CHAPTER 44

1 0 0
                                        

Dumating na ang araw na pinaghahandaan ko. Medyo kabado pero at the same time, exciting. Kahit si mommy ay todo ang ngiti niya habang pinagmamasdan ako ritong mini-make up-an ni Camille. Excited at masaya nga raw kasi sila dahil sa narating ko. Kumbaga raw proud sila sa kin at nakatataba naman talaga ng puso iyon.

"Magpaganda ka na, Camille, para pagdating ni AJ ay ready ka na." Kinindatan ko pa siya dahilan para mamula ng todo.

Tiningnan naman niya ako ng masama. Kami lang kasi raw ang nakakaalam na may pagtingin siya kay AJ pero dahil nga nasabi ko na ay nalaman na ni mommy.

"Camille, may gusto ka kay AJ?" usisa ni mommy. "Alam mo ba kung anong gusto ni AJ sa babae?" pambibitin ni mommy at halatang nakapukaw ito sa interes ni Camille. "Iyon daw babaeng mahilig magluto," dugtong ni mommy.

"Kaso hindi ka marunong magluto," pang-aasar ko pa at nakanguso naman siyang lumapit sa mga make ups niya at iniligpit ito. "Pero kung kailangan mo ng tulong, e di tutulungan kita. Punta ka rito sa bahay at tuturuan kitang magluto."

Natatawa na lang ako sa itsura ni Camille dahil pulang-pula na siya. Iba talaga ang tama niya kay AJ. Biruin mot sa Puerto Azul pa talaga nagsimula ang feelings niya for AJ. Naitago niya iyon nang sobrang tagal. Sinabi ko pa nga sa kanya na hindi na iyon crush kasi nga sabi nga nila hanggang 4 months lang daw ang crush at kung lagpas pa ron, love na raw ang tawag don.

Dahil nagkasundo kami sa kalokohan ngayon ni mommy ay sinabi naming kay AJ na sasabay si Camille papunta sa venue. Si mommy, kuya at daddy naman sa isang kotse. Samantang kaming tatlo ni Ash at Aljun naman ang magkasabay.

"Mommy, you look absolutely stunning today! Right, daddy?" biglang sabi ni Ash na nasa likod nakaupo.

"You're right, baby. I cant even take my eyes off to mommy. She's beyond gorgeous!" papuri pa ni Aljun at nakangiti pang tumango-tango si Ash.

"Grabeng papuri naman! Tumataba iyong atay ko bigla," natatawang sabi ko na lang. "Well, thank you, guys! You both look so handsome and adorable too!" balik papuri ko naman sa kanila.

"Dati naman na akong gwapo," mahinang sabi ni Aljun pero rinig ko.

"Tsk! Hindi pa rin nawawala iyang pagkahangin mo no? Habambuhay ba iyan?" pabiro na may halong sarkastikong sabi ko.

Natawa naman siya. "Grabe ka sa kin, ah?"

"Ganyan kasi ako mangpuri ng pogi," biro ko at natawang umiling naman siya.

Ilang minuto lang ang byahe at sa wakas nakarating na kami. Nauna sila mommy na pumasok sa loob. Kasunod naman sila AJ at Camille. Panghuli ay kaming tatlo naman. Namangha pa ako dahil ang daming tao. Sa katunayan, hindi ko inaasahan na ganito karami pero sobrang saya ko. Masaya ako dahil nandito sila para supurtahan ako. Nagsalita pa muna ang host at ilang sandali lang ay tinatawag na niya ang pangalan ko hudyat para umakyat na ako ng stage. Hindi naman mawawala ang kaba pero may tiwala ako sa sarili ko.

"Salamat," sabi ko pa sa host. Ang sarap ng ngiti ko habang pinagmamasdan ang mga taong nakatuon sa akin. "Good evening, everyone!" bati ko sa kanila at bumati naman sila sa akin pabalik. "I am so glad that you are here tonight to witness the opening branch of our business program here in the Philippines. Thank you so much for coming!"

Nag-pause pa ako saglit para huminga. "Tonight, I am not just standing here in front of you as your CEO, as your boss, or as your ma'am, but I am standing here as a proudly mother, your co-mother." Tumingin pa ako sa mga inimbita kong mga trainees at workers. For those who don't know me yet, I am Ysabella Hazel Castro and proudly say that I am a single mother." Nakita ko pang nagbubulungan iyong iba at siguro hindi nila alam na isa akong single mom. "Yes! I am a single mother. Alam ninyo ba na noong buntis pa lang ako, halos kainin na ako ng depression. Iyon bang magtatanong ka na lang sa sarili mo na kaya ko bang buhayin ang anak ko mag-isa? Without a husband that can help me to raise my child? What if, itatanong niya sa akin na mommy, saan si daddy? Mommy bakit wala akong daddy? Lahat ng iyon naitanong ko sa sarili ko noon."

Bloom After The DarkWhere stories live. Discover now