Kaninang umaga ay sumama si Ash kay Aljun kaya ako na lang mag-isa rito. Susunod naman ako roon mamaya kapag natapos na ako rito sa pagluluto. Dadalhin ko ito ngayon doon sa bahay ni Aljun para ro'n na lang kami mag-lunch. Ilang minuto rin bago maluto itong Kare-kare at Filipino-style Chicken Adobo ko. Paborito nilang dalawa 'to.
Nang makarating na ako rito sa gate ng bahay niya ay kaagad naman din akong pinagbuksan ni manong guard. Pagkaparada ko ng kotse ay kumunot ang noo ko nang mapansin ang kotseng pinagmamay-ari ni Miguel. Bakit na naman siya nandito?
Didiretso na sana ako papasok sa main door nang makita ko si Miguel na naglalakad papunta sa likod ng bahay. Na-curious na naman ako at kunot-noong sinusundan siya ng palihim.
"Hey, little boy!" rinig kong tawag niya sa anak ko at doon lang nagsimula ang aking kaba. Nilapitan niya si Ash na ngayon ay naglalaro sa gilid ng pool. Hindi ko makita kung anong reaksyon ni Miguel pero iyong anak ko ay inosenteng-inosente lang siyang nakaangat ng tingin. Umupo pa siya sa harap ni Ash. "Alone?"
"I'm waiting for my dad. We'll gonna play basketball."
"Is he your biological father?" kunwaring tanong pa ni Miguel. Tsk!
May plano ba siya? Ano bang plano niya?
"No. My mommy said that my real dad were having his own family. He left my mom when she's pregnant. He left us and chose other girl to marry and not my mom."
Napayuko na lang ako at nakaramdam ng awa sa anak ko. Minsan na rin kasing umiiyak si Ash dahil sa tunay niyang ama. Ang batang-bata pa niya pero nasasaktan daw siya sa tuwing maiisip niyang iniwan kami ng ama niya.
"D-Do you know him?"
"My mom won't show me his picture. I don't know his name, either."
"I see." Tumango-tungo pa si Miguel.
"But I want to find him," biglang sabi ni Ash na siyang ikinakunot ng noo ko. Kailan man hindi iyon sinabi sa akin ni Ash na gusto niyang hanapin ang tunay na ama niya.
"What if one day you will meet him? What will you do?" tanong sa kanya ni Miguel at nakita ko namang nag-angat ng tingin sa kanya si Ash.
"I will ask him that why he hurt my mommy? Why did he left mommy? Why did he chose that other girl than us? Why he didn't care for me? Why he didn't find me?"
"No-"
"Ash?" tawag ko kaagad sa kanya bago pa makapagsalita si Miguel.
Kaagad namang tumayo si Miguel at humarap sa akin. Kagaya noong pagkikita namin sa basement ay tanging blangkong tingin lang ang ibinigay ko sa kanya. Ayokong mabasa niya ang emosyong nararamdaman ko ngayon. Hindi na ako showy kagaya noon.
"Mommy!" kaagad na salubong sa akin ni Ash.
Kaagad kong iginaya si Ash papasok ng bahay. Mahirap na baka roon pa magkabukingan ang lahat. Ayoko pang magkakilala sila dahil hindi ko pa alam kung anong pinaplano niya. Natatakot akong kunin niya sa akin ang anak ko. Pero magkakamatayan pa muna kami kung sakaling may binabalak siya. Ayoko ring ilapit sa kanya ang anak ko dahil sa stepmom niya at kay Lely.
"Bakit nandito iyang lalaking iyan?" diretsong tanong ko kay Aljun. "Hinayaan mo lang na magkausap sila ng anak ko?"
Nakita ko namang kumunot ang noo ni Aljun. "Pinauwi ko na iyon. Hindi ko alam na pinuntahan pala niya si Ash."
"Kausapin mo iyon kung gusto mo pang makita kami ni Ash na pumupunta rito sa bahay mo," seryosong sabi ko saka iginaya si Ash papunta sa itaas.
Hindi ko naman talaga alam kung tama ba o mali itong ginagawa ko. Ang sa akin lang naman ay ayaw kong makilala ng anak ko si Miguel dahil ayokong magkaroon ng connection ulit sa kanya. Oo, ama siya ng anak ko at may karapatan siya pero iyong galit ko sa pamilya niya ay hindi ko alam kung paano iyon buburahin.
YOU ARE READING
Bloom After The Dark
RandomCOMPLETED Ysabella Hazel Castro. A.K.A The Love Explorer. Nabigo, umasa, umibig muli. Hoping for an endless love. She's a woman who always choose to be strong. Madaming beses siyang nadapa, binigo, pero still wants to stand again and fight the battl...
