Sobrang agang gumising ni Ash. Alas sais pa lang ng umaga pumasok na siya rito sa kwarto ko para gisingin ako. Excited masyado sa lakad mamaya at sa kalokohan nila ni Aljun. Wala na akong magagawa kundi ang ihanda na lang din itong wallet ko. Si mommy na ang nagpapaligo sa kanya at nagbihis doon sa kanyang kwarto. Ilang minuto ang nakalilipas ay may kumatok mula sa labas nitong kwarto ko at bumungad doon ang aking anak na preskong-presko.
"Mommy, I'm done." Umakyat pa siya sa kama at tumalon-talon.
"Be careful, apo." Aligaga naman si mommy na binabantayan bawat talon ni Ash.
"Too early to go, baby. I'm sure that your daddy right now is still sleeping," sabi ko habang binu-blower ang aking buhok. "And also I want to have our breakfast here because your lola cooked delicious foods for us."
Namilog naman ang bibig ng anak ko saka bumaling kay mommy. "Really, lola?" nakangiting aniya at tinanguan naman siya ni mommy.
"See? So, you have to get off from that bed and go with lola to the dining area. I'll just need to finish my stuff in a minute, okay?"
"Yes, mommy, but please do it faster so that you can eat your breakfast too and then after we can go to daddy's place."
Natatawang umiiling na lang si mommy habang inilalayan si Ash na bumaba sa kama. "Itong anak mo ay parang mas excited pa siyang makita si Aljun kaysa sa amin."
Pasinghal naman akong napangiti. "Ewan ko ba sa batang iyan. Magka-vibes kasi silang dalawa pagdating sa kalokohan."
"Okay lang iyan. Atleast si Aljun, nagpakaama talaga rito. Tinuring niyang totoong anak itong apo ko. Hindi kagaya ng ama nito na sarili lang iniisip. Naku! Kapag iyon lalapit-lapit sa inyo tapos gustong kunin itong apo ko? Pasensyahan na lang dahil hindi na ako takot sa kanila. Magkamatayan man!" Parang bigla-biglang naha-highblood si mommy.
Natawa naman ako sa itsura ni Ash na nakanunot ang noong nag-angat ng tingin sa lola niya. "Mommy, naman relax lang. Hindi ko naman iyon hahayaan. Masaya na po kami at matagal na akong moved on sa kanya."
"Basta kung noon ay si Jensie lang sumuntok sa kanya, pwes ngayon pati ako na!"
Natawang umiiling na lang ako. "Si mommy talaga. Sige na, mauna na po kayo sa baba. Susunod na lang po ako," pag-iiba ko ng usapan dahil tila namumula siya bigla. Napailing na lang ako habang sinusundan sila ng tingin palabas.
Pababa pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang tawanan nila mula sa dining area. Nangingibabaw ang boses ni Ash at kung ano-ano na lang kinu-kwento niya sa lolo't lola niya. Ewan ko ba kung saan nagmana ang batang 'to. Ang daldal masyado.
"Si kuya, 'di ba iyon uuwi?" tanong ko sa kanila nang makaupo na ako sa upuan ko. Inayos ko pa muna ang pagkain ni Ash na nagkakalat sa plato niya.
"Baka kina AJ na naman iyon natulog kagabi," sagot ni daddy.
"Pakiramdam ko may girlfriend na ang batang iyon eh. Minsan kasi basta Sunday ay nagpapaalam siyang magsisimba raw siya o 'di kaya'y pansin ko naman ay pagkatapos niya sa trabaho ay hindi siya didiretso rito sa bahay." Nakita ko pa ang pagkunot ng noo ni mommy habang nagsasalita.
"Baka gusto ni kuya na magpapari?" biro ko.
"Sus! Imposible iyon. Kababaerong tao," kaagad na wika ni daddy kaya kami natawa. Pati parents namin ay binansagan na talaga si kuya na isang babaero.
Ilang minuto ang lumilipas ay umalis na kami ng bahay ni Ash. Sa byahe pa lang ay todo ngiti na itong anak ko kesyo raw nami-miss na niya ang daddy niya at excited na raw siya sa challenge nila sa akin. Nang makarating kami sa bahay ay kaagad kaming pinagbuksan ng guard. Pagkaparada ko ng kotse ay diretsong bumaba si Ash at tumatakbo papunta sa loob ng bahay habang tawag-tawag ang daddy niya. Papasok na sana ako nang may mahagip ang paningin ko. May ibang sasakyan na nakaparada sa labas.
YOU ARE READING
Bloom After The Dark
RandomCOMPLETED Ysabella Hazel Castro. A.K.A The Love Explorer. Nabigo, umasa, umibig muli. Hoping for an endless love. She's a woman who always choose to be strong. Madaming beses siyang nadapa, binigo, pero still wants to stand again and fight the battl...
