CHAPTER 38

2 0 0
                                        

Sa mga araw na lumilipas, napapansin kong hindi na ako ginugulo pang muli ni Miguel. Walang texts, calls and chats akong natatanggap mula sa kanya. Mas mabuti pa nga yon para mababawasan ang paghihirap ko.

"Anak, nandito si Aljun!" sigaw ni mommy sa labas ng kwarto ko.

Kaagad naman akong tumayo at lumabas. Alam na nila mommyt daddy na aalis na si Aljun bukas. Kaya nga nagkaroon ngayon ng kaunting salu-salo bilang pasasalamat kay Aljun sa pagtulong niya sa amin.

"Hi!" kaagad na bati niya sa akin. Hindi kasi kami nagkita kahapon. Kailan kaya siya babalik ulit dito? Bakit parang nami-miss ko na siya kahit bukas pa ang alis niya? "Huwag mo na 'ko titigan. Halika na at kumain na tayo." Pinaghila pa niya ako ng upuan ko.

Napakurap-kurap na lang ako at saka umupo. Tumabi naman siya sa akin at pinaglagyan pa ako ng kanin at ulam sa plato ko. Tuloy ay nakaramdam ako ng lungkot dahil tila nasasanay na ako na nandito siya at gagawin ang mga bagay na ito.

"Gusto mo bang mamasyal ngayon? Punta tayo ng sine," aniya habang nakangiting nakatingin sa akin.

Huwag ka na lang kasing umalis.

Tumango lang ako saka nag-iwas nang tingin sa kanya. Sa pagkain na lang ako nakatuon. Ewan ko ba. Alam ko namang busog pa ko pero parang may utak ang kamay at bibig ko na sumubo ng pagkain.

Kahapon lang din sinabi sa akin ni Aljun na hindi siya tunay na anak ng kinikilalang parents niya ngayon. Galing siyang orphanage at kinupkop lang siya ng parents niya ngayon noong ten years old siya. Namatay daw ang tunay na mga magulang niya dahil sa car accident. Hindi naman halatang naulila siya kasi nga sabi pa niya ay hindi naman nagkulang ang bagong parents niya. Pinalaki siya ng maayos at binigay naman lahat ang kailangan niya.

"Kung makauwi rito ang parents mo ay sabihan mo kami, Aljun, ha? Para naman ma-invite ko sila," sabi pa ni mommy.

"Oo naman, tita."

"Dre, sabi ni AJ baka hindi na raw siya makahahatid sa iyo bukas sa airport. May inutos daw kasi ang daddy niya," sabi naman ni kuya na ngayon lang umimik.

"Walang problema 'yun," sagot naman ni Aljun. "Anyway, dre, ikaw na lang bahala kay tito ah? Kung may kailangan kayo ay sabihan ninyo lang ako kaagad para ako na ang kakausap sa management."

"Huwag ka na mag-alala sa kin, Aljun. Kaya ko iyong trabaho na iyon," natatawang sabi naman ni daddy.

Tinulungan kasi ni Aljun si kuya at daddy na makapasok sa kompanya nila. Wala kasing nahanap na trabaho sila noong una kaya ayun, si Aljun na lang ang nagpapapasok sa kanila. Sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya at pati na rin kina Camille.

Ilang oras ang lumipas, lumabas nga kami ni Aljun. Namasyal kami kung saan-saan. Nanood kami ng sine. Kumain sa ibat-ibang foreign restaurants. Binilhan niya rin ako ng pang maternity dress. Binilhan niya rin ng laruan ang mga puppies ko.

"Aljun?" tawag ko rito habang namimili kami ng libro. "Ba't mo nga pala to ginagawa? I mean, subra-sobra na tong itinulong mo sa 'kin, sa amin. Gusto ko lang malaman kung bakit."

Nakita ko pa siyang bumuntong-hininga saka ibinalik ang librong kinuha niya sa shelve. "Honestly, I did all of these because of you." Naging seryoso na siya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. "Eight years ago, nagkaroon ako ng girlfriend. Sobrang bait niya, kagaya mo. Siya iyong kauna-unahang babaeng minahal ko. Hindi kami nag-aaway kahit isang beses lang. Kasi kapag tinutuyo siya, hindi ko siya papatulan. Kung may mga bagay kaming hindi magkaintindihan, pinipili ko na lang baliwalain iyon kaysa mag-away kami at magkasakitan. Magka-vibes nga kami." Matunog pa siyang ngumiti pero alam kung pilit lang iyon. "Until one day, sa mismong birthday niya ay nakatanggap ako ng balita na naospital siya at binawian ng buhay. Hindi niya sinabi sa akin na may problema pala siya kaya siya na depressed at iyon ang dahilan kung ba't siya nawala sa kin. Naging playboy na nga ako simula no'n. Sabi ko pa nga na ayoko nang magmahal ng totoo. Laru-laro na lang para walang sakit." Bumuntong-hininga pa ulit siya saka tumingin sa akin. "Na-trauma na ko, Bell. Pero hindi ko inaasahan na ikaw lang rin pala ang nagpababalik sa dating ako. Kaya sa abot ng makakaya ko ay gagawin ko iyong mga bagay na posibleng maging dahilan para malimutan mo iyong problema mo. Ayokong mawalan ulit ng taong pinapahalagahan ko," paliwanag niya at talagang na-touch ako sa sinabi niya. "Nagdadrama na ako. Tama na. Tara na lang ice cream tayo? pag-iiba niya ng usapan at nakangiting tumango naman ako.

Bloom After The DarkWhere stories live. Discover now