CHAPTER 37

1 0 0
                                        

Umuwi nga kami ni Aljun at talagang hindi nila inaasahan. Ang dami ng nagbago sa pamilya ko. Si daddy, simula raw noong tinanggal siya sa trabaho ay araw-araw na lang umaalis ng bahay para maghanap ng panibagong trabaho. Si mommy naman ay tinutulungan nila Camille na makahanap ng client o customer para sa boutique. Si kuya naman ay hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero ayon kay AJ ay naghahanap din daw ng trabaho. Gusto ko sanang tumulong at maghanap rin ng trabaho ngunit ayaw nila akong palalabasin ng bahay.

Siguro nakatulog na ako ng ilang oras pero hindi ko alam kung anong eksaktong oras na ngayon. Nagising ako dahil naramdaman kong may parang mabigat na bagay na nakapatong sa tiyan ko. Ngunit awtomatikong napatigil at nanlaki ang mga mata ko nang mahawakan ko ito. Pigil-hininga habang maingat kong inabot ang phone ko at in-on ang flashlight. Nang maituon ko na ang ilaw sa bandang tiyan ko ay para na akong naninigas. Hindi ko alam kung panaginip ba to o hindi. Kinurot ko pa ang pisngi ko at ramdam na ramdam ko ang sakit pero talagang hindi yata ako nananaginip.

Ano bang ginagawa niya? Bakit siya nandito?!

Nakita ko pa ang paggalaw ng ulo niya sa gilid ng tiyan ko at ngayon ko lang din nalamang nakayakap pala siya sa akin. Nang mag-angat na siya ng tingin sa akin ay saka pa lang nagkatagpo ang aming paningin.

"Babe," usal niya at tila namamaos pa ang kanyang boses.

Nabalik ako sa ulirat at diretso kong hinawi ang ulo niya. Kaagad akong umalis sa kama at binuksan ang ilaw. Confirm nga at siya nga talaga. "Miguel? A-Anong ginagawa mo rito?" Pinipigilan ko pa ang boses ko para hindi ako marinig sa kabilang kwarto. "B-Bakit ka nandito?"

Bumangon naman siya sa kama at nakita ko pa siyang bumuntong-hininga saka pa lang lumapit sa akin. "I'm sorry," aniya nang makalapit na siya. Nasa dalawang hakbang na lang ang distansya namin sa isat-isa. "Bell, alam kong sobrang pagkakamali ang nagawa ko sa iyo pero please, pag-usapan naman natin 'to. A-Alam kong maayos pa natin 'to, Bell. Please? Babe, ayokong lumaki ang anak natin na hindi kompletong pamilya."

"Sinong may sabi sa iyong may anak ka sa 'kin? Kahit kailan ay hindi ko babanggitin ang pangalan mo sa anak ko," mariing sabi ko at saka pinahiran ang mga luhang akala ko ay nauubos na.

"Bell, please nagmamakaawa ako! Hayaan mo namang itama ko ang lahat. Mahal kita. Mahal na mahal kita!"

"Ikakasal ka na, Miguel. Magkakaroon ka na ng sarili mong pamilya. Huwag mo na akong guluhin pa please?

Hindi ko inaasahan ang biglang paglapit at pagyakap niya sa akin. Ito iyong yakap na kailangan ko noong mga araw na nasasaktan at nahihirapan ako. Itong yakap na ito sana ang magpupuno ng lakas ko para lumaban pero wala. Wala siya noong mga araw na iyon dahil mas pinili niya ang kaibigan ko at ang pamilya niya.

"I'm sorry! Babe, please I'm begging you!" Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin habang isinubsob ang kanyang mukha sa leeg ko. Hindi ako gumalaw at mas lalong hindi ako yumakap pabalik sa kanya. "Please, babe, I want you and I really need you. Please!"

"Pero hindi na kita kailangan," diretsong sagot ko at ramdam kong natitigilan siya. "Hindi ko kailangan ang isang tulad mo. Maski pamilya ko ay dinadamay na ninyo. Wala kayong awa."

Siya na rin mismo ang kumalas sa yakap niya at saka humarap sa akin. Hindi ako nag-angat ng tingin sa kanya ngunit alam kong umiiyak siya. "I tried to stop tita Kriss—"

"Iyan naman parati ang dahilan mo eh. Palagi mo na lang sinasabing 'you tried', na 'sinubukan ko naman' pero ano pa ring nangyayari? Sa huli wala ka namang nagawa and you always ended up saying sorry. Nakasasawa. Hindi ako Diyos na palagi na lang magpapatawad kahit subra-sobra na ang kasalanan mo."

"Pero itatama ko na naman to, Bell. Please trust me?" Akma na naman sana niya akong yakapin pero umatras ako dahilan para mapatigil siya.

"I trusted you and you know that. Pero anong ginawa mo? Sinira mo lang iyong tiwala ko." Huminga pa ako ng napakalalim para maibsan ang paninikip ng aking dibdib saka pa lang nag-angat muli ng tingin sa kanya. "Tadhana na ang bahala kung makikilala mo ang anak ko pero sana hindi iyon mangyayari." Nakita ko pang umiiling-iling siya at pagpatak ng ilang butil ng luha. "M-Mahal kita, Miguel. Mahal na mahal kita!" Hindi ko na talaga mapipigilan ang mga luha ko dahil sa sobrang sakit. "Pero iyong pagmamahal ko para sa iyo ay ibibigay ko na lang sa anak ko. Bubuhayin ko siyang mag-isa. Aalagaan at mamahalin. Ipaparamdam ko sa kanya ang masayang pamilya kahit wala siyang ama."

"No, please! Give me another chance?" Lumuhod pa siya sa harapan ko at niyakap ako habang isinubsob na naman ang kanyang mukha sa tiyan ko.

Impit na iyak ang tanging nagawa ko. Hinayaan ko lang siyang humahagulhol habang nakayakap sa akin. Pero ayoko na. Sawa na ako. Na ako lang lagi ang magpapakumbaba at magpakamarupok. Durog na durog na ko. Hindi ko na kaya pang masaktan pa ulit.

"No more chances, Miguel. Pinili mong maging ganito ang sitwasyon natin. Pinili mong iwan kami." Tumingala pa muna ako dahil tila hindi ako makahinga sa paninikip ng aking dibdib. "Kung mahal mo 'ko o di kayay itong batang nasa sinapupunan ko. Please pakawalan mo na kami. Iyon ang huli kong pakiusap sa iyo."

Mas hinigpitan pa niya lalo ang pagyakan sa akin at umiling-iling. Maski ako nahihirapan na rin sa sitwasyong ito. Mas nasasaktan ako lalo.

"Bell, babe, I love you! I love you so much! Mahal mo pa rin naman ako 'di ba? Pwede naman tayong magsimula ulit kasama ang anak natin. Please?"

Hinawakan ko ang magkabilang braso niya at iginaya siya patayo. "Alam kong mahal mo 'ko at mahal din naman kita. Sobrang mahal kita kaya nga ako nasasaktan din nang subra-sobra. We love each other but that doesn't mean that we'll end up together and live happily ever after."

Habang binibigkas ko ang mga salitang iyon ay parang tinusok-tusok ang puso ko at pinupunit ng todo. Parang tinatanong ko na rin ang sarili ko kung kaya ko na bang bitiwan ang lalaking ito. Kung talaga bang hindi ko na siya kailangan.

Mahal ko siya pero parang kailangan ko nang pigilan. Sobra-sobra na eh. Ang sakit-sakit na.

Bloom After The DarkWhere stories live. Discover now