CHAPTER 22

2 0 0
                                        

Ilang araw na rin ang nakalilipas simula noong pumunta kami sa bahay nila Miguel. Simula rin no'n ay hindi na kami nagkikita dahil may pinapagawa raw sa kanya si tito George at ito naman ako ay busy rin kagagawa ng design para sa kliyente ko. Bukas kailangan ko na ring magpunta sa boutique para isagawa itong gown. Puyatan na talaga ito simula bukas kasi ilang araw na lang at kailangan na naming ipakita sa kliyente ang finish product which is the gown at kailangan na rin niya itong e sukat baka sakaling may kailangan pa talaga kaming i-udjust kahit na sukat talaga niya ang binabasihan namin.

"Hello, ate Mary Grace? Itatanong ko lang kung ready na ba iyong mga gamit na kailangan natin bukas?" Tinatawagan ko na ang mga katulong ko sa paggawa ng gown. Sinisiguro ko na kailangan bukas ready na ang lahat para diri-diretso ang trabaho.

"Miss Hazel, may isang gamit po tayong kulang. Naubusan po tayo," aniya sa kabilang linya.

"Pumunta ka ngayon sa office ni mommy at sabihin mo sa kanya na magpapa-deliver kayo ngayon ng mga kulang na gamit. Make sure bukas ready na ang lahat."

"Yes, miss Hazel. Copy po."

"Sige salamat. I'll call you later na lang," sabi ko saka ibinaba ang linya.

Pagkababa ko ng phone ay inihiga ko ang aking ulo sa sandalan nitong swivel chair ko. Nananakit kasi ang batok ko kakayuko at pati ang aking kamay ay medyo nangangalay pero okay lang kasi nag-enjoy naman akong mag-design.

Napatingin ako sa relos ko at magtatanghali na pala. Naisipan ko rin na mamaya na lang ako mananghalian at ipahinga ko muna itong katawan ko. Hindi pa naman ako gutom kaya relax muna.

Nakaidlip ako ng halos limang minuto siguro ang itinagal pero nagising na lang din ako nang biglang tumunog ang phone. Kaagad ko naman itong sinagot nang makita kong si Lely ang tumatawag.

"Free ka tonight?" tanong niya sa akin sa kabilang linya.

Sasagot na sana ako nang biglang bumukas ang pinto nitong kwarto ko at bumungad doon si Miguel na may dalang foods galing pang fastfood. Nakangiti siyang itinaas ang mga dala niya saka pa lang ito inilagay sa side table. Lumapit siya sa akin saka hinalikan ako sa magkabilang pisngi at niyakap pa. Sweet!

"Hey, are you still there?"

Saka ko lang sinenyasan si Miguel na may kausap ako kaya nakangiting tumango naman siya at bumalik doon sa mesa. "Yes, bakit? Ano bang mayroon tonight?" tanong ko rito habang nasa kay Miguel ang paningin ko. Kasalukuyan kasi niyang inihanda ang mga pagkain.

"Ini-invite kasi ako ng kuya mo to have overnight at his place. Hindi ka ba niya sinabihan?"

"Hindi. Baka gusto niya na solo kaya hindi niya ako ini-invite," sabi ko at narinig ko naman siyang tumawa.

"Hindi no! Sabi pa nga with friends daw and I expect na nando'n ka."

"Pero hindi nga ako invited," sabi ko naman saka tumayo at kumuha ng isang hiwa ng chicken nuggets.

"Nandyan ba boyfriend mo?"

Napatingin naman ako kay Miguel at tumaas naman ang kanyang kilay. Ini-loud speak ko naman ang phone para marinig niya. "Yup. Nandito siya ngayon sa tabi ko. Why?"

"Tonight punta kayo sa condo unit ni Jensie. He want us to have an overnight daw," aniya at napatawa naman si Miguel.

"Yeah, we'll be there. Sabay na lang kami ni Bell papunta ro'n," sagot naman ni Miguel.

"Sige na, I have to go. May meeting pa kasi ako. See you tonight na lang."

"Sige bye." Kaagad kong ibinaba ang linya at inilagay ito sa gilid ng table. Kumuha na naman ako ng isang hiwa ng nuggets. "Babe, ba't ang dami mong dalang pagkain?" tanong ko rito. Nagdala pa kasi siya ng pang-meal, burgers, fries at cold drinks.

Bloom After The DarkWhere stories live. Discover now