Pagkagising ko ay rinig na rinig ko ang ingay mula sa labas. Bumangon ako't kaagad na tingnan ang aking mukha sa dala kong salamin. Ginawa kong pony-tail ang buhok ko para maging maaliwalas man lang ang mukha ko. Pagkatapos ay saka pa lang ako lumabas at nakita ko naman silang kanya-kanyang may dalang tasa. Nagkakape na pala sila at wala man lang nag-abalang gumising sa akin.
"Good morning!" bati ko sa kanila at liningon naman nila ako at bumati pabalik sa akin.
Napalingon naman ako kay Miguel na papalapit sa akin habang nakangiti. "Coffee?" alok niya sa akin kasabay ang pag-abot niya ng tasa.
Tinanggap ko naman ito. "Salamat."
"Bell?" rinig kong tawag sa akin ni Aljun kaya lumingon naman ako. "Toasted bread for you," aniya nang makalapit sa akin. Iniabot niya ang isang plato na naglalaman ng tatlong toasted bread.
"Salamat, Aljun." Ngunit napataas ang kilay ko nang biglang kumuha si Miguel ng isa at kaagad itong kinain.
Tatlong sunod-sunod na subo lang ang ginawa niya saka nakangiting tumingin sa akin. "Sarap! Pwedeng akin na lang din iyang dalawa--" Hindi niya natuloy ang pagkuha niya sa natitirang dalawang piraso dahil tinapik ang kamay niya ni Aljun.
"Dre, hindi naman iyan para sa iyo. Para kay Bell iyon," saway sa kanya ni Aljun ngunit tinawanan lang siya nito.
Nagpalipat-lipat lang ako ng tingin sa kanila. "O-Okay lang, Aljun."
"Okay lang naman pala-- akin na iyan ah?" sabi naman ni Miguel ngunit tinapik na naman ang kamay niya ni Aljun sa pangalawang beses.
"Bell, painom nga ng kape mo." Hindi pa man ako makasagot ay inagaw na ni Aljun ang tasang hawak ko. "Gusto ko 'to. Pwede akin na lang 'to, Bell?" tanong pa sa akin ni Aljun.
"Um--" Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa dalawa. Kagigising ko lang tapos ganito na kaagad ang ibubungad nila sa akin.
"Bro, that's not for you. I made it for Bell," sabi ni Miguel at akma na rin sanang aagawin niya ang tasa ngunit inilayo ito ni Aljun.
"Well, that toasted breads are not also for you, dre."
Ramdam ko ang kaunting intense sa pagitan nilang dalawa kaya binigay ko na lang ang plato kay Miguel at hinayaan ko na lang ang kape ko na si Aljun ang iinom. Nakikita ko sa kanilang dalawa ang pagtataka habang nakatitig sa akin.
"Miguel, iyo na iyang toasted breads at sa iyo na rin iyang kape ko, Aljun. Kayo na lang dalawa ang mag-exchange para maging okay na," sabi ko saka aalis na sana nang harangan nila. "Magtitimpla ako ng sarili kong kape at kukuha na rin ako ng sarili kong bread, okay?" Tinapik ko ng sabay ang balikat nila saka ko sila iniwan.
Ang haba ng hair ko, ah? Umagang-umaga pag-aawayan ba naman. Tsk!
Lumapit ako ni Lely at hindi ko na lang pinansin ang nakakalokang ngiti niya. Alam kong manunukso na naman ito. Hindi na naman ako titigilan nito panigurado.
"Si kuya nasa'n?" Inunahan ko na siya ng tanong para mawala na ang ngiti niyang may dalang kakaibang hangin.
"Iyang hair mo hanggang saan na ba nakaabot?" tanong niya sa akin.
"Si kuya, nasa tent mo ba?"
Napatigil naman siya na parang nabibigla sa tanong ko. "What?! Bakit naman nando'n ang kuya mo? Anong gagawin niya ro'n?"
"Aba malay ko ba kung magkasama kayong natulog kagabi?" Binibiro ko lang siya para maituon sa kanya ang topic at hindi na niya ako aasarin.
"Hoy! Walang ganyanan, Bell. Kahit crush na crush ko iyang kuya mo ay hindi rin ako papayag na magkasama kaming matutulog no! Hindi ako gano'ng babae at alam mo iyon."
YOU ARE READING
Bloom After The Dark
DiversosCOMPLETED Ysabella Hazel Castro. A.K.A The Love Explorer. Nabigo, umasa, umibig muli. Hoping for an endless love. She's a woman who always choose to be strong. Madaming beses siyang nadapa, binigo, pero still wants to stand again and fight the battl...
