CHAPTER 30

1 0 0
                                        

It's been a week since I gave Miguel another chance. Yes, pinairal ko na naman ang pagiging marupok ko. Yes, sinunod ko na naman ang puso ko kahit alam kong may kapalit. All I wanna do is to trust him and to believe all his promises. Madalang na lang din kaming magkita, limited to be exact. I'd never imagined to be in a relationship like this to be honest. Halos ten warnings na rin ang nakuha ko sa stepmother niya.

"Kuya?" tawag ko rito. Kasalukuyan kasi siyang nagpipindut sa kanyang laptop. "Pumasok ka ba sa kwarto ko kagabi?" diretsang tanong ko na siyang ikinakunot ng kanyang noo habang nakalingon sa akin.

"No! Bakit naman ako papasok sa room mo? Ano gagawin ko ro'n?" aniya saka sinara ang laptop niya. "Bakit, ano bang mayroon?"

"Kagabi kasi ay may napansin ako. Parang may tumabi sa akin tapos pagkagising ko ay nakabukas na rin ang bintana sa kanang bahagi ng kwarto ko," kwento ko at nanatili lang nakakunot ang noo niya. Magsasalita pa sana ulit ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon si AJ kasama si Miguel.

"Hi, babe!" aniya saka dinampian ng halik ang aking noo. "Where's my kiss?" nakangising aniya pero iyong tipong pabulong lang ang pagkasabi niya dahil nandito sila kuya.

Tumaas naman ang kilay ko. "Mamaya na." Sabay kurot sa pingsi niya at nakanguso naman siyang tumingin sa akin saka umupo.

"Bell, did mommy and daddy knows about it?" balik ni kuya sa pinag-uusapan namin kanina.

"H-Hindi ko pa sinabi sa kanila."

"Sabihin mo sa kanila para aware sila sa nangyayari sa iyo. That's not a nice joke, Bell." Humarap pa sa amin si kuya saka ini-stretch ang kanyang leeg.

"Wait, anong nangyari?" takang tanong ni Miguel na nagpalipat-lipat pa ng tingin sa amin ni kuya.

Kinuwento ko naman sa kanila ang nangyari. Kahit ngayon habang nagkukwento ako ay nagsi-tayuan ang mga balahibo ko. Though, wala namang masamang nangyari sa akin pero still natatakot pa rin ako.

"That's horrible, Bell. I-report mo na kaya iyan sa pulis station?" suhestiyon naman ni AJ.

"I think pwede naman akong magpalagay ng cctv camera sa kwarto ko," wika ko pero napakunot noo na lang ako nang makita kong nasa kay Miguel lang sila nakatingin. "Kuya?" sambit ko.

"Parang alam ko na kung sino," aniya habang nakangising nakatingin pa rin kay Miguel.

Narinig ko namang matunog na ngumiti si Miguel. "Hey, bro, are you suspecting me?"

"Wala ka kasing imik diyan kaya kami nagdududa," wika naman ni AJ habang umiling-iling pa.

"Well, you're right." Tumatawa pa siya pero samantalang ako ay nanlaki ang mga matang nakatingin sa kanya. "Babe, you don't need to buy cctv camera. Aamin na ako and I'm really sorry for causing a little trouble."

"Ba't mo ginawa iyon?" Sabay sampal ko sa braso niya.

"Because I want to slept with you, babe. Bantay sarado na ako ng stepmom ko and that's why nagawa ko iyon. I'm sorry," aniya pero kita ko ang pagpipigil ng kanyang ngiti.

"Kaya pala parang hindi ka nag-aalala no? Kung alam ko lang sana na ikaw iyon--"

"Ano?" nanghahamon pang aniya na inilapit pa sa akin ang kanyang mukha.

"E 'di sana kanina pa kita tinadyakan diyan!" pabiro ko pa siyang inirapan.

"Sorry na nga." Napaigtad pa ako nang bigla siyang yumakap sa aking braso at isinubsob ang kanyang ulo sa likod ko. Napaka-clingy talaga niya. Hindi man lang nahiya sa barkada niyang nandito kasama namin.

Bloom After The DarkWhere stories live. Discover now