CHAPTER 34

2 0 0
                                        

Dinala ako rito ni Aljun sa Baguio. Actually, sinabi pa niyang kahit saan ko raw gustong pumunta ay dadalhin niya ako. Ngunit sa tuwing maaalala ko ang mga panahon na kasama ko pa si Lely. Sa panahong masaya pa kami ni Miguel ay parang paulit-ulit pa ring tinutusok ng matatalim na bagay ang puso ko.

Tulungan mo naman si mommy, anak? Nahihirapan na si mommy eh.

"Mag-jacket ka," biglang sulpot ni Aljun at inilagay pa niya ang malaking coat sa likod ko. "Gusto mo bang uminom ng coffee, tea, hot chocolate o milk? Sabihin mo lang sa kin at ipagtitimpla kita," aniya at napangiti naman akong tumingin sa kanya.

Nag-iwas ako sa kanya ng tingin saka bumuntong-hininga. "Salamat, sinserong sabi ko saka muling tumingin sa kanya. Nakita ko naman siyang ngumiti. Salamat kasi nandiyan ka."

"Salamat dahil sumama ka sa kin dito. Alam mo ba? Kung hindi ka sumama sa 'kin ay siguro ako lang mag-isang tatayo rito sa balkonahe habang dinaramdam ang lamig. Siguro ako lang din mag-isang mamamasyal," aniya kaya matunog naman akong ngumiti. Kahit na-reject ko siya ay ginawa niya pa rin ito. Napakaswerte ko dahil may kaibigan akong tulad niya.

Lumipas ang ilang oras ay nagsimula nang dumilim ang paligid. Gabi na. Si Aljun ay abalang-abala sa kusina habang hinahanda ang hapunan namin. Wala akong ganang kumilos kaya nandito lang ako nakaupo sa maliit na sala habang naghihintay sa kanya.

Naramdaman ko na naman ang pagkirot ng puso ko nang pumasok sa isip ko si Miguel. Ngayon nga ay parang inaasar ako ng paningin ko dahil kahit alam kung si Aljun ang nakatayo sa kusina ay parang naging si Miguel ito.

Diyan ka lang, ah? Ako ang chef mo ngayon.

Babe, may gusto ka pa bang ipaluto? Sabihin mo lang.

Mas bumigat pa lalo ang pakiramdam ko dahil sa mga ala-alang bumalik sa isipan ko at tila bay naririnig ko pa rin ang boses niya. Nami-miss ko siya. Mahal ko pa rin siya.

Bumalik lang ako sa reyalidad matapos sambitin ni Aljun ang pangalan ko. Nakaupo na siya ngayon sa harapan ko at kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.

Narinig ko naman siyang buntong-hininga. "Kumain ka na. Kailangan ubusin mo iyan para mas maging malusog ka at si baby." Imbis na roon ako kakain sa kusina ay dinala na lang niya ito rito. Binigyan ko lang siya ng pilit na ngiti.

Gusto ko nang makalimot. Iyong matutulog ako tapos paggising ko, okay na. Paggising ko, wala na akong inaalala. Pero paano mangyayari iyon? Kahit saan ako magpunta ay bigla-bigla na lang silang susulpot sa ala-ala ko. Kahit sa bahay ay ayokong umuwi dahil bawat sulok may memories ako sa kanila. Ang hirap!

"Nasusuka ako," sabi ko at kaagad na patakbo ako papunta rito sa lababo. Nararamdaman ko naman ang kamay ni Aljun na hinimas-himas ang aking likod. Nagmumog pa ako at inis na nagbuga ng hangin.

"Hindi mo ba nagustuhan iyong niluto ko?"

Napatitig ako sa kanya dahil sa kanyang ginawa. Hindi ko maiwasang isipin na sana si Miguel ang gumagawa sa mga bagay na ito. Na sana si Miguel ang nasa tabi ko sa tuwing may kailangan ako.

"Masarap naman pero ewan ko ba. Bigla-bigla na lang bumaliktad ang sikmura ko." Bumalik pa ako rito sa salas saka pinagkatitigan ang pagkaing hinanda niya at talagang gusto ko pa siyang kainin.

"Baka may gusto kang kainin. Pwede naman kitang ipagluto," aniya at

tanging iling na lang ang isinagot ko sa kanya. "Inumin mo rin itong gatas."

Parang naging all around yaya ko si Aljun dito. Ayaw niya rin kasi akong kumilos. Iyong tipong kahit magwalis dito sa kwarto ay pinagbawalan niya ako dahil siya lang daw ang gagawa. Ayaw niya rin akong maglaba kahit sarili kong damit dahil ihahatid niya lang daw ito sa laundry shop.

At nang maghahating gabi na ay nagising lang ako at talagang gusto kong kumain ng hilaw na mangga. Pilit kong pinigilan ang sarili ko dahil alam kong wala nang paninda ngayong oras na ito. Ngunit talagang hindi ako makatulog ulit. Wala na akong magagawa kundi ang pumunta sa kwarto ni Aljun at manghingi ng tulong kahit nakahihiya. Ayoko ring lumabas mag-isa dahil natatakot ako at sobrang dilim pa.

