EPILOGUE

6 0 0
                                        

Walang kamalay-malay si Ash kung saan kami pupunta at kung bakit kami pupunta roon. Ang alam lang niya ay kakain kami sa labas. Kahit takot ako kung ano ang magiging resulta nitong gagawin ko ay kailangan ko na talaga itong harapin. Naghahalo ang kaba at takot ko pero hanggat maaari ay paninindigan ko pa rin itong desisyon ko.

"Ash?" tawag ko sa anak ko habang nasa kalagitnaan kami ng byahe papunta sa restaurant kung saan kami magkikita ni Miguel.

"Are you still mad at your dad?" tanong ko at sinulyapan ko pa siya sa rear mirror.

"Daddy A?"

"No. Your real dad," pagkaklaro ko naman at tinangu-tanguan niya lang ako. "You don't have to get mad at him, baby. He's still your father. Yes nagkamali siya noon pero daddy mo pa rin naman siya at hindi iyon magbabago."

"He don't even bothered to find us, mommy. We've been here for almost a half year but it seems he really don't care for us," iyong tuno ng pananalita niya ay mararamdaman mo talagang galit siya.

"Baby, I'm sorry kung naglihim ako, kami ng daddy A mo. Pero sana maiintindihan mo kami anak, ginawa lang namin iyon para sa iyo. Ash, anak, hinanap niya tayo. May mga sitwasyon kasing hindi mo pa maiintindihan sa ngayon kasi bata ka pa. Balang araw, iyong mga dahilan ng daddy mo ay alam kong maiintindihan mo iyon. Kahit ako ay may pagkakamali rin naman ako. Kaming dalawa ang nagkamali, Ash." Nakita ko pang huminto siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin habang nakakunot ang noo. "I should be thankful pa nga sa kanya kasi kung wala siya ay hindi tayo magkakasama ngayon. Wala akong anak na gwapo ngayon, 'di ba?" Aniya na inosenteng-inosente pa ang mukhang nakatingin sa akin. "He is your daddy and you have to be kind to him. Okay?"

Tumango-tango naman siya bilang sagot. At nang makarating na kami rito sa restaurant ay kaagad kaming bumaba ni Ash dito sa kotse at saka hinawakan ko ang kamay niya habang naglalakad kami papasok sa restau. Sa entrance pa lang nakita ko na si Miguel na naghihintay sa mesa. Walang ibang customer kundi kami lang. Hindi ko alam kung pina-reserve ba niya itong restau para sa aming tatlo o ano.

"Daddy's friend is here too?" namanghang wika pa ni Ash.

Habang papalapit kami ni Ash sa table ay kitang-kita ko sa mga mata ni Miguel ang pagkatuwa. Hindi niya inialis ang kanyang paningin sa bata. Nakangiti siya pero may mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata.

"Hi!" diretsong bati niya kay Miguel.

"Ash?" tawag pansin ko sa anak ko at takang nag-angat naman siya sa akin ng tingin. "Listen to me, ah? You him right?" tanong ko pa at tumango-tango naman itong anak ko saka tumingin kay Miguel at binigyan ito ng ngiti. "Do you like him?" dagdag tanong ko pa at tumango pa siya. "Anak, he is... he is your daddy. Your real daddy."

Tumaas naman ang dalawang kilay ni Ash at saka inosenteng bumaling kay Miguel. Walang ibang ginagawa ang anak ko kung hindi ang kumurap-kurap lang habang nakatingin sa kanyang ama. Siguro nabigla lang siya kaya ganoon ang nagiging reaksyon niya.

Nakita ko rin kung paano nagulat si Miguel. Hindi ko kasi sinabi sa kanya ang plano kong ito. Matagal pa nga bago naka-recover si Miguel dahil nanatili lang nakaawang ang kanyang bibig pero bakas na bakas iyong ngiti niya. Halos mapunit na ang kanyang labi sa walang pigil na pagngiti niya habang papalapit sa amin. Umupo siya sa harap ng bata at niyakap ito. Habang itong anak ko naman ay inosenteng-inosenteng nag-angat ng tingin sa akin at hindi man lang binitiwan ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Maski ako ay halo-halo na rin ang emosyon. Naiiyak ako pero alam ko sa sarili ko na tuwa ang mas nangingibabaw. Parang naging maluwag na sa pakiramdam na tila bay nawala iyong matalim na tinik sa puso ko.

Bloom After The DarkWhere stories live. Discover now