CHAPTER 32

1 0 0
                                        

Sobrang aga kong gumising. Alas singko pa lang ng umaga pero ito ako't nagpipindut na sa phone. I've been trying to call Miguel for 5 times na pero wala akong nakuhang sagot. Nag-leave na lang ako ng messages para kung sakaling buksan niya ang kanyang phone ay mababasa niya kaagad.

Wala pa ring sagot. Walang tawag na dumating. In short, tahimik pa rin ang phone ko. Nagpalipat-lipat na lang ako ng upo sa balkonahe, sa couch, sa kama, sa closet, pero wala pa rin akong natanggap na sagot kahit 'okay' lang.

5 hours later...

Nakapag-breakfast na ako, naka-ligo, nakalinis na ng kwarto, nakapagpakain ng mga puppies, pero still wala pa rin. Hindi rin umalis sila mommy't daddy dahil hinihintay rin nila si Miguel. Palagi nila akong tinatanong kung nasaan na. Nagsisinungaling na lang ako at sinabi sa kanilang may dinadaanan pa.

"Hazel, talaga bang papunta na ngayon dito iyong boyfriend mo? Ilang oras na ang nakalilipas pero wala man lang kahit anino niya," reklamo ni Camille habang tumingin-tingin sa bintana.

"Hintayin na lang natin," sabi ko na lang at narinig ko pa siyang suminghal. "Kailan ka ba uuwi? Baka hinahanap ka na ng mommy mo?"

"Well, nag-text na ako sa kanya na nandito ako and okay naman sa kanya. Gusto ko pa kasi makita iyang boyfriend mo," aniya at inilingan ko lang siya.

Pababa na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko. Kaagad ko naman itong tiningnan at sa wakas nakahinga na ako ng maluwag nang makita ang pangalan ni Miguel ang nakatatak sa phone screen.

"Finally, tumawag ka na rin," sabi ko sa linya.

"I'm sorry, babe, sobrang busy ko kasi at ngayon ko lang napansin iyong mga missed calls and messages mo."

"It's okay. Ang importante kausap na kita."

Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. "Bakit nga pala pinapatawag ako nila tita?"

"May importante kasi tayong pag-uusapan," kinakabahang sabi ko.

"Okay. Maybe mamayang hapon pa ako makapupunta riyan," aniya and I feel relieve dahil mapag-uusapan na namin ito. "Sige, I gotta go. May aasikasuhin pa ako."

"Sige, see you--" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla na lang niyang pinutol ang linya. Napakunot-noo na lang ako habang nakatitig sa phone screen. Gano'n ba talaga siya ka busy?

Another 5 hours later...

Dumating na rin si kuya pero iyong facial expression niya ay tila hindi man lang nag-iba simula kagabi. Hindi rin namin madadamayan ang isa't-isa dahil sa mga sitwasyon.

"Nag-usap na kayo?" malamig na aniya habang umiinom ng tubig. Inilingan ko lang siya bilang sagot. "Sa paglihim niya sa 'kin ay mapapatawad ko pa siya. Pero kapag hindi niya pananagutan iyang bata, handa akong putulin ang pagkakaibigan namin." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay iniwan na lang ako rito sa kusina basta-basta.

Lumipas ang ilang oras at malapit nang lumubog ang araw. Magsisimula nang dumilim ang paligid ngunit wala pa rin si Miguel. Ni-tawag or text man lang na on the way na siya ay wala. Kung ako rin ang tatawag sa kanya ay out of reached din.

"Hazel, ang daming mosquitoes diyan! Pumasok ka rito!" sigaw ni Camille mula sa balcony kung saan ang kwarto ko.

Nandito kasi ako sa tapat ng gate at nag-aabang kay Miguel na dumating. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kinakabahan ako at takot na baka umaasa lang ako sa wala. Napapansin ko kasi ang panlalamig ni Miguel. Tila ba'y wala na siyang oras pa ra sa 'kin.

Bloom After The DarkWhere stories live. Discover now