CHAPTER 17

1 0 0
                                    

Hindi muna ako pumunta roon sa unit ni kuya. Ayoko lang kasi munang magpakita kina Miguel at Aljun. Hindi ko rin alam kung bakit basta parang itong utak ko ang umaayaw. Gusto ko silang kausapin pareho pero inunahan ako ng takot. Takot na baka mas masasaktan ko pa si Aljun.

Namumublema ako at sumasabay pa talaga itong lagnat ko. Kakapagod tumayo o maski kumilos ng kaunti. Iyong tipong parang ang daming nakapatong na mabigat sa katawan ko. Mas sumasakit pa rin lalo ang ulo ko dahil sa mga iniisip na hindi ko maiwasang isipin.

"Anak, kumain ka muna. May dala akong mainit na soup," sabi ni mommy habang dala-dala ang tray at inilagay ito sa side table ko.

Napatingin naman ako sa dala pa niyang basket na naglalaman ng iba't-ibang klase ng prutas. "Ang dami naman niyan, mommy?"

"Bigay iyan ni Aljun para sa iyo."

Awtomatikong napataas ang kilay ko nang sabihin niya kung saan ito galing. "Kay Aljun po?"

"Pumunta siya rito kaninang umaga and he was just wanted to checked you pero sa akin niya lang tinanong kung kamusta ka na. Sinabi ko pa nga sa kanya na puntahan ka lang dito sa kwarto mo pero siya naman itong humindi."

Napaiwas naman ako ng tingin kay mommy. "G-Ganoon po ba?"

"Ang sweet niya sa iyo, anak. You know what? Nagdala pa talaga siya ng fresh meat and seafoods para sa iyo. Kaso..." Napatingin ako kay mommy at hinihintay ang sasabihin niya. "Kaso parang nagmamadali yata iyon. Palaging nakatingin sa relos niya, eh. Like parang may hinahabol na something, maybe meeting?"

Napaisip naman ako sa posibleng dahilan. Siguro kung hindi nangyari iyon noong nakaraang araw ay bibisitahin talaga niya ako rito and maybe he will take care of me. Gusto ko siyang maging kaibigan at hindi ko alam kung pwede pa ba ngayon.

"Mommy, gusto ko pa po munang magpahinga. Mamaya na lang po ako kakain. Busog pa po kasi ako." Dahan-dahan ko pang inayos ang kumot ko at tinulungan naman ako ni mommy.

"Paano na itong soup mo? Lalamig na 'to mamaya," nag-aalalang sabi ni mommy.

"Iinitin na lang po siguro. Busog pa po talaga ako eh."

Nagbuntong-hininga pa si mommy at saka inayos ang ilang hibla ng buhok ko na nakaharang sa aking mukha. "Sige babalik na lang ako rito mamaya. Okay?"

"Opo," mahinang sabi ko.

Tumayo naman siya saka kinuha ang tray at naglakad palabas nitong kwarto ko. Pero bago pa man siya makalabas ay muli pa siyang humarap sa akin. "May sinabi sa akin si Aljun," aniya at ngumiti pa siya sa akin. "Malalaman mo mamaya kung ano iyon. Rest well, baby."

Naiwan ang paningin ko sa tinatayuan ni mommy kanina. Gusto kong hulaan kung ano ang sinabi ni Aljun sa kanya pero wala akong maisip. Isang pambibitin at malaking question mark ang iniwan ni mommy sa akin ngayon. Sa pag-iisip ko ay nararamdaman ko ang pangbibigat ng aking takipmata at unti-unti na akong kinain ng antok.

***

Hindi ko alam kung ilang minuto na ba ang nakalilipas o di kaya'y siguro umaabot na ng ilang oras akong nakatulog. Nagising lang ang diwa ko nang maramdaman kong may humahaplos sa aking buhok. Marahan ko namang iminulat ang aking mata at medyo malabo pa itong no'ng una pero unti-unti namang naging klaro ito. Awtomatikong napataas ang kilay ko dahil sa gulat. Napakurap-kurap pa ako habang nakatitig sa kanya. Hindi ako makapaniwala na nandito siya ngayon at tinatabihan pa akong humiga dito sa kama.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin at iba ang dating nito sa akin. Iyong feeling ko ang sweet ng boses niya kahit ang totoo ay normal lang naman ito.

Bloom After The DarkWhere stories live. Discover now