CHAPTER 36

1 0 0
                                        

Fifth day of staying here in Baguio with Aljun. Tatlong araw lang sana ang usapan namin ngunit nag-iba ang isip ko. Gusto ko muna manatili rito hanggat kaya ko nang harapin si Miguel muli if ever ma-meet ko siya pagbalik ko sa amin, by a chance. Luckily, pumayag naman si Aljun na mag-stay muna rito.

Sa mga nagdaang apat na araw, napapansin ko namang unti-unti nang natatanggap ng sarili ko ang nangyari. May kirot pa rin sa dibdib ko sa tuwing maaalala ko ang lahat nang may kinalaman kay Miguel at kay Lely. Pero hindi na ako kagaya noong unang araw na palagi na lang umiiyak. Tila naubos na ang mga luha ko kaya siguro wala nang lumalabas.

Ngayon, ayoko pa sanang gumising kaso ginising ako sa napakaagang caller. Kaagad ko naman itong kinapa at nakita kong si Camille pala ang tumawag.

"Hazel, ba't ang tagal mong sumagot?" agad na sermon niya. "Bagong gising ka ba?"

"Oo at iniisturbo mo ko."

Narinig ko naman siyang suminghal sa kabilang linya. "I dont care! Gumising ka na riyan! Mag-exercise ka. Maligo ka na!" nakaririnding sigaw niya sa linya.

Inaantok pa ko.

"Well, may ibabalita lang naman ako." Narinig ko pa ang paghinga niya sa kabilang linya na tila bay huminga nang malalim. "Bell, binugbog ni kuya Jensie si Miguel and—"

"What?!" Nawala ang antok ko at tila buong sistema ng katawan ko ay nagising na.

"Ipapakulong sana ng stepmom ni Miguel si kuya Jensie pero hindi natuloy. Kaya lang nasisante ang daddy mo sa trabaho and yung boutique ninyo ay nagkaproblema na rin."

Nasapo ko ang aking noo sa nakuhang balita. Guiltyng-guilty ako sa nangyari sa pamilya ko. At the same time, napunan ang galit ko sa pamilya ni Miguel. Mga walang-hiya. Purket mga mayayaman ang dali lang nila gawin sa amin to!

"Uuwi na lang ako ngayon diyan," sabi ko saka akma na sanang bababa sa kama.

"No, Hazel. Hindi ka dapat umuwi muna rito. And you don't have to worry about your family here kasi I already asked my mom for help. Just stay, relax and take care of yourself. Anyway, sabi ng mom and dad mo na dapat mag-ingat ka riyan."

Bumuntong-hininga naman ako. "Kailangan ko rin silang tulungan, Camille."

"Hindi nga pwede, Hazel. Alam na ni Miguel na you're pregnant and his the father of that child. Alam na rin ng pamilya niya." Pagkatapos kong marinig ang sinabi ni Camille ay parang tumigil ang lahat. Kinakabahan ako at nakaramdam ng takot. "Sinugod ako ni Lely noong nakaraang araw. Sabi pa niya na pinagplanuhan nilang ipalaglag ang baby. Hazel, kung pwede 'wag kang lalabas diyan. Take care of your baby. Kasi all the time, posibleng dadating sila riyan to find you."

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Takot ako pero dapat kailangan kong maging matapang para sa anak ko. I wont let them to hurt me and my baby. Kailangan kong protektahan ang anak ko. Magkakamatayan muna kami bago nila magalaw ang anak ko.

Pagkatapos naming mag-usap ni Camille ay diretso akong bumangon. Palabas na sana ako nitong kwarto nang mapansin ko ang isang tray ng pagkain sa side table. May piraso ng papel pang nakadikit sa gilid ng tray.

Bell, hindi na kita ginising pa kasi ang himbing ng tulog mo. Kainin mo tong mga pagkaing hinanda ko para sa iyo, ah? Inumin mo rin iyang gatas at kumain ka rin ng nga prutas na hinanda ko. And also dont forget to take your vitamins.

May pinuntahan lang ako. Saglit lang naman ako, babalik ako kaagad.

Aljun,

Napabuntong-hininga na lang ako saka muling umupo sa kama pero maya-maya lang ay may narinig akong sasakyan na pumarada sa labas siguro ng gate. Kaagad akong sumilip mula rito sa bintana ngunit napakunot ang noo ko nang malamang dalawang kotse ito at hindi kay Aljun. Nagsimula na ang kaba at takot na nararamdaman ko. Ako lang mag-isa rito at hindi ko na alam kung anong gagawin ko kung sakaling papasok dito ang mga naka-uniform na mga lalaki. Ngunit mas nabuhay pa lalo ang kaba ko nang lumabas din si Lely sa isang kotse.

Bloom After The DarkWhere stories live. Discover now