CHAPTER 6

3 0 0
                                        

Masama pa rin ang loob ko kay kuya. Kasalanan ko naman iyon pero aksidente nga lang talaga. Mag-a-alas tres na ng hapon at hindi ko na matiis ang gutom. Kumukulo na ang tiyan ko kaya nakapasya akong lumabas nitong kwarto. Timing kasi walang tao rito sa sala at parang ang tahimik ng buong bahay. Siguro tulog iyong iba, samantala ang iba naman ay lumabas.

Mas lalo akong nagugutom nang makita ko ang adobong manok kaya kaagad akong kumuha ng plato at naglagay ng pakain. Pumwesto ako sa upuan ko at magsisimula na sanang kumain nang makita ko si Miguel na lumabas sa kanilang kwarto. Nagtiim kaagad ang bagang ko at mas lalong nag-iinit na ang aking tainga nang lumapit siya rito sa aking kinaruruonan.

"Ano na namang kailangan mo?" inis sa tanong ko sa kanya pero nanatili lang siyang nakatayo at kunot-noong nakatitig sa akin.

"I'm warning you. If you got three mistakes, may matatanggap ka ng punishment sa kin." Ipinasok pa niya ang kanyang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon niya. "Remember, hangga't hindi mo pa na fully paid ang utang mo sa akin ay kailangan mong magpanggap na girlfriend ko."

Tiim-bagang akong napasinghal sa sinabi niya. "Hoy! Im warning you rin. Kung itutuloy mo pa iyang walang kwentang pagpapanggap na iyan ay makakatikim ka talaga sa kin!" Pinakita ko sa kanya ang kamao ko kahit alam ko naman na ang liit lang kumpara sa kanya.

"And you think, Im scared with that? Tsk! Parang kamao ng sanggol nga lang iyan." Natatawa pa siya. Nang-iinis!

"Miguel, hindi ako bobong tao at mas lalong hindi ako uto-uto. Ikaw lang naman ang may gusto sa deal mo na iyan. Sinabi ko naman sa iyo na kaya kong bayaran ang utang ko sa iyo at ayokong magpanggap na girlfriend mo."

"Okay. So nasaan na ang fifty thousand?" Inilahad pa niya ang kanyang kanang kamay. You have to pay me, right now.

"Nang-aasar ka ba?" Pinagtaasan ko pa siya ng aking kanang kilay.

"No," walang reaksyon na aniya.

"Grabe ka. Kung makasingil ka naman akala mo ako lang ang may kasalanan kung bat nahulog ang phone mo," sarkastikong sabi ko. "Hoy, remind ko lang sa iyo na ikaw itong nakahulog ng phone mo at hindi ako."

"But I tried to saved it, remember? Pero dahil nga sa iyo ay hindi ko nagawa."

"Oh di ba? Tayong dalawa ang may kasalanan. Bakit sa 'kin mo ipapasan lahat ng bayaran? Dapat nga hati tayo 'di ba?" Sinubukan ko talagang ikalma ang sarili ko.

Yumuko siya at pinagpantay ang paningin namin. Siguro nasa dalawang dangkal lang ang pagitan kaya awtomatikong nanlaki ang mga mata ko. "Hindi mo ba alam na muntik na rin akong mapilayan dahil sa ginawa mong iyon? Hindi mo ba natandaan kung gaano kalakas mo 'kong hinila? Nadumihan pa iyong damit ko." Napalunok ako nang mas lumapit pa siya sa akin. "Bagong ligo ako noon pero dahil sa iyo nadumihan ako," bulong niya saka umayos ng tayo.

Pasinghal na lang akong natawa. "Wow! Sinabi mong muntikan ka ng mapilayan? Nahiya naman ako sa iyo. Ako nga itong nagalusan sa siko pero hindi nagreklamo. Tapos kasalanan ko rin kung bakit nadumihan ang damit at katawan mong bagong ligo? Wow ulit! Akala mo rin ikaw lang ang nadumihan? Kung galit ka rin naman dahil nadumihan ka, e di sana iyong semento ang sinapak mo. Para makahigante ka naman di ba? Echoserang bakla, ang arte! Diyan ka na nga!" asik ko saka kinuha ang plato at baso. Inirapan ko pa siya bago ako nagtungo rito sa kwarto.

Mas mabuti pang dito na lang ako kakain para walang epal. Nanggigigil talaga ako sa pagmumukha niya. Kahit anong pang gawin niya ay hindi ako papayag. Bahala siya sa buhay niya.

Lumipas ang ilang oras ay napagpasiyahan ko ng matulog kaso bigla na lang tumunog ang phone ko. Kaagad ko naman itong kinapa sa ibabaw nitong side table at tiningnan kung sino ang caller. Natuwa naman ako kasi si Lely ang tumawag. Ilang araw na kasi siyang hindi nagparamdam.

Bloom After The DarkWhere stories live. Discover now