CHAPTER 2

8 0 0
                                        

Madaling-araw na akong nakatulog kagabi dahil nga sa tinapos ko pa ang buong episodes ng pinanood kong Kdrama. So ayun tuloy, sobrang taas na ng araw nang magising ako. Nag-stretching pa ako at tumalun-talon para man lang magising lahat ng sistema sa katawan ko. After a couple of time, I decided to take a shower and also do my morning rituals. Hindi ako sigurado kung anong oras na pero parang nasa around 10:00 a.m na siguro ngayon. Medyo kumukulo na rin itong tiyan ko kaya lumabas ako nitong kwarto pero awtomatiko akong napatigil nang makita ang hindi ko kilalang mga nilalang na nakaupo sa couch doon sa living area.

Una kong napapansin ang kausap ni kuya. He's tall, dark and handsome pero parang madaldal ito. Walang tigil kasi sa pagsasalita, samantalang si kuya ay taga-kinig at taga-tango lang sa kanya. Ang lakas nga niyang tumawa at may kasama pang palakpak. Iyong isa namang kasama nila ay palaging nasa pagkain lang ang atensiyon. Kasalukuyan kasi siyang kumakain ng chips at may kasama pang soda. May itsura rin naman, maputi, medyo chubby nga lang pero parang matangkad rin naman.

'Ito siguro iyong sinasabi ni kuya na mga kaibigan niya?'

Nakaramdam ako ng pagkailang nang mapansin ko ang mga titig nila na sinusundan pa ako hanggang sa makalapit sa kanila. Hindi rin kasi ako sanay makipagbarkada sa mga lalaki kaya ganito ang pakiramdam ko.

"Bell, sila iyong sinasabi kong mga kaibigan ko," tukoy ni kuya sa dalawa.

Tumayo naman kaagad iyong katabi niyang madaldal. "Hi, I'm Aljun Kenneth Zamora. You can call me Aljun for short," pagpapakilala niya sa kaniyang sarili habang inilahad sa akin ang kanyang kamay.

Tinanggap ko naman ito at tipid na ngumiti. "Hello, I'm Ysabella."

"Bagay sa iyo ang pangalan mo. Ang ganda."

Hindi ako makapagsalita sa halip ay parang mas dinagdagan pa lalo ang pagkailang ko kaya pilit na lang akong ngumiti at binawi ang aking kamay. "S-Salamat," mautal na wika ko.

Lumapit naman sa akin ang isa pero dala pa rin niya ang kanyang pagkain. "Hi! I'm AJ Sanchez. Tropa ako ng kuya mo since third year college." Nakipagkamay rin siya sa akin.

"Ysabella," pilit ngiting pakilala ko na naman.

"Bell, kumain ka na. Ikaw na bahala kung anong gusto mong kainin," sabi ni kuya habang nasa cellphone niya lang nakatutok.

"Sige," sagot ko at saka nag-iwan ng pilit na ngiti sa kanila bago ako nagtungo rito sa kusina.

Kinuha ko ang isang carton ng flakes at inilagay ko sa plato. I add fresh milk and then I start eating. Ito na ang nakasanayan kong breakfast at syempre mini-maintain ko rin naman ang pagda-diet ko.

'Tsk! Joke lang! Walang uso sa akin pagda-diet! Food is life kaya 'to!'

Ilang minuto rin ang itinagal ko rito sa kusina. Hinugasan ko pa kasi ang plato na pinagkainan ko. Pagkabalik ko sa rito sa sala ay busy'ng-busy na ang lahat. Puro sila tutok sa kani-kanilang phone at naglalaro ng mobile games.

"Kuya, lalabas kami ni Lely. Siguro mga mamayang hapon pa ako makakauwi," paalam ko.

"Sa'n kayo pupunta?" tanong niya na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"Around Metro Manila lang naman kami, kuya."

"Ysabella, I can take you there. May dala naman akong sasakyan," biglang presenta ni Aljun na siyang ikinagugulat ko pero hindi ko pinapahalata.

"No. Ako na maghahatid sa 'yo, Bell." Kaagad namang tumayo si kuya at kinuha ang jacket niya. "Aljun, give me your car key."

Napataas ang kilay ko habang nakatingin kay kuya. Ganito ba niya tratuhin ang mga barkada niya? O nagkaganito lang siya dahil sa akin? Nakikita ko nga ang pag-nguso ni Aljun habang iniabot niya kay kuya ang susi. Parang under siya ni kuya, eh.

Bloom After The DarkWhere stories live. Discover now