Hindi ko kaagad mai-alis ang paningin ko kay Miguel na nakatingin lang sa amin ngayon mula sa malayo. Bumalik na naman ang paninikip ng dibdib ko. Gusto ko siyang lapitan pero ramdam kong nangingibabaw pa rin ang galit ko sa kanya. Galit at sakit ang nararamdaman ko habang nilalabanan ang kanyang tingin kahit siya ay nasa malayo.
"Bell, what's wrong?" tawag sa akin ni Aljun at kaagad ko naman siyang liningon. Kita ko sa mga mata niya ang pagtataka at unti-unting nawawala ang kanyang ngiti.
Muli akong tumingin sa lugar kung saan ko nakita si Miguel ngunit nawala na ito. Hindi ko na siya nakikita. "W-Wala. May nakita lang ako pero alam kong guni-guni ko naman iyon." Hindi ko alam kung totoo ba ang nakikita ko o talaga bang guni-guni lang ba.
"Nagugutom ka ba? Nauuhaw? O baka naman pagod ka na? Sabihin mo lang sa kin, Bell."
Pilit na ngiti at iling naman ang isinagot ko kay Aljun saka nag-iwas ng tingin. Pansin ko namang itinabi niya ang bangka na sinasakyan namin at bumaba nga siya. Inilahad pa niya sa akin ang kanyang kamay at tinanggap ko naman ito.
'Saan tayo pupunta?" tanong ko nang patuloy lang kami sa paglalakad at hindi man lang niya binitiwan ang aking kamay.
"Doon tayo." Tinuro pa niya ang restaurant na ilang metro lang ang distansya mula rito sa kinaruruonan namin. "Dahan-dahan lang. Medyo madulas," aniya at tama naman siya dahil medyo madulas nga ng kaunti ang dinadaanan namin.
Pagkapasok namin dito sa restau ay kaagad kaming um-order at kumain. Busog pa ko kaso pinilit talaga niya akong pakainin dahil oras na raw para kumain. Wala naman na akong nagawa kundi sundin siya. Nahihiya na nga ako dahil tila parang pabigat lang ako sa kanya.
After naming kumain ay naglakad-lakad na lang kami habang tinitingnan ang mga paninda. May nga souvenirs pang paninda, mga prutas lalo na ang sikat na strawberry fruits. Hanggang sa makarating kami sa isang maliit na tindahan na may panindang pam-baby. May mga bracelets, cute na socks na may design na strawberry, mga lauruan at iba pa.
Napatingin ako kay Aljun nang pulutin niya ang cute na baseball cap na pam-baby. Siguro kasya sa 5 months old to 1 year old na baby. Kulay white siya at may nakasulat na Daddy.
"250 pesos lang po iyan," wika ng babaeng tindira.
"Bibilhin ko po 'to. Ito rin pong medyas," sabi pa ni Aljun.
"300 po lahat," sabi ng babae at binayaran naman kaagad ni Aljun at saka ito nakangiting bumaling sa akin. Pilit na ngiti na lang din ang iginante ko sa kanya saka kami muling naglakad.
Malapit nang magdilim nang makauwi kami rito sa bahay ngunit napahinto kami nang nasa tapat na kami ng gate. May nakaparada kasing sasakyan at nang makilala ko ito kung kanino ay dumoble ang kabang nararamdaman ko.
"A-Alam ba niyang nandito tayo, Aljun?" tanong ko at narinig ko naman bumuntong-hininga.
"Hindi ko alam."
Pagkatapus sagutin ni Aljun ang tanong ko ay diretso siyang lumabas. Nakita ko naman si Miguel na lumapit sa kanya at sa di inaasahan ay sinuntok pa niya si Aljun.
"Miguel, ano ba?! Ano bang pumapasok diyan sa kukuti mo?!" galit na sigaw ko kay Miguel na parang blanko lang kung makatingin sa akin. Nagulat nga rin ako dahil sa malaking pasa sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha.
"Minahal mo ba talaga ako, Bell?" kalmadong usal aniya na siyang dahilan para matigilan akot napatitig sa kanya. "Talaga bang ako ang pinili mo?"
