CHAPTER 1

7 1 0
                                    

Bell's POV

It's been a month na rin simula noong bumisita ako kay kuya. May sariling condo unit na kasi siya and that's why wala siya rito sa bahay. Kaming dalawa lang ang magkakapatid at magka-vibes naman kami. Kuya Jensie is known for one of a flirtatious man simula pa noong high school days niya pero dinala niya hanggang sa nakapagtapos siya ng college, until now.

Bihira lang makapunta rito sa condo ni kuya ang parents namin kasi nga busy sila sa maliit naming negosyo kaya ako na lang parati ang bumibisita sa kanya. Hindi naman kami mayaman, iyong sakto lang naman. Boutique lang ang tanging negosyo ng pamilya namin. May tatlong branch na kami at sana mapunan pa ito.

Anyways, malaki itong condo unit ni kuya at talagang ito ang bunga ng kanyang pagmo-modeling. May tatlong kwarto, may living room, may kusina, may balkonahe, at maganda pa ang view sa labas. Isa ito sa mga magagandang condominium rito sa Pilipinas. Iyon nga lang ay may presyo rin.

"Ba't ang dami mong dalang gamit? Ilang araw mo ba balak manatili rito?" kaagad na bungad sa akin ni kuya nang makarating ako rito sa condo. Tinulungan pa niya akong ipasok ang mga gamit ko sa loob.

"Hanggang sa mabo-bored ako rito."

Lumingon naman siya sa akin na parang hindi makapaniwala sa desisyon ko. "Seryoso ka ba?"

Tumango-tango naman ako saka umupo sa sofa. "Kuya, hindi naman kita pakikialaman kung may babae kang dadalhin dito. Nandito ako para magbakasyon, hindi para mangialam."

"At sinong nagsabing babae ang dadalhin ko rito?" Pinagkrus pa niya ang kanyang braso at kunot-noong humarap sa akin. Parang bad mood yata itong mukong na 'to.

Tamad akong tumayo saka nagpunta sa kanyang kusina. Tinitingnan ko kung ano ang mga pagkain mayroon siya rito at namilog ang aking bibig nang mabuksan ko ang refrigerator niya. Punong-puno ng mga iba't-ibang pagkain at drinks.

Kinuha ko ang isang can ng soda at binuksan ito saka ininom. "Ba't ang dami mong ini-stock na pagkain?"

"Dadating dito bukas ang mga kaibigan ko. They will stay here for two months or I don't know."

Awtomatikong napataas ang kanang kilay ko. "Really? Mabuti pa iyong mga kaibigan mo papayagan mong manatili rito kahit kailan nila gusto!"

"Sus! Tampo ka na naman niyan?" Sumunod pa siya sa akin rito sa kwarto pero hanggang pintuan lang siya. "Hindi mo naman kasi ako ini-inform na pupunta ka rito." Parang nag-iba pa ang tuno ng pananalita niya. Iyong tipong nakukunsensya. "Okay, sorry." Lumapit pa siya sa akin dahil alam niyang nagtatampo na ako sa kanya. Ginulo pa niya ang aking buhok pero hindi ko pa rin siya pinapansin. "Oh sige na. You can stay here whenever you want."

Gumuhit naman ang kaunting ngiti sa labi ko. "Weh? Talaga?"

"Ayaw mo? E 'di huwag na lang-"

"No, no, no. Huwag mo nang bawiin, kuya." Sa tuwa ko ay niyakap ko ang kanang braso niya. "Kuya, dinner tayo sa labas?" Nagpapa-cute pa ako para pumayag.

Inalis pa niya ang kanyang braso na niyakap ko. Arte! "Pagod ako," tanggi niya.

I pouted and stared at him. "Bihira na nga lang ako mang-aya pero tinatanggihan pa," bulong ko at alam kong naririnig niya ito.

"Order na lang tayo online," sabi niya habang nagpipindut sa kanyang phone.

Hinayaan ko na lang siya at pinagpatuloy ko na lang din ang pag-aayos ng mga gamit ko. Iniwan niya ako rito sa kwarto kaya nagkaroon ako ng time para ayusin ang mga kurtina at iba pang mga gamit. Mamaya-maya lang ay tinawag na niya ako para maghapunan na raw.

Gutom na rin naman ako kaya kaagad akong lumabas nitong kwarto. Bakas ang malapad na ngiti sa labi ko nang makita ang pagkaing galing sa paborito kong fast food. Ilang weeks na rin akong hindi nakakain ng ganito kasi nga palaging luto ni mommy o hindi kaya sa paboritong restaurant ni daddy kami kumakain. Kung si kuya kasi ang kasama ko ay madalas sa fastfood kami kakain. Kuripot kasi itong kuya ko kaya bihira lang pupunta sa mamahaling restaurant pero kung girlfriend niya ang kasama, siguradong doon pa siya maglalabas ng malaking pera.

Pagkatapos naming kumain at iligpit ang mga pinagkainan ay kanya-kanya na kaming nagsitunguhan sa kwarto. Medyo maaga pa naman kaya I decided to turn on my laptop and then search for the best kdrama series. Adik ako sa mga kdrama at kpop. Sabi nga nila na high standard daw ako at masasabi ko namang may kaunting katotohanan iyon. Kaya lang, nagawa pa rin akong lokohin, i-ghost, at iwan. Mabuti pa't sa panonood ko na lang igugugol lahat ng oras ko kaysa sa pakikipagrelasyon. Kdrama and Kpop is life!

Bloom After The DarkWhere stories live. Discover now