Ininom ko pa ang kape ko. "Anyway, salamat dito sa kape."

"No problem," nakangiting sabi niya.

"Kailangan ko nang umuwi. Mauna na ako sa iyo," sabi ko saka tumayo at maglalakad na sana palabas nang bigla niya akong hinarangan. "Bakit?"

"Ihahatid na kita," alok niya.

Umiling pa muna ko. "Hindi na. Kaya ko naman umuwi mag-isa. Salamat na lang, nakangiting tanggi ko. See you tomorrow."

"Tomorrow? Mukhang hindi ako makapupunta roon. May aasikasuhin ako."

"O-Okay. See you when I see you na lang, sabi ko at tumango naman siya. Pero hindi pa tayo okay, ah? Galit pa rin ako sa pangti-trip mo sa akin."

Umiiling-iling pa siya habang tumatawa. "Okay, take care."

Kita ko sa gilid ng aking mga mata na sumusunod siya sa akin. Hanggang sa paglalakad ko papunta sa kabilang kalsada ay patuloy niya pa rin akong sinusundan. Eksakto namang pagkatawid ko ay may taxi kaya agad ko itong pinara at saka sumakay.

Pagkalingon ko sa bintana nitong taxi ay nakita ko pa si Miguel na nakatingin dito. Parang sinisiguro pa niya talaga na makakasakay ako. Nang medyo distansya na ay muli ko siyang liningon ngunit nakita ko na lang siya na naglalakad na rin palayo kaya umayos na lang din ako ng upo.

Bloom After The DarkWhere stories live. Discover now