"Aljun?" Kinatok ko pa ang pinto ng tatlong beses pero wala akong marinig na sagot mula sa loob. Bagsak ang balikat kong maglakad na sana pabalik ng kwarto ko nang biglang bumukas ang kwarto ni Aljun. Nakita ko pa siyang nahihirapang imulat ang kanyang mga mata dahil siguro nasisilawan sa ilaw.

"Bell?" aniya habang nagsuot ng damit pang-itaas. Naglakad na siya papalapit sa akin at hindi man lang inaayos ang magulo niyang buhok. "May kailangan ka?" Humikab pa siya at iniunat ang mga kamay.

"Aljun, sorry kung naisturbo ko ang tulog mo." Yumuko ako at hindi makatingin sa kanya ng diretso dahil nga nahihiya ako. "G-Gusto ko kasing kumain ng mangga. Iyong hilaw. K-Kaso hindi ko alam kung may nagtitinda pa ba ngayong oras na to."

Nakita ko naman siyang muling humihikab habang tinitingnan ang relos niya. "Wala na ngang bukas na tindahan. Lagpas hating gabi na kasi," aniya at nakaramdam naman ako ng pagkadismaya. "Pero may punong mangga naman diyan sa likod. Baka may bunga iyon." Bumalik siya sa kwarto niya at lumabas nang may dalang makapal na jacket at flashlight.

"Isuot mo to. Sobrang lamig sa labas," aniya at tinanggap ko naman.

Nasa madilim na parte pala ang punong mangga na sinasabi niya. Sobrang tahimik ng paligid tapos sobrang dilim. Nakatatakot sa totoo lang. Ayoko na tuloy humiwalay kay Aljun dahil pakiramdam ko may nakatingin sa akin na hindi ko nakikita.

"Aljun, parang wala naman tong bunga." Itinutok pa niya ang flashlight sa may itaas ng puno ngunit wala akong makita kahit isang bunga ng mangga.

"May isa akong nakita." Sinilip-silip pa niya ito sa itaas.

Kaagad naman akong nakitingin. "Ang taas niyan," namumublemang sambit ko dahil wala kaming dalang pangsungkit para makuha iyon.

"Aakyat ako," aniya saka akma na sanang lalapit sa puno nang pigilan ko na naman.

"Huwag na. Baka mapano ka pa."

"Ang baba nga lang niyan.' Binigyan pa niya ako ng ngiti.

Tanging kay Aljun lang ang paningin ko habang umaakyat siya sa puno. Natatakot kasi ako dahil ako na lang mag-isang nandito sa baba samantalang si Aljun ay nandoon sa itaas.

"Mag-ingat ka!" sigaw ko nang abutin na niya ang bunga.

"I got it!" aniya nang matagumpay niya itong nakuha. Pababa pa lang siya ay natatakam na akong kumain ng mangga. Naglalaway na nga ako.

Pagkabalik namin sa loob ng bahay ay kaagad niyang binalatan ito at ibinigay sa akin pagkatapos. Dati, kapag kakain ako ng ganito ay pumapangit ang mukha ko lalo dahil sa asim ngunit ngayon ay parang ang tamis lang. Wala akong malasahang asim kahit kaunti.

'Thank you!" sinserong sabi ko matapos kong kainin lahat. Kahit maliit lang iyong mangga ay pakiramdam ko busog na busog ako.

"No problem," natatawang aniya. "Iyong vitamins mo ba ininom mo?" tanong niya nang maglakad kami pabalik sa kwarto. Tumango naman ako bilang sagot at hindi ko inaasahan na guguluhin niya ang buhok ko. 'Good. And next time, don't hesitate to ask me if you need something. One call away, Aljun will be there. Always remember that, Bell."

Matipid naman akong napangiti. "Salamat," sinserong muling usal ko.

Aljun is really a good friend that everyone wanted. Hes very understanding, gentlemen and approachable. Hes like an angel given by God to take care of me and my baby. Im so thankful.

Kinabukasan, dinala ako rito ni Aljun sa isang sikat na park. Burnham Park. Napakaaliwalas ng paligid. Nakita ko ang mga tao rito na parang walang dinadalang problema. Ang sasaya nila tingnan.

"Tara, try natin iyon?" anyaya sa akin ni Aljun at tinuro pa ang boat. Tipid na ngiti naman ang iginante ko sa kanya saka tumango.

Napaka-relaxing naman talaga. Nandito lang ako nakaupo sa ibabaw ng mapayapang tubig. Aaminin kong nag-e-enjoy ako ng kaunti at nahahawaan sa sayang dala ni Aljun. Pero iyong ngiti ko ay unti-unting naglalaho na tila pansamantala lang. Parang pinahiram lang sa akin saglit ang kaligayan at binawi ito kaagad.

Bakit ba siya nandito? Kanina pa ba kaya siya nakatingin sa amin?

Bloom After The DarkWhere stories live. Discover now