CHAPTER 9

1 0 0
                                    

Dalawang araw na akong nanatili rito sa bahay. Hindi na rin ako nakagala at nami-miss ko na talaga ang outside world. Kung lalabas man ako ng bahay ay hindi rin ako lalampas sa gate nitong village. Nagjo-jogging kasi ako tuwing umaga at paikot-ikot lang dito sa lugar namin.

Sa mga nagdaang araw na iyon ay wala akong ibang ginagawa kundi ang kumain, matulog, manood ng kdrama, manonood ng videos rin minsan. Nagkaroon din ako ng oras para halungkatin ang mini-library ko. Nagbasa ako ng ibat-ibang story pero lahat ng iyon ay puro tragic ang ending.

Ngayong araw, napagpasiyahan kong ibahin naman ang routine. Parang gusto ko nang lumabas sa village na ito at maglalakwatsa kahit saan, kahit ako lang mag-isa. Si Lely kasi ay may mga inaasikaso pa sa kanilang kompanya. Wala eh, rich kasi iyon at sa kanya pinamana ang kompanya ng kaniyang pamilya.

"May lakad ka?" salubong sa akin ni mommy.

"Maglakad-lakad lang po ako, mommy. Nabo-bored po kasi ako," sagot ko naman.

"Mamaya pag uwi mo ay mag-impaki ka na dahil pupunta na tayong Puerto Azul bukas, remember?"

Napakurap-kurap naman ako dahil nakalimutan kong may bakasyon pala kami. Kung bakasyon nga ang matatawag dito kasi dalawang araw lang naman iyon. "Oo nga pala. Nawala po kasi sa isip ko," pangangatuwiran ko. "Sige po. Aalis na po ako."

"Mag-ingat ka."

"Opo."

Kaagad akong umalis at mabuti na lang may taxi kaagad na dumaan. Magko-commute lang kasi ako dahil wala akong sasakyan. May sasakyan naman kami pero kailangan iyon ni mommy. Ako na lang ang mag-a-adjust total hindi naman ito importanteng lakad.

Bumaba ako rito sa tapat ng malaking building. Actually, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Siguro kung saan ako dadalhin nitong mga paa ko ay doon na rin ako. Lakad lang ako nang lakad at napupunta lang ako kung saan-saan. Kumukuha rin ako ng mga ramdom photos at bumibili ng ibat-ibang souvenirs.

Im about to enter the restaurant nang biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko naman ito at nalaman kong si Lely pala ang tumawag.

"Hello, Lely?" sagot ko sa linya.

"Nasa bahay ka?"

"Naglalakwatsa ako. Nasapian ako ni Dora kasi," biro ko pa.

"Talaga?" natatawa pang aniya.

"This one and this one. Thank you," sabi ko pa sa waiter. Kasalukuyan kasi akong tumitingin sa menu kaya kaagad na rin akong um-order sa gusto kong kainin. "Hello? Nandiyan ka pa ba, Lely?"

"Yes. Nasa restau ka?"

"Oo. Bigla kasi akong nagutom kalalakad ko." Inayos ko pa ang pakaing inihatid sa akin ng waiter. Thank you, sabi ko pa rito. "Ba't ka nga pala napatawag?"

"May tsismis ako sa yo," parang pabulong pang aniya. "Si Miguel, iyong sinabi mo sa akin noong nakaraan. Na-met ko na siya in person."

Napakunot-noo naman ako. "Kailan?"

"Kahapon lang. Ikaw ba nagbigay ng number ko sa kanya?"

Mas lalong nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ba't ko naman ibibigay ang number mo sa kanya?" Natahimik naman siya sa linya. "Wait nga lang. Ano ba talagang nangyari? Ikwento mo na sa kin nang diretso."

"Ganito kasi, kahapon may meeting ako with the shareholders. Bigla na lang may tumawag sa akin at unknown number iyon. Syempre, hindi ko sinagot kasi nasa meeting ako pero after three minutes may nag-text sa akin at iyon ang unknown number. Sinabi niyang siya si Miguel, kaibigan mo raw tapos gusto niya raw makipagkita sa akin." Habang nagkukwento siya ay minabuti kong kainin na lang din ang pagkain habang hindi pa gaanong lumamig. "Binigay niya sa akin ang lugar kung saan kami magmi-meet. So, pumunta naman ako."

Bloom After The DarkWhere stories live. Discover now