CHAPTER 21

1 0 0
                                    

On the way na kami papuntang bahay nila. Honestly, wala nang paglalagyan ang kabang nararamdaman ko. Halos masugatan na nga siguro itong pang-ibabang labi ko kakakagat. Parang ayoko na ngang tumuloy kaso baka madi-disappoint sa akin si Miguel. Kitang-kita ko kasi ngayon sa kanya na excited siya, samantalang ako rito ay parang hindi na mapapalagay ang aking kaluluwa.

"Alam ba ng daddy mo na may kasama ka?" nag-aalalang tanong ko.

Lumingon naman siya sa akin pero kaagad din niyang ibinalik ang kanyang paningin sa kalsada. "No, but don't worry mabait naman si daddy."

"Mabait siya sa iyo kasi nga anak ka niya but how about me?"

He laugh. "You will be his daughter in law soon."

"Parang sira. Paano ka nakasisiguro?" sabay taas kilay na sabi ko at pasinghal lang siyang natawa.

Napatingin ako sa labas ng bintana nang pumasok kami rito sa isang napakagarbong gate. Itong garahe nila ay hindi rin kagaya ng sa amin. Simple lang kasi iyong sa amin pero itong sa kanila ay with remote-controlled pa ang pinto. Itong bahay rin nila ay sobrang laki. Pakiramdam ko maliligaw ako sa sobrang laki at parang ang hirap linisin kung kaunti lang ang katulong. Ngayon ko talaga masasabi na napakayaman nila. Tuloy ay mas lalo akong kinabahan baka kasi tanungin nila ako about family background ko. Hindi ko naman kinakahiya ang family ko pero nag-aalala lang ako baka hindi nila ako magugustuhan dahil sa hindi ako ka-level nila.

"Ang lamig ng kamay mo, babe."

Napatingin naman ako sa magkahawak naming mga kamay habang naglalakad kami ngayon papasok. "Kinakabahan talaga ako," sabi ko at naramdaman ko namang mas hinigpitan pa niya lalo ang paghawak.

"Dad, we're home!" sigaw niya nang makarating kami rito sa napakalaking salas nila.

Napalunok ako nang makita ang isang hindi pa gaanong katandang lalaki kasama ang isang babae na siguro kasing-edad rin niya. Parehas silang strict tingnan lalo na ang babae na napakatulis ng kilay at hindi man lang inalis ang tingin sa akin. Mas kinakabahan ako nang makitang tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa.

"G-Good evening po." Nautal pa ako dahil sa kaba at naramdaman ko naman ang marahang pagpisil ni Miguel sa likod ng palad ko.

"Good evening." Mabuti pa ang daddy ni Miguel sumagot pero itong stepmother niya ay tanging kilay lang ang pinatango. "You are my son's girlfriend?"

"Y-Yes po," lakas loob na sagot ko pero nautal pa rin. Nakakahiya.

Nakita ko pa siyang bumuntong-hininga saka bumaling kay Miguel. "Dinner is ready. Come and join us," maowtoridad na sabi nito at hindi man lang bumaling ulit sa akin. Diretso na silang nagtungo papunta sa dining area.

"Let's go?" alok sa akin ni Miguel at kahit nilamon na ako ng kaba ay tumango na lang ako.

Npangiti ako ng pilit kay Miguel nang pinaghilaan niya ako ng upuan at siya naman ay sa aking tabi umupo. Nakakailang ang uri ng tingin sa akin ng stepmother niya. Parang gusto ko na tuloy maglaho na parang bula.

"What's your name, hija?" biglang tanong sa akin ng daddy ni Miguel habang kumakain kami.

"Ysabella Hazel Castro po," sagot ko at tumango-tango naman siya.

"Ilang taon ka na?"

"20 na po," sagot ko na naman.

"He's two years older than you." Tukoy niya kay Miguel. "You can call me tito George. Okay?"

Napangiti naman ako. "Opo," sabi ko at napatingin naman ako kay Miguel na ngayon ay nakangiti na rin.

"And you can call her tita Kriss."

"No. Madam ang itawag mo sa 'kin," sabi ng stepmother ni Miguel pero hindi niya kami tiningnan sa halip ay nakatutok lang siya sa kanyang pagkain. "Sigurado ka na ba sa pinasok mo? Baka masasaktan ka lang."

"Tita, wala po akong balak saktan si Bell." Nahihimigan ko ang pagiging malamig ni Miguel sa step mom niya.

Hindi na nagsalita ang stepmother niya. Nakakahiya kasi ako pa ang dahilan kung bakit parang may tensyon na ang namamagitan sa kanila. Alam ko naman na hindi sila magkasundo ng stepmom niya kagaya no'ng sinabi niya sa akin pero parang ang pangit lang pakinggan na ako ang dahilan ngayon kung ba't sila nagkasagutan.

"Akyat na 'ko. I have important stuff to do," paalam ng stepmom niya at walang lingon-lingong umalis nitong dining area.

Pinanindigan talaga niya ang tulis ng kanyang kilay. Nakakaloka ang ugali niya at nakakapagpataas ng dugo. Iyan tuloy, parang nasa kdrama na ang sitwasyon namin ngayon.

"Huwag mo na itindihin iyon, Bella. Gano'n talaga ang ugali niya," sabi naman ni tito George habang umiling-iling.

"Okay lang po," sabi ko na lang sabay pilit na ngiti.

"Alam mo ba na ikaw ang pinakaunang babae na dinala at pinakilala sa akin nitong anak ko. Ewan ko ba, siguro may mga girlfriends siya noon pero hindi naman niya pinakilala sa akin." Pag-iiba niya ng usapan at natawa naman ako ng mahina. "Thanks, son, finally pinakilala mo na talaga sa akin ang magiging daughter in law ko." Matunog pang natatawa si tito George. "Gusto ko na kasing magkaapo at tanging si Miguel lang ang makagagawa kasi nag-iisa lang siyang anak ko," aniya at pilit na tawa na lang din ang tanging sagot ko saka uminom ng tubig. "Hindi ka pa ba handa na magkaroon ng sariling pamilya?"

Napakurap-kurap akong napaangat muli sa kanya ng tingin. "M-Masyado pa po yatang maaga para riyan."

Tumango-tango naman siya habang umiinom ng tubig. "Nasa sa inyo na rin kung kailan kayo handa. Basta sabihin ninyo lang sa akin," kinindatan pa niya ang kanyang anak. "At kagaya ng ipinapangako ko ay bibigyan ko ang anak ko ng sariling condo unit."

Nanlaki ang aking mga mata at namilog ang mga bibig kong lumingon kay Miguel. "Wow naman!" sabay siko ko kay Miguel.

"Thanks, dad," aniya at tinanguan lang siya ng ama niya. "Sa atin 'to, babe," wika niya na siyang dahilan para kumunot ang noo ko.

"Yes, sa inyong dalawa ang unit na iyan. Actually, ilang taon na iyang susi na iyan sa mga kamay ko pero ngayon ko lang naibigay."

"Wow! Salamat po," sabi ko at ginantihan lang niya ako ng ngiti.

Naging masaya naman kahit papaano ang gabi. Mabait naman pala itong si tito George. Kaso sa stepmother niya ay hindi na lang ako aasa na magustuhan niya ako.

Bloom After The DarkWhere stories live. Discover now