Napalunok ako at nag-iwas sa kanya ng tingin. Ramdam ko ang mga luhang nag-uunahang pumapatak na naman sa pisngi ko. Itong puso ko na parang kiniyumos ng todo. Ganoon pa rin ang reaksyon ng kanyang mukha. Blanko at tila bay puyat na puyat kaya halos ang pagkurap ay tinatamad siyang gawin ito.
Umiiling-iling ako habang pinupunasan ang mga luhang walang balak tumigil sa pagpatak. "Kung gaano kita kabilis nakilala ay ganoon din pala kabilis na mawala ka sa 'kin." Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakikita ko siyang nakayuko habang sumisinghot. Umiiyak. "Yes, parang nagsisisi ako na nakilala pa kita pero naisip ko rin na okay lang. Tatanggapin ko na lang. I still want to thank you kasi kahit na sinasaktan mo ko, the fact na naging parte ka na rin ng buhay ko." Huminga pa muna ako ng malalim. "Thank you for the love even it hurts. S-Salamat kasi pinasok mo ko sa buhay mo kahit sandali lang."
"Bell, please bumalik ka na sa kin. Itatama ko na ang lahat." Akma pa siyang lalapit sa akin pero umiiling ako dahilan para mapahinto siya.
"May kasalanan din naman ako sa iyo." Kita ko pa ang pangungunot ng kanyang noo. "Nagkulang ako at hindi ako naging sapat sa iyo. May mga bagay na hindi ko kayang ibigay sa iyo." Muli akong umiling. "Hindi na rin ako dapat na bumalik pa sa iyo. Actually, galit ako sa iyo. Galit na galit ako sa iyo, Miguel. Pero anong magagawa ng galit ko kung sinasaktan mo na ako ngayon?"
Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang sikip. Napakasakit. Sobrang sakit! Dati umiiyak ako sa sobrang tuwa habang nakaharap ako sa lalaking ito pero ngayon, umiiyak ako dahil sa sakit na dinulot niya.
"Bell? Bell, wake up!"
Naramdaman kong niyugyog ako ni Aljun at doon ko lang nalamang panaginip lang pala ang lahat. Basang-basa rin ang mga mata ko dahil sa mga luha. Tiningnan ko ang daan at napakunot-noo ako nang mapagtantong nasa tapat na rin pala kami ng bahay. Walang nakaparadang kotse at lalong wala si Miguel. Panaginip lang pala talaga.
"Nag-aalala ako. Umiiyak ka kasi habang natutulog," sabi naman ni Aljun.
Pinunasan ko pa ang mga luhang naging totoo kahit sa paniginip lang. "M-May napapanaginipan lang ako."
Bakit parang totoo? Iyong sinabi niyang bumalik ako sa kanya ay parang nanatili pa rin sa pandinig ko. Iyong itsura niya ay hindi ko makakalimutan.
Nakatulala lang ako at parang nawala na ako sa aking sarili. Nagulat nga lang ako dahil hindi ko man lang namalayang nandito na pala kami sa loob ng bahay.
"Bell, alam mo bang hindi makabubuti sa isang buntis na babae ang ma-stress?" biglang sabi niya para mapatingin ako sa kanya. "Dapat lagi lang nakangiti." Hinawakan pa niya ang magkabilang pisngi ko dahilan para mapangiti ako. "What do you want for dinner nga pala?"
"Kakakain lang natin, Aljun. Busog pa ko eh."
"That was our lunch, Bell. Dapat kakain ka mamaya for dinner. Bawal kang magpalipas ng gutom kasi nga dalawa na kayo," nakangiting aniya.
"Kahit ano. Salamat," usal ko kasabay ang matipid na ngiti. Lahat ng efforts na ginawa ni Aljun, sobrang na-a-appreciate ko. Lahat ng bagay na kailangan ko ay ginagawa niya na dapat sana si Miguel ang gagawa.
YOU ARE READING
Bloom After The Dark
RandomCOMPLETED Ysabella Hazel Castro. A.K.A The Love Explorer. Nabigo, umasa, umibig muli. Hoping for an endless love. She's a woman who always choose to be strong. Madaming beses siyang nadapa, binigo, pero still wants to stand again and fight the battl...
